Kabanata 10

2.5K 120 3
                                    

Nang marating na namin ang pinakataas ay agad akong napaluhod sa pagod. Agad naman na inalalayan ako ni Esclavo na makatayo.

"Miss,ayos ka lang?" may lumapit sa akin na babae na mukhang kaedaran lang ni mommy. Tumango lang ako bilang sagot.

"Ganyan talaga pag first time mong makaakyat rito pero worth it naman ang pagod mo pag nakita mo na ang tanawin." ngumiti ako dahil sa sinabi niya. Mukhang nahimasmasan na rin ako.
Muling bumalik ang babae sa dalawa bata na mukhang anak niya nang makitang maayos na ako.

Napatingin ako sa kay Esclavo at nakatingin rin ito sa mag-iina. Kita ko ang lungkot sa mga mata niya.
Nasaan kaya ang pamilya niya? Bakit palagi siyang mag-isa?

Napaiwas agad ako nang tingin nang tumingin siya sa akin. Mahina siyang tumawa sa ginawa ko. Nakakahiya na nahuli ako na tumititig sa isang lalaki.

"Tara." hinila niya ako at halos gusto ko nang masuka dahil sa pagkahilo nang makita ang baba. Agad akong napaatras ng ilang hakbang.

"Ayos ka lang?" natatawang tanong ni Esclavo. Mukhang pinagt-tripan niya na ata ako.

"Mukha ba akong ayos sa lagay na 'to?" pagsusungit ko sa kanya. Di na magkukunwaring hindi ako natatakot sa heights.

Nanlaki ang mata ko nang bigla niya hinawakan ang dalawang pisngi ko at hinarap sa kanya.
Heto na naman ang puso ko na mukhang nag-uunahang magsitakbuhan.

"H'wag kang titingin sa baba. Tumingin ka lang sa dagat para hindi ka matakot." aniya at ngumiti sa akin. Binitawan niya ang mukha ko. Wala sa sariling napahawak ako rito at ramdam ko ang pamumula nito.

Sumandal siya sa railings na halos di ko matingnan. Hindi ko kasi maimagine na kung pano kung masira ang railings na yan at mahulog ang mga tao na nakasandal diyan.

Inilahad niya ang isang kamay niya sa akin na parang sinasabi na samahan ko siya.

"Pwede namang sa akin ka na lang tumingin." mas lalo akong namula sa sinabi niya. Tiningnan ko ang mga tao at baka may nakarinig pero mukhang wala naman dahil busy sila sa pags-selfie.

Inirapan ko siya at tinanggap ang kamay niya at dahang-dahan na lumapit sa kanya. Pinakiramdaman ko pa yung railings pagkahawak ko rito. Mukhang matibay naman siya.

"Tingnan mo." tinuro niya ang dagat na halos kumikinang dahil sa sinag ng araw. Napanganga na lang ako sa ganda ng tanawin. Totoo nga ang sinabi nang babae na tumulong sa akin kanina na worth it ang pagod mo.

Kitang-kita ang dagat mula rito at pag lumingon ka naman sa gilid ay halos makita mo na ang ibang lupain. Napapikit na lang ako sa at dinamdam ang hangin na tumatama sa mukha ko.

Sa aking pagpikit ay biglang may pumasok sa utak ko.
Isang batang babae at isang mukhang kasing edad ko lang na lalaki.
Malabo ang nakikita ko pero alam ko na dito rin ang lugar na yun.

Agad akong napamulat nang maramdaman ko na may isang kamay na inilagay ang ilang hibla ng buhok ko sa likod ng aking tenga.

Nang lingunin ko siya ay nakangiti itong nakatingin sa akin. Agad akong umiwas nang tingin. Ang hilig niyang tumitig ah!

"Gusto mo bang malaman ang kwento ng torre na ito?" biglang tanong niya sa akin. Tumango ako bilang sagot.

"May isang diyos at isang normal na babae ang nagkita sa dalampasigan." sadyang uso talaga siguro rito sa probinsiyang ito ang diyos-diyosan. Noong una,diyos ng tubig. Ano naman kaya ngayon?

"Umiiyak ang babae noong una nilang pagkikita dahil niloko daw siya ng kasintahan nito. Nilapitan ito ng diyos at simula noon naging magkaibigan ang dalawa. Hanggang sa nahulog na ang loob nila sa isa't-isa at sila'y naging magkasintahan. Alam ng lalaki na bawal umibig ang diyos sa isang tao pero pinaglaban niya parin ito bandang huli. Hindi niya inisip kung anong mangyayari sa mortal kapag ipinagpatuloy parin nila ang kanilang pagiibigan. Isang araw ay pumunta rito sa torreng ito ang babae dahil dito sila magkikita ng kasintahan niya. Nag-antay siya ng limang oras pero walang dumating. Nagsipatakan ang mga butil ng luha niya sa torreng ito at gayun na lang ang gulat niya nang makita ang kasintahan sa harap niya. Nakangiti ito pero ang hindi maintindihan nang babae ay parang naglalaho ang diyos sa paningin niya.
Agad niya itong niyakap kahit ramdam niya na parang hangin lang ang yakap niya. Parehas silang napaluhod sa torre na ito. Bago tuluyang naglaho ang diyos ay nangako ito sa babae na palaging nasa tabi niya ito at hindi niya ito iiwan at dahil dun, dahil sa pagmamahal ng babae sa diyos ay tumalon siya sa torreng ito at binigkas ang pangakong 'Tayo parin hanggang kamatayan,pangako'." napalunok ako sa kwento niya. What the? Seryoso? Tumalon yung babae simula rito hanggang baba? Hindi ko inaasahan na tragic pala ang kwentong iyon. Akala ko pa naman ay happy ending dahil sa pangalan ng torreng ito. Bilang isang bookworm ay hindi ko talaga tanggap na mamatay ang bida. Okay lang na hindi sila magkatuluyan pero ang mamatay ay hindi ko tanggap.

"Pero b-bakit ang dami parin dumadayo rito kahit ganun ang estorya ng lugar na ito? I mean,kahit kwentong bayan lang yun eh kasi ang tragic ng ending diba? Akalain mo yun,tumalon yung babae mula rito. Sinong tanga ang gagawa nun?" tinawanan niya ako sa sinabi ko.

"Nakakatuwang humahaba na ang iyong mga salita." natahimik ako sa sinabi niya. Oo nga 'no. Hindi ko napansin.

"Alam mo,hindi sa lahat ng happy ending na sinasabi niyo ay happy ending talaga. Kailan pa naging happy kung ito'y ending na? Mas mabuting nang masalimuot ang kanilang kwento bandang huli pero alam naman nating mahal nila ang isa't-isa hanggang dulo kaysa sa masaya nga sila pero wala namang kasiguraduhan."
natahimik ako sa sinabi niya. Unti-unting prinoproseso ang mga salitang binigkas niya.

"Bakit dumudugo ang ilong mo?" gulat akong napahawak sa ilong ko at totoo ngang may dugo. So maniniwala na ba talaga akong totoo ang nosebleed? Hindi lang pala sa pag-english gumagana iyon. Bakit ba kasi ang lalim niya magsalita? Ganito ba talaga ang mga taga probinsya?

Agad kong pinunasan iyon gamit ang panyo at itinahaya ang ulo ko.

"Epekto ba yan dahil sa takot mo sa mataas na lugar? Tara. Bumaba na tayo kung gayun." himig ko ang pagkataranta sa boses niya. Agad ko siyang pinigilan nang hihilahin na sana niya ako.

Inayos ko na ang ulo ko dahil hindi na mukhang dumudugo ang ilong ko.

"Hindi,ayos na ako." sabi ko.
Tumingin siya sa akin na nag-aalala. Mukhang hindi siya naniniwala sa akin.

"Wala nga ito. I promise." ngumiti ako sa kanya para makumbinsi ko siya.

"Sige. Basta sabihin mo sa akin kung bababa na tayo." tumango ako. Hinawakan niya ang kamay ko at iniligay iyon sa pisngi niya na agad kong ikinamula.
Ang kinis ng mukha niya at hindi pa ata siya natubuan ng pimples ni isa.

"Pinag-aalala mo ako." napalunok ako sa boses niya. Kung mabilis na ang pagtibok ng puso ko kanina,triple na ngayon.

Binaba niya ang kamay ko pero hindi niya parin pinapakawalan.

"Isulat natin ang pangako natin sa isa't-isa." may inilabas siyang isang sticky notes at ballpen. Pinauna niya akong magsulat at hindi ko alam kung anong isusulat ko.

"Para saan 'to?" takhang tanong ko.

"Kita mo yun?" itinuro niya yung pader na malapit lang sa amin na puno ng stick notes. May malaking kampana rin sa taas nun. "Diyan nila inilalagay ang mga pangako nila sa isa't-isa at marami nang nagsabi na hindi daw napapako ang mga pangakong ipinangako nila." okay? Di ko masiyado gets.
Pero susubukan ko na rin.

"H'wag kang titingin ah." sabi ko at tinakpan ng kamay ko ang sticky notes habang nagsusulat. Agad kong pinilas ang sticky note na pinagsulatan ko at
binigay sa kanya.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko para isulat ang 'Pangako na hinding-hindi kita kakalimutan'. Nababaliw na ata ako.

Natapos na siyang nagsulat at hinila na niya ako papalapit sa pader. Marami na ang nakadikit roon at yung iba ay natambunan na. Dinikit ko yung akin pero hindi sa unahan. Pinatungan ko ito ng ibang sticky notes. Hindi naman siguro masama ang gawin iyon?

Nang matapos kong idikit iyon ay pasimple kong sinilip yung sinulat ni Esclavo na agad naman akong natigilan.

Pakiramdam ko ay binuhusan ako ng malamig na tubig nang mabasa iyon at halos marinig ko na ang tibok ng puso ko.

"Ipinapangako ko na hindi ako magsasawang antayin ang babaeng nangangalang Summer Arsolla kahit hanggang kamatayan pa."

__

Yakanemori

It Was Summer When I Met You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon