Kabanata 3

3.9K 186 3
                                    


Natigilan ako sa kwinento sa'kin ni lola. Bigla nalang akong natawa dahil feeling ko ay bumalik ako sa pagkabata.

Akala ko papagalitan ako ni lola dahil pinagtatawanan ko ang hindi kapani-paniwalang kwento ni lola pero sinabayan niya lang akong tumawa.

"Alam ko nakakatawa apo yung kwento ko dahil ganyan na ganyan din ang reaksyon ko nang ikwento yan sa akin ng magulang ko. Tanda ko pa noon na nag-aalay pa kami sa diyan sa ilog Agua para kami'y mabigyan nang maraming tubig. Pero ngayong nagdaang mga taon,wala ng naniniwala sa kanila. Natigil na rin ang mga pag-aalay nila at ibinaon sa limot ang mga diyos." natigil ako sa pagtawa. Oo nga naman,wala nang naniniwala sa mga kwentong bayan dahil bukod sa napacliche nang kwento ni lola (na tungkol sa minamahal ng diyos nang katubigan na namatay dahil hindi daw ito pwede. Hindi ko alam kung bakit) ay imposibleng may ganoong nilalang.

"Pero 'la,naniniwala ka ba sa mga kwentong iyon?" natatawang umiling si lola.
Maging si lola ay hindi naniniwala kahit naabutan niya ang panahon kung saan sikat ang kwentong mito.

"Hindi ako naniniwala doon pero ang mga magulang ko at kapatid ko ay naniniwala doon. Alam mo ba apo na ang apat na bayan na nandito sa los mabalos ay sumisimbolo sa apat na makapangyarihan na diyos? Ang tubig,apoy,hangin at  ang kalupaan." hindi na ako nagulat sa sinabi ni lola dahil simula pa lang ay alam ko na ang ibig sabihin ng Tierra at Agua at inaasahan ko talaga na may bayan dito na tinatawag na Aire at Fuego.

"Ang sabi pa sa'kin ni Inay ay apat na diyos na ito ay nagkakatawang tao at nakikihalubilo sa mga tao sa paligid." aniya. May sasabihin pa sana si lola pero narinig na namin ang boses ni Autumn na papalapit.

"Lola dear, sister dear. Handa na daw ang hapunan." maarteng sabi ng kakambal ko habang tingin nang tingin sa salamin at nagp-pacute.

___

Kinabukasan ay late na akong nagising. Ganito talaga ang routine ko tuwing umaga at kailangan pa ng alarm clock o kaya sigaw ni mommy para magising ako. Mabuti na lang at bakasyon at mahaba-haba ang tulog ko araw-araw.

Iisa lang ang kwarto na tinutuluyan namin ni Autumn na ngayon ay nag-aayos ng sarili. Ayos na ayos ang suot nito at mukhang may lakad.

"Where are you going?" mukhang nagulat naman siya nang magsalita ako. Inirapan niya lang ako pagkatapos.

"Gising ka na pala sister dear. Lakas mong manggulat ah. Dapat naghilamos ka muna bago ka nagsalita. Naamoy ko hanggang dito hininga mo oh."sinamaan ko siya nang tingin dahil palagi niya talaga akong inaasar tuwing umaga.

"Saan ka nga pupunta at ayos na ayos ka?"

"Outdated lang 'te? May pupuntahan tayo."

"What? Where?" inis na tanong ko sa kanya. Saan naman kami pupunta?

"Sa lupain daw ng Fuego. What the heck,hanggang ngayon ay nao-OA-an parin ako sa tawag ng bayan dito. My gosh!" maarteng sabi niya. Napairap nalang ako sa kaartehan niya.

Tamad na pumunta ako ng banyo para mag-ayos ng sarili. Kung pwede lang di sumama at magstay dito. Malakas ang net dito sa lupaing Agua dahil ito ang sentro ng Los Mabalos.
Sa mga sumunod na bayan naman ay wala ng mga signal o kaya mahihina at mahirap na  makipagcommunication. Kaya kung mags-stay ay hindi naman ako gaanong mab-bored.

Narinig ko pa ang sigaw ni mommy sa baba na pinapasabi kay Autumn na gisingin ako. Im already awake.

Naligo at nagbihis na rin ako. Nagsuot lang ako ng black na bestida na sando style. Ayoko naman na isuot ang mga longsleeve or turtle neck na mga bestida ko dahil mainit. Before I forgot to say,I always wear dress. Mga above the knee ang sinusuot ko na hindi gaanong maiksi.

It Was Summer When I Met You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon