Kabanata 25

1.9K 87 5
                                    

Months passed at ramdam ko na ang lamig ngayon. It's already November. Ang bilis ng panahon. Still, I felt incomplete and I don't know why. 

I was sitting on my chair while looking at the field. Masiyado ata akong napaaga nang pasok kaya ito ako ngayon, tambay sa loob ng room. Konti palang kami at wala pa ang aking bestfriend kong si Sam. Hindi ko mapigilan na maglakbay ang diwa ko. 

While looking at the field kung saan may naglalarong soccer ay  biglang may nahagilap ang mata ko. It was a guy. Hindi siya naka-uniform at hindi rin siya naglalaro. He was just there standing while looking at me. Alam kong sa akin siya nakatingin, siguro dahil malakas ang pakiramdam ko kung may taong nakatingin sa akin. Nakipaglaban ako nang titigan sa kanya, I can't see him clearly. Nangunot na ang noo ko dahil sa hindi siya bumibitaw sa pagtitig.

"Summer." halos mapatalon ako sa panggugulat niya sa akin. Nilingon ko siya na may iritado sa aking mukha pero tinawanan niya lang ako.

"At bakit ka na naman  nandito Sig?" I asked him. Ngumiti siya nang nakakaloko sa akin. Hindi na ako nagulat nang may ilagay siyang tatlong roses sa desk ko. May narinig akong impit na tili sa likod ko. Actually, kilala na nang mga classmate ko si Sig kasi araw-araw siyang bumibisita sa room. Minsan pag lunch break, nandito rin siya at kinukulit ako. 

Dati naiirita ako sa kanya pero ngayon, hindi na gaano. He's courting me anyway, not because I said yes, napilitan ako dahil sa pamilya ko. They keep saying na why don't I give him a chance since I'm already 17. Diba dapat 18 nila ako payagan? Not 17?

"Thanks." I said with my normal tone. Tinanggap ko ito. Binalik ko ang tuon ko sa lalaking nakatitig sa akin kanina pero wala na siya roon. I don't get it pero nakuha niya ang atensyon ko. Bigla akong tumayo na ikinagulat ni SIg. Aalis na sana ako pero hinawakan ako ni Sig sa aking palapulsuhan.

"Where are you going?" bigla akong natauhan. Wala sa sariling napaupo ulit ako sa aking upuan. Why I will waste my time looking at that guy na nakatitigan ko lang naman? That's so...argh! Nevermind.

"Nothing. Anyway, di ka pa ba babalik sa klase mo?" it sounded like pinapaalis ko siya at nakita kong nasaktan ko siya. "Ayoko lang na mapahamak ka pa ng dahil sa akin." sabi ko at biglang nagliwanag ang kanyang mukha. He looked at his wristwatch at muling tumingin sa akin.

"Nah, I have 20 minutes and I believe na may 40 minutes pa bago magsimula ang class niyo." alam na alam niya ang schedule ko kaya di na ako magugulat na bigla nalang siyang sumusulpot. 

"Oh. Okay." sagot ko na lamang.

"Kailan ko ba makikita na ngumiti ka sa akin?" biglang tanong niya sa akin na hindi ko naman agad  nasagot.

"Imposibleng di mo ako nakikitang ngumiti." I said. Ngumingiti ako pero...

"Of course I know, pero kailan ko kaya makikitang ngumiti ka ng dahil sa akin." he just look like daydreaming. Sa loob ng ilang buwan, masasabi kong hindi ako ngumingiti or tumatawa na ang dahilan ay siya. Well, I don't know. I'm not really a  happy person since  I was a kid.

"Well, makikita ko rin yan siguro sa darating na panahon." tumayo na siya at sa tingin ko ay aalis na siya.

"Yeah. Maybe." he patted my head na paborito niyang gawin. Nasanay nalang ako. He said goodbye bago umalis. 

Time flew past.  Uwian na at magkasabay kami ni Sam na lumabas ng room. Napag-usapan namin na gagawa kami ng project sa bahay namin. Nasa malayo palang ay kita ko na si Autumn na kumakaway sa amin habang nakangiti. 

 Nang makalapit kami ay agad niya akong bineso at sumunod naman ay si Sam. Nakita ko si Winter na nasa loob ng van kasama si Sig as usual.  

Pumasok ako sa loob at gayon din si Sam. Nasa likuran namin si Winter at si Sig habang si Autumn ay nasa shotgun seat. Sinabi ko kay Sam na matutulog lang ako at gisingin ako pag nasa bahay na.

And then I dream.

In my dream, nasa flower field ako. It's look like paradise. Kalahati ng flower field is sunflower ang tanim. I'm still wearing my school uniform. Marami akong nakikitang butterflies na lumilipad and I'm enjoying watching it. Sinundan ko ang isang kulay dilaw na paru-paro hanggang sa makarating ako sa isang nag-iisang puno. Mukhang matanda na ang punong ito. 

Nawala na sa paningin ko ang paru-paro at naisipan kong libutin nalang ang lugar. Buong akala ko ay ako lang mag-isa ang nasa lugar na ito pero may nakita akong babae na naglalakad. Nakadress ito. I get curious so I followed her. I saw her, nakaupo siya sa isang bato at may ipinipinta. 

"Hello?" hindi ito tumingin sa akin at busy lang ito sa kanyang ginagawa. 

"May bayad yan 'no."   nangunot ang aking noo. Damn! It's my voice!

"S'yempre joke lang. Pero next time, may bayad na yan."  This is getting creepy. Biglang may nagring at yun ang ringtone ng cellphone ko. I don't know if this is really a dream or maybe a nightmare. Ayokong lumapit at tingnan ang babaeng ito dahil pakiramdam ko ay ako mismo iyan. I saw her na sinagot ang tawag and I realized that her phone is just look like the same with mine.

  "Nasa flower plantation lang ako. Don't worry."   she said na mukhang may kausap sa kabilang linya. Matagal siyang di nakasagot.

 "Yes. Sige sige. Papunta na ako."  nagbago ang boses nito. Naging malungkot ito. Pinataya na niya ang tawag at may kinausap siya.

  "P-pano ba yan, kita nalang tayo sa susunod na taon."  Tiningnan ko kung sino ang kinakausap niya pero wala akong nakita. That girl is just talking to herself! At ayokong isipin na ako mismo ang babaeng iyan. It's not me.

"Te'amo."

I froze.


__

Yakanemori

It Was Summer When I Met You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon