Kabanata 21

2K 98 7
                                    

Ramdam ko ang pag-andar ng van. Ramdam ko ang liwanag galing sa araw na tumama sa akin.

"Malapit na tayo?"

"Yeah. Ilang minuto nalang at makakarating na tayo."

"Maayos ba ang pagkakalagay ng kapatid mo diyan Winter?"

"Yes 'My. Tulog parin siya hanggang ngayon."

"'Dy, pano kung delikado yung gamot na itinurok mo kay Summer kagabi?"

"It's not, Autumn. It was tested. Don't worry, magigising yang kapatid mo pagkarating natin sa bahay."

Gusto kong tapalan ng headset ang tenga ko. Ayaw kong marinig ang boses nila.

Kanina pa ako gising, hindi lang nila nahahalata. Ako lang mag-isa sa likod at akala nila ay mahimbing akong natutulog.

Ilang minuto ang lumipas at tumigil ang van.

"Nandito na tayo." rinig kong sabi ni daddy. Gusto kong umiyak. Dati rati lang ay nasa probinsya pa ako. Ngayon ay nandito na ako. Sobrang bilis ng pangyayari. Sobrang bilis na halos sisihin ko ang sarili ko dahil hindi ko pa sinulit ang mga araw na iyon, ang araw kung saan kasama ko siya.

Kung sana lang...

Nasa loob na ako ng kwarto ko dito sa manila. Kung pano nangyari yun? Binuhat ako ni daddy dahil sa pagpanggap na tulog pa rin ako.

After dad leave ay agad akong bumangon at nilock ang pinto ng kwarto ko.

Nilibot ko ang paningin ko sa loob ng kwarto.
The wall is painted by color green which is my favorite color.
Nakasabit lahat ng paintings ko sa pader.

Nanghihina akong napasalampak sa kama.

Gusto kong bumalik, kung maari sanang ibalik ang oras.
Kung may time machine lang sana.

Umayos ako ng pagkakahiga sa kama nang marinig ko ang katok na galing sa pinto.

"I know you're awake, Summer." it was Autumn. Nagdalawang-isip ako kung pagbubuksan ko ba siya o hindi.

"Summer, can we talk?" bumangon ako sa pagkakahiga at binuksan ang pintuan. I saw her smiled at me.
She's holding a tray na naglalaman ng gatas at biscuit.

Pumasok siya sa loob ng kwarto ko at nilapag ang tray sa aking study table.

"Okay ka na ba sister-dear?"

"Do you really think I'm okay?" inis kong tanong sa kanya.

"Summer..."

"You all think I'm crazy." naluluha kong sabi. "I'm not, Autumn. I'm not." nagulat ako sa sinunod niyang ginawa. She hug me. Ni-comfort niya ako na palagi niyang ginagawa noong bata pa kami. She's always there to protect me.

"You'll need to eat first, okay?" she said while wiping my tears using her tumbnails.

Umalis na siya ng room ko at ako ay naiwang mag-isa ulit.

Nanlumo akong napasalampak sa kama.
Napatingin ako sa study table ko at pagkakita ko sa pagkain ay nakaramdam ako ng gutom.

___

This is the last day of May. Bukas ay june na hudyat na tapos na ang tag-init.

Ito ang araw na dapat masaya ako pero hindi. Hindi ko kayang maging masaya.

Napabuntong-hininga nalang ako habang pinapasa ang form sa babae.

"Late ka nang nagpa-enroll Ms. Arsolla." tumango lang ako at binigyan siya ng pilit na ngiti. Nakaraang linggo pa dapat ako nagpaenroll pero nahuli na ako.

It Was Summer When I Met You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon