A/N : Malapit na mag-pasukan kaya sa tingin ko ay magiging mabagal ang UD sa mga story ko. Don't worry. I will update everyweek. ^^ Hindi ko lang alam kung ilang chapters.
___
Pagtapak ko palang sa bahay ay ang mga nakataas na kilay na agad ang sumalubong sa akin. Si mommy na nakacross-arms habang taas na taas ang kilay. Si daddy na ma-awtoridad ang tingin, ang dalawa kong kapatid na naiiling.
"Oh apo, bakit ka ginabi?" tanong ni Lola. Agad akong nagmano sa kanya at humalik naman ako sa pisngi ng mga magulang ko.
"A-ah...may kaibigan lang akong kas--"
"Summer Arsolla. Saan ka nanggaling at bakit ka ginabi?" kinabahan ako sa boses ni mommy. Alam ko naman na minsan lang siyang magka-ganyan at kahit kailan ay hindi pa ako nakaranas nang pane-nermon niya. Madalas si Autumn ang palaging nasesermonan dahil sa palagi siyang gala.
"I-I told you guys, kasama ko ang kaibigan ko. We're just hanging out." pinatatag ko ang boses ko pero kinakabahan ako sa consequence na ibibigay sa akin ni mommy.
"At sino namang kaibigan ang tinutukoy mo? Bakit hindi mo siya ipakilala sa amin?" si daddy na ang nagtanong.
Hindi ko alam ang isasagot ko hanggang sa tuluyan ko nang itinikom ang bibig ko. Wala akong balak na ipakilala sa kanila si Esclavo...dahil hindi pa ako ready."Hindi pwede yung ginawa mo anak. Pinag-alala mo kaming lahat. Sana sinabi mo kung saan ka pupunta." lumambot ang mukha ni Daddy sa akin. Napayuko nalang ako sa hiya. What the hell am I doing? Masiyado ko na silang nababahala? Ayoko sa lahat nang ganun! Ayoko sa lahat nung may nag-aalala sa akin dahil nagmu-mukha akong pabigat.
"Dahil sa ginawa mo, Summer. Take the consequence. Hindi ka lalabas ng bahay hanggang sa makauwi tayo ng manila." napaawang ang labi ko sa sinabi ni mommy. W-what? I'm grounded? No, no, no. Hindi pwede. Lalo na't nangako ako kay Esclavo na tutulungan ko siyang balikan ang ala-ala niya. Gusto ko pa siyang makasama. Hindi pwede. I can't be grounded right now.
Magsasalita na sana ako nang inunahan ako ni Autumn. Lumipat siya sa pwesto ko at humarap sa kila mommy at daddy.
"Mom,dad, pwede bang palagpasin na lang natin ito? I mean, isang beses lang naman ito nangyari kay Summer." nabigla ako sa mga salitang lumabas sa sinabi ni Autumn? Pinagtatanggol niya ba ako?
"What? Autumn, hindi pwede--" naputol na ulit ang sasabihin ni mommy dahil si Winter na ang nagsalita.
"Mom, sige na please. Hindi ba't gusto mong nandito kami sa probinsya para makalabas-labas rin? Kung grounded si Summer, ano nalang pinag-kaiba nun kung iniwan natin siya sa manila?" hindi ko alam kung maiiyak ba ako sa pinagsasabi ng dalawang ito. Tinulungan nila ako.
Napabuntong-hininga si mommy.
"Fine. Ayoko na itong maulit, Summer. Dahil dun, may curfew nang magaganap. 5:00 ng hapon dapat nasa bahay na." parehas na napasigaw ang dalawa na halatang tutol sa sinabi ni mommy.
"Bakit naman ang aga, mommy?"
"'My naman, pwedeng 7:00 nalang?"
"No,it's final." yun na ang huling usapan namin bago kumain ng hapunan.
___
Kinabukasan ay late na naman ako nagising. Alas-onse na ng tanghali. I saw Autumn na mukhang may lakad na naman. Nakablack leather jacker na kung saan may black fitted sando sa loob at black skinny jeans. What the heck? Bakit ganiyan ang outfit ng kambal ko? Para siyang si Cat woman dahil sa suot niya.
"Good morning sister-dear. How's your sleep?" mabait niyang tanong sa akin. Walang halong pang-aasar.
"Kung sino ka man, umalis ka sa katawan ng kambal ko." agad niya akong binato ng unan na nakuha niya sa gilid ng kama. Agad ko itong nasalo.
"I'm just kidding, okay?" tumawa ako nang mahina pero hindi siya natawa at hindi makapaniwalang nakatitig sa akin?
"What?" tumaas ang kilay ko sa kanya.
"D-did you just laugh?" inirapan ko siya dahil sa wala niyang kwentang tanong. Anong tingin niya sa akin? Robot? Hindi lang talaga ako masayahin.
"Oh my god! Ikaw ah. Sino ba yang nagpapabago sa'yo? Nacu-curious tuloy ako diyan." inirapan ko siya at isinubsob ang mukha ko sa unan dahil sa tingin ko ay namumula ako. Bakit ba ako nagkakaganito? Argh!
"Hay naku sis, sana naman worth it yung pagtanggol namin sa'yo kagabi ah. Pwede naman kayong mag-date niyang boyfriend mo pero hanggang 5 lang. Okay? H'wag papahuli at baka maging alas tres ang curfew." binato ko siya ng unan na pinambato niya sa akin kanina. Nailagan niya at nag-ala cat woman ang mga kamay.
"He's not boyfriend!"
"Aysus! Deny pa. Di daw boyfriend pero namumula." sinamaan ko siya nang tingin pero bumelat lang siya sa akin bago kumaripas nang takbo.
Laking pasalamat ko nalang sa kanilang dalawa dahil siguro kung hindi nila ginawa yun ay hindi ko siya muling makikita.
__
Hindi ako nalate at saktong alas tres akong nakapunta sa tagpuan. Nakita ko ulit siya dun at ganun na naman ang bilis nang tibok ng puso ko lalo na nung ngumiti siya.
"Mas lalo ka atang gumaganda, aking prinsesa." namula ako sa sinabi niya pero hindi ako nagpahalata.
"S-so? Panget ako kahapon?" mataray na tanong ko dahilan para tawanan niya ako. Inirapan ko nalang siya.
"Kailan ka ba naging panget?" ginulo niya ang buhok ko. Wala akong suot na straw hat kaya malaya niya itong magulo.
Sumunod na ginawa niya ay hinawakan niya ang kamay ko. Nasasanay na ako sa kamay niya na laging nakahawak sa akin.
Nagsimula kaming lumabas ng flower plantation at ganun parin ang mga tingin sa akin ng mga tao kada dumadaan ako. Mga nakakunot ang noo at nagbu-bulongan. Feeling ko may mali eh.
Whatever."Natatandaan mo pa ba yung bahay na tinutukoy mo?" tanong ko sa kanya.
"Hmmm. Sa pagkakatanda ko lamang ay isang puting mansyon na napapaligiran ng bulaklak." tumango ako. Wow! Mansyon? So may posibilidad na mayaman itong si Esclavo? Pero hindi yun ang mahalaga ngayon, dahil mukhang mahihirapan kami kung saang lupain nakatayo ang bahay na iyon.
"Hindi mo ba alam kung saang lupain nakatayo ang bahay na tinutukoy mo?" nag-isip ulit siya.
"Sa tingin ko, nandito parin yun sa lupain ng tierra." aniya. Okay, mukhang madali lang naman hanapin ang bahay na iyon. Hindi naman kasi gaanong kalakihan ang bawat bayan. Ang pinakamalaki talaga ay ang lupain ng Agua dahil ito ay center ng Los Mabalos province.
__
Ilang minuto ang lumipas at ngayon ay nasa harap na kami ng bahay na tinutukoy ni Esclavo. Napalunok ako at ramdam ko ang butil ng pawis sa aking noo. Napadiin rin ang hawak ko sa kamay ni Esclavo.
"S-s-sigurado ka ba talagang ito iyon?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.
"Oo." muli akong sumulyap sa mans'yon na nasa harap namin.
Puti nga ito pero mukhang luma na. Walang mga halaman na nakapaligid kundi ligaw na damo.Hindi ito ang mansion na inaasahan ko...it's look like a haunted house.
___
Yakanemori
BINABASA MO ANG
It Was Summer When I Met You (COMPLETED)
Fantasy(Forbidden Love Series #2) Every summer ay bumibisita siya sa akin. She was 6 years old when I first saw her. Gustong-gusto niya ako dahil napapalago ko ang mga bulaklak. Sa buong summer na palagi kaming magkasama ay nahulog na ang loob ko sa kanya...