W-w-what?
"Bakit parang ang lungkot mo na naman, Summer?" hindi ko pinansin ang tanong ni Autumn. Dapat diba masaya ako dahil maaga na kaming makakauwi sa manila pero hindi. Iba ang dinaramdam ng puso ko. Alam kong ang dahilan nun ay 'siya'. Wala ng iba pa at siya lang.
"Lagi ka nalang ganyan." ismid ni Autumn.
"What do you mean?" nagtatakang tanong ko.
"Di mo matandaan? Simula noong bata pa tayo, ganyan ka na. Tuwing uuwi tayo dito sa probinsiya, ayaw mo tapos pagbabalik na tayo ng manila is malungkot ka naman na halos maiyak-iyak ka na." nagtaka ako sa sinasabi ni Autumn. I don't remember anything. Tuwing summer ay wala akong maalala but I'm just ignoring it.
"Bahala ka na nga sister-dear." aniya at mabilisang lumabas ng kwarto na hindi ko napapansin dahil nagtataka parin ako sa sinabi niya.
Do I have an amnesia?
__Alas siyete ng gabi at nagpaalam muna ako kay mommy na lalabas para magpahangin. Kakatapos lang namin magdinner.
Umupo ako sa isang mahabang kahoy na upuan sa labas ng bahay.Humahampas ang malamig na hangin sa aking mukha. Maraming bituin sa langit ngayong gabi.
Napapikit nalang ako habang dinadamdam ang tahimik na paligid."Alam mo, parang kang bituin." agad akong napamulat nang marinig ang boses na yun.
"W-why are you here?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. Hindi ko man lang naramdaman ang paglapit niya sa akin.
"Para sa'yo." ngumiti siya sa akin dahilan para mag-wala ang tibok ng puso ko. Kumikinang ang berde niyang mata.
"H-ha?" wala sa sariling tanong ko.
"Para kang bituin, Summer at ako naman ang dilim. Ikaw ang nagbibigay nang kinang sa buhay ko." bigla akong namula sa sinabi niya. Ayan na naman siya sa mga cheesy lines niya.
Hindi nalang ako umimik at nanatiling nakatingin sa bituin.
Ilang minutong katahimikan at wala pa rin sa amin ang nagsasalita."Summer..." tawag niya sa akin. Gaya nang inaasahan ko, halos marinig ko na ang tibok ng aking puso. I wish na hindi niya naririnig ang ang tibok nito.
"Paano kung...malaman mong iba ako?" tiningnan ko siya nang nagtataka.
"Ha?" Anong ibig niyang sabihin? Iba saan?
"Wala. Nagbibiro lang ako."
aniya at kinuha ang aking kamay. Namula ako sa ginawa niya."Summer..."
"Esclavo..." sabay kaming tumawag ng pangalan.
"Ikaw muna." sabi ko. Umiling siya at ngumiti at hinalikan ang likod ng aking palad. Mas lalo pa ata akong namula.
"Hindi, ikaw na muna." nagpakawala ako ng isang buntong-hininga.
"Aalis na ako sa susunod na araw." bahagyang napaawang ang kanyang labi sa sinabi ko. Nakita ko ang lungkot sa mga mata niya dahilan para kumirot ang aking dibdib.
"K-kala ko sa linggo pa?"
"Akala ko rin nga. I don't know, biglaan ata." sabi ko at umiwas ng tingin. Hindi na siya sumagot.
"Ano yung sasabihin mo?" basag ko sa katahimikan.
"S-summer. Sa tingin ko, kailangan mo nang malaman ang totoo." kinabahan ako sa sinabi niya. What does he mean? Anong totoo?
"W-what?" mas pinili ko na tarayan ang tono ng aking boses para hindi niya mahalata ang kaba ko.
"Summer..."
"A-ano nga kasi yun?"
"Hindi ako--"
"Summer?" nanlamig ako sa boses na yun. Si Autumn. Tila nablangko ang isip ko dahil sa baka isipin ng kambal ko na boyfriend ko si Esclavo. Lumingon ako kay Autumn.
"A-a-ate?" kinakabahan na tawag ko sa kanya. Naramdaman ko ang pagbitiw ni Esclavo sa kamay ko.
