Kabanata 23

2K 96 5
                                    


Nagising ako kinabukasan na namamaga ang aking mata dahil kakaiyak sa hindi ko alam na dahilan. I don't even remember why I'd cried yesterday. Naalala ko lang na kausap ko si Sam kagabi then nalaman ko nalang nang tinawagan ako ni Sam kanina at sinabing iyak ako ng iyak kagabi. She also said na wala akong maalala. Yes, wala talaga akong maalala na nangyari yun kagabi. That's so weird.

"Dear, sasama ka ba mamaya sa mall? Bibili kami ng gamit niyo para sa school." sabi ni mommy habang nag-uumagahan kami. Oo nga pala, pasukan na sa lunes.

"Yes 'My, bibili rin ako ng paint materials ko. Mukhang naubos ko na ata noong nakaraan?" sabi ko habang patuloy sa pagkain. Hindi ako komportable sa pagtingin nila sa akin. What the hell is wrong with them?

"Ba't ganiyan kayo makatingin?" tanong ko.

"Ahm, you look different kasi ngayon sister-dear." tinaasan ko ng kilay ang aking kambal.

"Different? I didn't even change a bit." naguguluhan ako sa inaasta nila. Naalala ko pala na kakabirthday ko palang kahapon. I'm already 17 right now.

"Ahuh? Yeah?" tanging sagot ni Autumn. I just shrugged then I continue eating my food.

__

Mabilis na dumaan ang araw. Pasukan na agad. Sabay kaming pumasok ni Winter at Autumn pero nagkahiwalay rin dahil magkaiba kami ng building. College na kasi si Winter kaya sa kabila siyang building. Same lang kami ng building ni Autumn pero magkaiba kami ng floor. Sa second floor siya at ako naman ay sa third floor. Magkaiba kasi kami ng strand na kinuha. HUMSS ang kaniya at sa akin naman ay STEM. Yes, I want to be successful architect someday.

"Summer!" napatingin ako sa kay Sam na kumakaway sa akin. Napairap ako sa kanya. Does she really need to shout my name? Pwede naman niya akong lapitan eh. Same strands lang kami ng kinuha ni Sam, gusto niya rin maging architect. Patakbo siyang lumapit sa akin.

"Summer, are you okay na ba?" tanong niya sa akin.

"Yes, of course. I'm always fine." masungit na sabi ko sakanya. Mukha bang hindi ako okay?

"Tama nga si Autumn, bumalik ka na sa pagiging Summer." bulong niya na narinig ko naman.

"What?"

"Ahh, wala wala. Tara na, pumasok na tayo sa room." sabi niya at inilingkis ang kamay niya sa aking braso. Pagkapasok sa room ay agad na napatingin sa amin ang aming classmate. Yung iba sa kanila ay pamilyar dahil naging classmate ko sila habang yung iba naman ay hindi.

"Hi Summer." bati sa akin ng isa sa mga nagging classmate kong lalaki. Hindi ko siya pinansin at dumiretso lang sa upuan sa likod malapit sa bintana. Alam kong napahiya siya lalo na nang asarin siya ng mga kaibigan niya. To the rescue naman si Sam at kinausap niya yung lalaki. It's not my fault kung napahiya siya.

"Summer naman, napahiya sa'yo si Nick oh." Nick pala ang pangalan nun. As if I care?

"Di ka pa ba sanay sa ugali ko?"

"Always mataray. Naku, naku, Summer. Kung ako may ganyang ganda sa'yo, lulubos-lubusin ko na." aniya habang umupo sa aking tabi. Maganda si Sam, makulit at medyo may pagkaflirty. Halos lahat ng estudyante sa campus ay ginagawa niyang kaibigan to the point na marami nang nagagalit sa kanya sa pagiging friendly niya.

"Ah yeah, I forgot. May iba ka palang gusto." tiningnan ko siya ng 'what are you talking about' look.

"Yung multong tinutukoy mo kagabi." Multo? Kailan pa ako naniwala sa multo?

It Was Summer When I Met You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon