Kabanata 9

2.4K 109 9
                                    


Mabilis akong naligo at nagbihis. At the end,hindi ko nasuot ang dalawang pinagpipilian ko kanina.
Sinuot ko lang ang isa sa mga bestida ko na kulay light blue na above the knee.
Nakaflat shoes lang din ako. I didn't put any make up on my face. Naglagay lang ako ng polbo saka lip balm.

Kinuha ko ang straw hat ko at isinuot ko ito sa nakalugay kong buhok.
Tiningnan ko ang wallclock pagkababa ko. Saktong alas-tres na. Mukhang mal-late pa ata ako.

"At saan ka pupunta?" maawtoridad na tanong ni Winter habang nakaharang siya sa pinto. Nandun parin ang kaibigan niyang si Sig na nakatingin rin sa akin. Kailangan kong malusutan ang kapatid kong ito.

"Sa labas lang." sagot ko.

"Sa labas lang pero ayos na ayos ka." inirapan ko siya. Si Autumn nga eh kahit nasa bahay lamg eh grabe magmake-up.

"May im-meet lang akong kaibigan sa labas. Satisfied?" magsasalita pa sana siya pero nauna nang magsalita si Sig.

"Hayaan mo na Winter. Kaya naman niyang protektahan ang sarili niya dahil marunong siyang magmartial arts." pati ba naman yun ay alam nitong Sig na'to. Pasalamat nalang ako dahil gumagawa siya ng way para makaalis ako.

"Pag may nangyari sa'yo ako ang mapapagalitan eh." naiintindihan ko naman siya sa pagiging protective kuya pero hindi sa lahat ng oras ay kaya kong sabihin kung saan ako pupunta.

"Walang mangyayari sa akin. Kulit nito." sabi ko. Kinausap ni Sig si Winter kaya nabaling ang atensyon nito sa kanya. Nakita ko ang pagsenyas ni Sig na dahang-dahan na lumabas ako ng pinto.

Safe akong nakalabas pero narinig ko pa ang sigaw ni Winter at tinatawag ako. Agad kong tumakbo.

Malayo ng konti ang lupaing Tierra kaya kailangan pang magtricycle. Pwede mo naman siyang lakarin kagaya nang ginawa ko noong naligaw ako.

Mukhang hindi naman ako minalas dahil may dumating naman na tricycle agad-agad.

"Sa flower plantation po." pinaandar naman niya agad ito pagkatapos kong sabihin ang destinasyon na pupuntahan ko.
Hindi ko mapigilang hindi mapatingin sa repleksiyon ko sa maliit na salamin sa loob ng tricycle. Ayos naman siguro ang mukha ko 'no? Well,kahit walang make-up na naka-attach sa mukha ko ay maganda pa rin ako.

Ilang minuto rin ang itinagal at nakarating na rin ako. It's already 3:20. Late ako ng 20 minutes.
Nang makabayad na ako ay mabilis akong pumasok sa flower plantation. Marami parin ang mga tao rito.

Tiningnan ko ang direksiyon kung saan niya sinabi kung saan kami magkikita. Medyo may malayo iyon sa kinatatayuan ko pero kitang-kita ko ang nakasandal na lalaki sa puno.

Mukhang ilang minuto na rin siyang nag-aantay. I waved at him para mapansin niya ako. He do the same too.

"She's weird." napatingin ako sa babaeng mas bata sa akin ng konti. Nakatingin ito sa akin na may pagtataka. Papatulan ko na sana ito pero narealize ko na baka madamay pa si Esclavo at matanggal sa trabaho pag nagreklamo itong babae. Palalampasin ko ang pagtawag niya sa akin na weird.

Inirapan ko nalang siya at tinahak ang direksiyon kung nasaan si Esclavo. Nakangiti siya sa akin at naramdaman ko na naman ang pagbilis nang tibok ng puso ko.

Simple lang ang suot niya hindi kagaya ng ibang lalaki sa syudad kung saan halos takpan na ng accesories ang katawan. Kahit sa mall lang naman pupunta ay grabe kung pumorma.

Siya na mismo ang lumapit sa akin.

"Ang tagal mo." sabi nito.

"Eh di sana di mo na ako inantay." sabay irap ko. Kahit kinakabahan ako pag kausap ko siya ay nagagawa ko pa rin na tarayan siya. Mahina siyang tumawa sa sinabi ko.

It Was Summer When I Met You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon