Tila nabingi ako sa sinabi ni Elise. Kumawala ako sa yakap ni Esclavo.
Nakatingin siya sa akin na punong-puno ng kalungkutan."S-summer..." tawag niya at akmang hahawakan ako nang biglang natawa ako. Akala ko tatawa rin sila. Pero hindi, nakatingin sila sa akin na parang nababaliw.
"Oh my god! Akala niyo naman maniniwala ako sa inyo? Anong klaseng palabas ito?" sabi ko habang inaalis ang luha sa aking mata. Hindi ko alam kung bakit tumulo ang luha sa mata ko.
"Summer..." tawag nito sa akin habang papalapit sakin habang ako ay napapaatras.
"Come on. She's lying, right?" hindi siya sumagot at nakatingin lang sa mata ko.
Hindi ko na ito gusto. Bakit pakiramdam ko...pakiramdam ko...
"Esclavo, sabihin mong joke lang ito. Kailangan ko na bang tumawa?" he didn't reply.
"Hindi siya naniniwala sa akin. Huh! Gusto mo ba talagang makita ang kakayahan namin para maniwala ka?" napatingin ako kay Elise. May inilabas siya ng buto ng halaman. Mukhang buto iyon ng kalabasa.
"Elise, tama na."
"Hindi! Hindi siya naniniwala sa atin! Kailangan niyang lumayo sa'yo! Kailangan na niyang umalis sa bayang ito! Kailangan niyang mawala sa buhay mo kung hindi ikaw--"
"I said enough!" hindi ako makapaniwala sa sumunod na nangyari. Bigla nalang lumipad si Elise at galing iyon kay Esclavo. Itinulak niya ito na hindi man lang hinahawakan ni isang parte ng katawan ni Elise. Gamit lamang ang pagkompas ng kaniyang kamay ay nagawa niya yun?
Napaatras ako at hindi makapaniwalang tumingin sa kanya. Ngayon ko lang siyang nakitang ganito. Galit ang nasa mata niya. Kumikislap ang kulay berde nitong mata na nakatingin sa akin.
"N-no..." wala sa sariling sambit ko.
"Am I just dreaming. Oh my god. Please wake me up. Please wake up. Wake up." napapikit ako at tinakpan ang aking tenga. Gusto ko nang magising! This is nightmare!
"Summer!" para akong nawalan ng tinik sa lalamunin.
Sabi ko na nga ba at panaginip lang ang lahat. Minulat ko ang aking mga mata. Nasa harap ko si mommy na punong-puno ng pag-alala sa kanyang mata.
Agad ko siyang niyakap.
"Thanks mom. Thank you for waking me up on my night...mare." agad tumaas ang balahibo ko sa batok. Dahil hanggang ngayon ay nakikita ko pa rin si Esclavo. Nakikita ko pa rin ang mga mata niyang punong-puno ng kalungkutan. I'm not on my bed. Nasa kinatatayuan parin ako kanina.
"Summer, we need to talk." sabi ni daddy. Seryoso ang kanyang boses na kahit kailan ay hindi ko pa iyon naririnig sa tanang ng buhay ko.
Tumingin ako kay Esclavo at kinabahan ako lalo na't hindi siya napapansin ni mommy at daddy.
Agad akong lumapit sa kay Esclavo at hinawakan ang kanyang kamay.
I need to confirm it! Gusto kong paniwalain ang sarili ko na panaginip lang ang lahat!
"This is Esclavo. M-my s-special friend." pagpapakilala ko sa kanila kay Esclavo. Napatakip ng bibig si mommy at isa't-isang lumabas ang luha sa kanyang mata na pinagtaka ko.
Tiningnan ko si Esclavo na nakatingin lang sa akin. Ngumiti ako sa kanya.
"Summer, let's go inside." hinawakan ako ni daddy sa kamay ko.
"Ano ba dad! Don't be rude. This is the first time I introduce a friend to you guys. What's the matter?" malungkot akong tiningnan ni daddy. Mas lalong bumigat ang pakiramdam ko.
Hindi...
"You can see him, right?"
"Summer..." tawag ni mommy sakin.
"He's standing beside me! He's here!" sabi ko at tinuro ang pwesto kung saan nakatayo si Esclavo.
"Summer, u-umuwi na tayo."
"N-no! No! Bakit ba ang rude niyo? Pinapakilala ko na nga siya sainyo. Nasa tabi ko lang siya dad! Nandito lang siya!"
"W-we can't see him, child." hindi ako nakapagsalita sa sinabi ni daddy. Hinila ako ni daddy papasok ng bahay na parang lumipad lang ako dahil hindi ko namalayan na nasa loob na kami.
Pagkapasok namin sa bahay ay agad kong binawi ang aking kamay na hawak ni daddy.
"Mom, why are you crying?" rinig kong tanong ni Winter sa kay mommy ngunit wala itong sinagot.
"Dad?"
"Pack your things." utos ni daddy sa dalawa. "Autumn, isabay mo narin yung gamit ni Summer. We're leaving."
"W-wait, akala ko ba bukas pa iyon? Ang bilis naman ata." angal ni Autumn.
"Just do it!" walang nagawa ang dalawa at mabilis na umakyat sa taas.
"Summer, what the hell is happening to you?" nagtaka ako sa tinanong ni dad.
"What are you talking about dad? Am I supposed to ask that to you? Why did you do that to Esclavo? He's my s-special friend. My only friend. You act like you did not saw him? Nasa tabi ko lang siya dad."
"Kailangan na natin siyang maipacheck-up sa psychiatrist as soon as possible, Betina." sabi ni daddy kay mommy at dumiretso sa kitchen. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya.
"Psychiatrist?" hindi makapaniwalang tanong ko. Naramdaman ko ang yakap ni mommy galing sa likod ko. She hugged me while she's crying.
"Baby, it's okay."
"N-no!" umalis ako sa pagkakayakap kay mommy.
"You guys thinking that I'm crazy?" hindi sila sumagot. Naramdaman ko ang yabag ng mga kapatid ko.
"What's really happening here? And what's this?" natuon ang atensiyon ko kay Winter na may hawak na pictures. Hindi ko alam kung anong nasa pictures para maging ganun ang kanilang reaction. Saan galing ang pictures na yan na kanina pa hawak ni daddy?
Tiningnan nila ako na hindi makapaniwala.
"S-summer..." agad akong lumapit sa kanya at inagaw ang mga pictures at tiningnan.
Agad nanlaki ang aking mata, natuptop ang aking bibig at hindi makapaniwala sa mga nakita ko.
"S-sino ang kumuha ng mga litrato na 'to?" tanong ko sa kanila.
"Galing sa kay Melbita--isa sa mga tiyahin mo."
"It was photoshopped dad!" I cried. Hindi ito totoo. May gusto lang sumira sa akin.
"Damn it, Summer! They saw you, They saw you talking alone, laughing and do such things. You're just doing it alone. Wala kang kasama." napaiyak nalang ako at napalumpasay sa sahig.
"You're lying! You're lying! Nagsisinungaling kayong lahat! He's real. He's real. He's real!"
"Summer, enough." pagsuway sa akin ni Autumn at lumuhod para punasan ang aking luha.
"I painted him, autumn. I painted him. You saw it." umiwas siya nang tingin.
"You're imagining things, Summer."
"I'm not!"
"Yung pininta mo ay si Dmitri! Ang lalaking matagal ng patay! Ang lalaking ilang daan ang agwat sa'yo."
A/N: Short UD muna. Hahaha. Bawi nalang next time. Nag-english na ang bida natin. Lol.
__
Yakanemori
BINABASA MO ANG
It Was Summer When I Met You (COMPLETED)
Fantasia(Forbidden Love Series #2) Every summer ay bumibisita siya sa akin. She was 6 years old when I first saw her. Gustong-gusto niya ako dahil napapalago ko ang mga bulaklak. Sa buong summer na palagi kaming magkasama ay nahulog na ang loob ko sa kanya...