Napatayo agad ako nang lumapit si Autumn."Wow! Ate? May kasalanan ka ba at ate ang tawag mo sa akin?" mapang-asar na tanong niya. Nagtaka ako dahil hindi niya nakikita si Esclavo. Nang tingnan ko kung saan nakaupo si esclavo kanina ay wala na siya. Nasaan na siya?
Bakit bigla-bigla nalang siyang naglaho? At bakit di siya nakita ni Autumn kanina? Bakit parang wala siyang nakita?"Woy!" nagising ang diwa ko sa sigaw ni Autumn.
"H-h-ha?" wala sa sariling tanong ko. Inirapan niya ako dahil sa tanong ko.
"Haist! Tinatawag ka na ni mommy. Pumasok ka na raw sister-dear dahil kung mapano ka pa dito sa labas." kumapit siya sa aking braso at hinila papasok ng bahay na gulong-gulo pa rin ang aking isip.
__
"Autumn." tawag ko sa kanya. Nakahiga ako sa kama habang nakatingin sa kawalan.
"Yeah?" sagot niya na hindi man lang ako tiningnan. Nakatingin siya sa salamin habang sinusuklay ang buhok niya.
"Did you saw someone earlier?"
"Huh?"
"May kasama ba ako kanina?" lumingon siya sa akin na nagtataka.
"Nah. I don't see anyone. Why?" maarteng sagot niya. Hindi ako nakasagot. I know kausap ko lang siya kanina.
May sasabihin siya sana sa akin pero hindi niya natuloy dahil dumating si Autumn.Nakatulog ako na puro katanungan ang nasa isip ko.
"Summer..."
"Summer..."
"Summer..." agad akong napabangon sa tumatawag sa akin. Pawis na pawis ako at hinihingal. Hindi ko alam kung bakit.
"A-autumn?" tawag ko sa kambal ko pero tanging hilik lang ang narinig ko sa kanya.
Napabuntong hininga na lang ako at isiniwalang bahala ang mga boses na iyon. Hinanap ko ang phone ko sa table kung saan ko nilagay roon kagabi pero wala. Wala akong choice kundi ang mangapa sa dilim.
Dahan-dahan akong lumabas ng kwarto dahil sa nauuhaw ako.
Nanigas ako sa kinatatayuan ko ngayon dahil sa tunog na narinig ko sa baba. Kumabog nang mabilis ang dibdib ko. Tunog iyon ng piano.
Pero walang piano rito sa bahay ni lola! How that can be possible na may naririnig akong tunog ng piano?!
Alam na alam ko rin ang tunog na yan. Nocturne OP.9 no.2. Ang pinatugtog ni Esclavo kanina.
B-bakit naririnig ko ito ngayon?
Kahit natatakot ako ay lumapit ako kung saan nandon ang switch ng ilaw. Mabuti nalang at nahanap ko ito.
Sa pagbukas ko nito ay agad akong napapikit dahil sa liwanag ng ilaw. Mas maliwanag pa sa flourescent.
"Ting. Ting. Ting." hindi pa rin mawala ang tunog ng piano at feeling ko ay malapit lang ito sa akin.
Binuksan ko ang mata ko at natumba ako sa gulat.
Nasaan ako?
Pamilyar ang bahay na ito. Ito yung mansiyon kanina kung saan kami nanggaling kanina ni Esclavo. Pero hindi ito maalikabok at hindi ito luma.
Nanunuyo ang lalamunan ko at tumatagatak ang pawis sa aking noo.
Nadako ang paningin ko sa lalaking nakatalikod habang nagpapatugtog ng piano. Nakasuot ito ng mahabang itim na robe.
Siya yung tumutugtog ng piano. Pamilyarang likod ng lalaking iyan.
Sa hindi kadahilanang dahilan ay napatayo ako at dahang-dahang lumapit sa lalaki.
Nang mapansin niya ang presensiya ko ay tumigil siya sa pagtugtog pero tuloy lang ako sa paglapit.
Hanggang sa...
"SUMMER!!"
__
Yakanemori
BINABASA MO ANG
It Was Summer When I Met You (COMPLETED)
Fantasy(Forbidden Love Series #2) Every summer ay bumibisita siya sa akin. She was 6 years old when I first saw her. Gustong-gusto niya ako dahil napapalago ko ang mga bulaklak. Sa buong summer na palagi kaming magkasama ay nahulog na ang loob ko sa kanya...