Kabanata 29

2.4K 115 35
                                    

Agad kong pinunasan ang aking luha na tumulo sa aking mata. Nakatingin ako sa painting pero mas nangangamba ako sa presensya ng nasa likod ko. Naninigas ako at hindi ako makagalaw kahit gustuhin ko man na lumingon para tingnan siya.

"Alalahanin mo ako." pamilyar ang boses na iyon. Nilakasan ko ang aking loob at sinubukang galawin ang katawan ko. Pero sa aking paglingon ay pagtaas ng aking balahibo. Walang tao rito sa kwarto bukod sa'kin. Hindi tumitigil sa pagpatak ang luha sa aking mata.

"Summer..." lumingon ako kung saan may tumawag ng pangalan ko pero wala. Kinakalma ko ang sarili ko at iniisip ko na baka imagination ko lang ang lahat.

"Summer..."

"Summer..."

"Summer..."

"Sino ka?" bigla kong itong natanong. Hindi ko alam kung saan ko ibabaling ang tingin ko. Gusto ko siyang makita. Kung sino man siya, gustong- gusto ko siya makita.

"Alalahanin mo ako." naramdaman ko na may yumakap sa akin galing sa likod na lalong mas nagpaiyak sa akin. "Recuerdame, mi amore." napasalampak ako sa sahig dahil sa panghihina ng tuhod ko. I don't know what to do. How? Paano ko siya maalala? Paano ko malalaman ang totoo kung hindi ko alam kung saan ako magsisimula?

Wala na akong narinig na boses at tanging iyak ko nalang ang maririnig sa buong kwarto. Nang mahimasmasan ako ay tumayo na ako. Tiningnan ko ang painting at isang nakatalikod na babae ang narito. Unang tingin ko palang rito ay alam kong ako ito. Nakita ko na rin ito sa aking panaginip. Ako iyon habang nagp-painting.

Pinunasan ko muli ang aking luha at naisipang umalis na. Pagkababa ko ay muli akong napatingin sa piano. May kung anong imahe ang pumasok sa isip ko. Malabo iyon kaya di ko mai-describe ng maayos.

"Malalaman ko rin ang totoo. Alam kong malapit ko nang malaman ang totoo." tanging nasabi ko nalang bago ko lisanin ang lugar na ito.


Pagkalabas ko ng mansiyon ay hapon na. Bat ang bilis ng oras? Ilang oras na ako rito ngunit wala parin akong malaman ni isa? Ramdam ko pa rin ang pamumugto ng aking mata. Sa aking paglalakad ay todo baba ko ang cap ko para di ako tingnan ng mga tao.

Pagkabalik ko sa aking tinutuluyan ay bumagsak ang aking katawan sa kama. Bahagya pa akong nasaktan dahil hindi malambot ang foam nito.

Hindi ko piniling matulog kundi ay tumingin lang ako sa kisame at kung ano-ano ang pumasok sa utak ko.

Parang naririnig ko ulit yung boses nong lalaki sa mansiyon. Alam kong hindi ko yun imagination at mas lalong hindi ako nababaliw. Totoo siya. I heard him calling my name. Bakit rin ako napaiyak ng walang dahilan? All I know is I just want to know the truth.

Napag-isipan ko na mag-half bath dahil nangangati ang balat ko. I don't know kung dahil ba 'to sa pagpunta ko sa mansiyon.

Kukuha palang sana ako ng damit ko ng mapatigil ako. Parang may nakalimutan ako sa van pero di ko alam iyon. Napag-isipan kong puntahan iyon dahil nagbabakasakali na baka makita ko yung hinahanap ko.

"Ate Summer?" nanlaki ang mata ko nang marinig ang maliit na boses na iyon. Hindi ko alam kung titingnan ko ba ito o lalagpasan ko nalang. "Bat ka po andito ate Summer?" it's Samantha. Tiningnan ko kung may kasama pero wala. Lumuhod ako para magkasing-pantay na kami.

"Why are you here Sam?' tanong ko sa kanya.

"Kasama ko po mga kalaro ko rito." itinuro niya ang mga ibang bata na naglalaro ng habulan. "Ikaw po? Bakit po kayo nandito? Andyan rin po ba si Ate Autumn saka kuya Winter saka si Spring?" umiling ako at hinawakan ang kanyang buhok.

"Mag-isa lang ako rito, Sam."

"Ha? Bakit po?"

"Sam, you need to promise me, okay? H'wag mong sasabihin kahit kanino man na nakita mo ako."

"Bakit naman po ate? Ayaw mo po bang makita si lola?"

"Hindi sa ganun. I just need to find out something bago ako magpakita sainyo."

"Ganun po ba?"

"Ganun nga. Kaya promise me, wala kang pagsasabihan nito." pinakita ko sa kanya pinky finger ko at ginaya niya rin ako.

"Pinky swear." aniya na nakangiti.

"Sige, aalis na ako. Mag-ingat ka ah." sabi ko at tumayo. Bago pa ako makatalikod ay may sinabi siya sa'kin.

"Ate, lagi kong nakikita yung lalaking kasama niyo po noon." aniya.

"Ha? S-sinong lalaki?"

"Hmm. Hindi ko siya kilala pero siya po yung kasama niyo lagi noong nakaraang summer."

"Naalala mo ba ng itsura niya?" tanong ko bigla sa kanya.

"Hindi ko gaanong matandaan pero matangkad po siya saka maputi. Lagi siyang nasa harap ng bahay ni lola. Lalapitan ko sana siya pero bigla siyang nawala." hindi ako makapagsalita sa sinabi niya hanggang sa marinig ko na lang na tinatawag na siya ng mga kalaro niya.

"Alis na po ako ay ate, ingat ka po." tanging pagkaway nalang ang naisukli ko sa kanya.

Lutang akong pumunta kung saan nakapark ang van. Hindi ko nga alam kung bakit binuksan ko ang likod nito. Pakiramdam ko'y may kumokontrol sa sarili ko ngunit pinagsawalang bahala ko na lamang ito dahil mas iniisip ko yung sinabi sa akin ni Samantha.

Napatigil ako sa paghahalughog ng gamit sa loob ng maisip ko na parang wala naman akong nakalimutan. Pero may napansin ako. Isang canvass iyon. Natatakpan iyon ng mga boxes kaya minabuti ko na alisin muna ito.

Habang tinatanggal ko ito ay ang pagbigat ng pakiramdam ko. Parang bigla-bigla nalang akong naiiyak ng walang dahilan. Nang matapos kong alisin yung mga boxes ay kinuha ko na ang canvass. Maalikabok ito ng konti kaya nahirapan akong kunin.

Nang tingnan ko ito ay hindi ko alam kung ano agad ang magiging reaction ko. Pumatak ang luha ko sa canvass. Pakiramdam ko nagsibalikan lahat ng ala-ala ko. Simula noong una ko siyang nakilala hanggang sa ngayong huling tag-init. Tuloy parin ang pagdaloy ng luha na halos mabasa na ang painting.

Ang painting na ito, ako ang gumawa nito. Ipininta ko siya sa flower plantation.

Naalala ko na siya. Ang lalaking unang minahal ko. Naaalala ko na ang lahat.

"Dmitri..."

__

Yakanemori

It Was Summer When I Met You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon