Kabanata 26

1.9K 87 13
                                    


I woke up soaking with my own sweat.

"Summer? Are you okay?"rinig kong tanong sa akin ni Autumn but I ignored her. Pakiramdam ko ay nanaginip parin ako.

"Summer?" hindi ko namalayan na nakarating na kami sa bahay. Kung hindi pa ako tapikin ni Samantha ay hindi pa ako bababa ng van.

"You okay, Summer?" tanong niya sa akin pagkapasok namin. Hindi ko siya pinansin at umakyat ako papunta ng aking kwarto.

I don't know pero sobra akong naapektuhan sa panaginip. Parang nangyari na yun sa akin. I want to know kung sino ang nagmamay-ari ng boses na yun. Sino ba siya?

Naalala ko na may ipinipinta ako sa panaginip ko. Biglang gumalaw ang katawan ko para hanapin ang dalawa kong kapatid.

Nasa hagdan palang ako nang marinig ko na nag-uusap ang tatlo.

"Do you think bumabalik na memorya niya?"
"Probably yes."

"Nag-aalala na ako kay Summer. Should I call mom already?"

"Wag muna Autumn."

"What if kung maalala niya na ang lahat?"

"Babalik ang alaala niya Sig kasi sabi naman ng doctor, temporary amnesia lang naman ang meron sa kanya."

"I know. I'm just worried. Pa'no kung..."

"Kung maalala na niya si Dmitri at babalik sa probinsya?"

"You mean? Yung multo na minahal ni Summer?"

Hindi ko na mapigilan na hindi ipakita ang sarili ko sa kanila. Gulong-gulo na ako sa nangyayari. Anong temporary amnesia ang pinagsasabi nila? Anong multo at sino si Dmitri?

"Care to explain what I heard?" halata ang gulat nilang tatlo sa biglang pagsulpot ko. Si Samantha ay bigla pang nasinghot ang juice na kanyang iniinom.

"K-kanina ka pa diyan Summer?" tanong sa akin ni Sig.

"I'm having temporary amnesia? Anong hindi ko maalala? Naaksidente ba ako?"

"Summer, it's better kung si mom at dad nalang ang magsabi sa'yo."

"No, gustong kong malaman yung totoo. Anong, anong amnesia yung narinig ko?"

"Autumn." tawag ni Winter kay Autumn. Agad na kinuha ni Autumn ang phone niya at nagtipa dito. Lumapit ako sa kanya at inagaw ang cellphone niya.

"Summer, give it back to me."

"Sabihin niyo sa akin ang totoo ngayon din. I want to know the truth. Gano ba kahirap para sabihin niyo sa akin ang totoo?"

"S-sino si D-Dmitri?" hindi ko na mapigilan ang gusto kong itanong sa kanila. Walang nagsalita sa kanila. Nanatiling nakatitig sila sa akin.

"Sino siya?!" rinig sa buong bahay ang biglang pagsigaw ko dahilan para maagaw ko ang atensyon ng ibang katulong.

"Summer..."

"You don't want to tell me, do you?" hindi sila sumagot.

"Fine. Uuwi ako ng probinsya." Sabi ko at agad silang tinalikuran. Mabilis akong umakyat papunta sa aking kwarto. Ni-lock ko ito. Rinig ko ang tawag at pagkalampag nila sa pinto.

Kinuha ko travelling bag ko at nilagay ang pangunahin kong kailangan. I check my wallet at mabuti nalang ay may pera ako.

"Summer, open the door." nagulat ako nang marinig ko ang boses ni daddy. Nang may bigla akong naalala. Parang nangyari na ito. Pinihit ko ang aking ulo at inisip kung saan ako dadaan. Hindi ako pwedeng dumaan sa pinto dahil alam kong pipigilan nila ako.

"Winter, kunin mo yung duplicate ng susi ng kwarto ng kapatid mo." mas lalo akong nataranta. Hindi ito pwede! Kailangan kong umuwi. Kailangan kong malaman ang totoo.

Natuon ang atensyon ko sa bintana at naisip ko na maari akong dumaan don. Tiningnan ko kung gaano kataas ang bababaan ko. Kailangan ko lang pagsama-samahin ang kumot ko hanggang sa maaari na akong makababa.

Dahan-dahan akong bumaba ng matali ko na ang kumot. Hindi umabot hanggang dulo yung kumot pero kaya ko naman itong talunin. Agad ko itong tinalon at mabuti nalang ay hindi man lang ako nasugatan o nasaktan.

Sumakay ako sa van at mabuti nalang ay may sari-sarili kaming duplicate ng susi ng sasakyan. I started the engine dahilan para lumikha ito ng ingay.

"Summer!" nakita ko si mommy sa aking bintana gayun din si daddy. My mom was crying while my dad is looking at me angrily. Hindi na ako nagdalawang isip na paandarin ang kotse lalo na nang makita ko si daddy na umalis ng kwarto ko para puntahan ako.

"Summer, come back!" my mom cried bago ako tuluyang makaalis ng bahay. Hindi ko mapigilan na hindi mapaiyak. While driving ay pilit kong pinupunasan ang aking luha. Nang alam kong malayo-layo na ako sa bahay at maaring hindi na nila ako masundan pa ay nagpark muna ako sa isang ministop. Nagbihis ako sa loob ng van dahil nakauniform pa pala ako kanina.

Sinuot ko lang ay isang shorts, isang t-shirt na may tatak na It's More Fun In The Philippines, at sinuot ko rin ang aking brown hoodie.

Pumasok ako ng ministop para bumili ng kakailanganin ko sa byahe.

Pagkatapos kong mamili ay bumalik na ulit ako sa sasakyan. Hindi ko alam kung paano magbyahe sa probinsya but thanks to google map.

Anim hanggang siyam na oras ang byahe at hindi ko alam kung makakayanan ko ba. But still, naalala ko na kailangan kong alamin ang totoo. I need to know what really happened that summer. 

I tried to focus on the road while riding pero hindi ko parin maiwasan isipin yung usapan nila kanina. May temporary amnesia ba talaga ako?

And then I remember the guy in my dream. He's telling me that I need to remember him. Sino? Yun yung kailangan kong alamin.

Kanina pa tunog nang tunog ang cellphone ko dahil sa kakatawag ng pamilya ko sa sa'kin. Tumawag rin si Sig at Sam pero hindi ko ito pinapansin.

Ilang oras ang lumipas at nakaramdam na ako ng pagod at antok. Mag-gabi na rin kasi.  Pero kinaya ko hanggang sa makarating ako sa terminal ng barko. Mabuti nalang ay may last trip pa akong naabutan. Tatlong oras ang byahe sa barko at naisipan ko na doon nalang matulog.

__

Nagising ako dahil sa may tumapik sa akin.

"Miss, dadaong na po ang barko." aniya at umalis. Kinusot ko ang aking mata at tumingin sa aking wristwatch. Mag-aalas dos na ng madaling araw. I wonder kung gising pa kaya si lola. Alam na kaya niya na lumayas ako sa bahay?

Kinuha ko ang gamit ko. Kaydaming bituin sa langit kaya hindi ko napigilan ang sarili ko na titigan ito.

Nabalik ako sa wisyo ng may biglang may nag-announce na kailangan nang bumaba yung mga pasaherong may dalang sasakyan. Dahil isa ako doon ay sumabay na ako pababa.

Pagkatungtong ko palang sa probinsyang ito ay hindi ko alam kung bakit biglang nagsitaasan ang aking balahibo.

The one thing I know ay malapit ko nang malaman ang totoo.

__

Yakanemori

It Was Summer When I Met You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon