Kabanata 6

2.8K 148 2
                                    


"Maari na ba kitang maisayaw dito,aking prinsesa?" parang nasa modern fairytale ang nangyayari ngayon. Dati,hindi ako naniniwala sa prince charming pero bakit ganun? Pakiramdam ko ay binago niya ang pananaw ko.

Kahit nangangatog ang aking tuhod ko ay tinanggap ko ang kamay niya.
Parang may kuryente na dumaloy sa katawan ko. Simula no'ng nagkita kami at pag nahahawakan niya ako ay may mga kuryente na dumadaloy sa aking katawan.

"Ikaw na ata ang pinaka magandang babae na nakita ko." namula ako sa sinabi niya. Sanay na ako sa papuri pero pag siya ang nagsasabi ay kakaiba sa pakiramdam. Nakakahiya,masaya,nakakaki--nevermind.

"Bolero ka rin eh 'no?" natawa siya sa sinabi niya. Kung gwapo na siya kahapon ay mas gumwapo siya ngayon. He's wearing a light green longsleeves na nakatupi hanggang siko at black pants na tenernohan pa ng isang black rubber shoes. He's gorgeous as hell.

"Bakit dito mo ako dinala?" tanong ko sa kanya. Tuloy parin ang pagsayaw namin at sumasabay naman ang magandang tugtog na nasa plaza.

"Hmmm. Gusto kitang masolo eh." aniya na mas lalong ikinapula ko. Hinawi niya ang hibla ng buhok sa mukha ko at inilagay iyon sa likod ng tenga ko.

Nagulat ako ng may lumabas na pulang rosas sa kamay niya na galing sa tenga ko. Isa lang ang masasabi ko,Astig!

"Wow! Nagm-magic ka?" para akong bata na tinanggap ang rose. Tumigil na kami sa pagsasayaw at inaya niya akong umupo sa isang kahoy na pahabang upuan.

"Siguro." sagot niya. Inamoy ko yung bulaklak at ang bango! Marami na ang nagbigay sa akin ng bulaklak pero madalas ay mga plastic lang at hindi tunay. Minsan ay binibigay ko na lang kay Autumn lalo na kung walang notes na naiwan.

Ngumiti ako sa kanya.

"Salamat."

"Walang problema." ngumiti rin siya sa akin. Simula nung makilala ko siya ay pakiramdam ko ay napapadalas na ang pag-ngiti ko. "Ba't hindi ka nakikisayaw sa mga nag-aaya sayo kanina?" biglang tanong nito sa'kin. Pa'no niya nalaman yun? Pinapanuod niya kaya ako kanina?

"Kasi a-ano,hindi ko sila kilala." mahina itong tumawa dahil sa sagot ko. Tumunog ang phone ko at tumatawag si Winter. Marahil ay hinahanap na ako ng dalawang ito. Nag-excuse muna ako kay Esclavo bago sagutin ang tawag.

"Nasa'n ka?" bungad nito nang sagutin ko ang tawag. Hindi uso sa'min ang "Hi" or "Hello". Napairap nalang ako. Pag sasabihin kong kasama ko si Esclavo ay kukulitin niya lang ako na ipakilala ito sa kanila. Nakakahiya naman sa kanya kung aayain ko siyang ipakilala sa kapatid kong tukmol.

"N-nasa plaza."

"Liar. Wala ka dito. Sinong kasama mo?" mukhang nilibot na ata nila ang plaza at itong lugar nalang ang hindi.

"W-wala akong kasama...gusto ko lang mag-isa kasi nakakabingi na ang music diyan. I'm fine,okay?" mukhang nakumbinsi ko na si Winter at sinabihan niya na lang ako na mag-ingat at bumalik ulit pagnag12:00. 11:30 na at 30 minutes pa kami para mag-usap.

Bumalik ulit ako nung matapos ang tawag. Nakatingin lang siya sa buwan. Hindi ko rin natiis at napa-angat ang tingin sa buwan.

"Pinapauwi ka na sainyo?" tanong nito sa'kin. Ibinaling ko ang tingin ko sa kanya at umiling  bilang sagot. "Sabihin mo lang sa'kin kung gusto mo nang umuwi." ngumiti ito sa'kin. Napaiwas ako nang tingin dahil feeling ko ay namumula ako.

"M-may tanong lang ako,b-bakit pag ano,pag may problema ako,tinutulungan mo ako?" nakayuko lang ako habang tinatanong yun. Ilang minuto ang katahimikan ang bumalot samin at music lang na galing sa plaza ang maririnig.

It Was Summer When I Met You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon