I just wish my life is just a normal. I don't dream for a fairytale lovestory. I don't want to feel the trials on my life. But I think hindi na mangyayari yun. Lalo na nang mahulog na ako sa kanya.
"Just tell daddy na joke lang ang sinabi mo, Summer. Aalisin niya sa'yo yan." tinuro niya ang kamay ko na namamanhid na dahil sa hindi na ako makagalaw. Hindi na bracelet ang nakalagay sa aking kamay kundi ang isang bagay na malamig.
Posas.
"Just follow daddy. Sabihin mo lang na trip mo lang ang lahat--" hindi ko pinatapos si Winter na magsalita dahil tiningnan ko ito ng masama. Naniningkit na ang aking mata dahil sa pag-iyak. Bihis na bihis na ang dalawa samantalang ako ay kahapon parin ang suot. Hindi na ako nakaramdam ng gutom siguro dahil narin sa pagkakamanhid.
"Sig." hindi ako tumingin kay Winter na tinawag si Sig na kakapasok lang sa kwarto ko.
"Here."
"Summer, paano mo nalaman ang mansiyon namin?" napatingin ako kay Sig na hawak ang box. Agad na tumulo ang luha ko dahil sa naalala ko siya.
Damn! Ano na ang nangyari sa kanya?
"H-he's real...I'm not lying." sabay na napailing ang tatlo na halatang hindi naniniwala sa akin. Hindi ko nalang sila pinansin at nagtalukbong ng kumot. Magpapaiwan ako kay lola kahit anong mangyari. Ayoko nang bumalik ng manila.
I'll stay here no matter what happen.
Biglang bumukas ang pinto nang pagkalakas-lakas. Agad akong napabalikwas ng bangon dahil narin sa gulat.
"Dad, what are you doing?"
"Shut up Winter. This is for her own sake. Alam ko ang ugali ng kapatid mo. Hindi siya sasama sa'tin." nagpumiglas ako at pilit na lumalayo kay daddy. Wala na akong maatrasan. Rumagasa ang luha ko. I can't believe na kaya itong gawin ni dad.
"Sasama ka sa amin, Summer at hindi ko ito gagawin. Nahihirapan din ako makitang nasasaktan ka anak."
"Ayoko daddy. Ayokong sumama!" pagpupumilit ko.
"Summer, ano ba! Sumunod ka nalang kay daddy para hindi ka na masaktan pa!" rinig kong sigaw ni Autumn sa akin. Hindi ko ito pinakinggan. Todo iling lang ako kay daddy at nagmamakaawa na gusto kong magpaiwan rito.
"I guess I don't have a choice." hinigit ni daddy ang aking pulso na pilit kong binabawi. Pero hindi ko kaya. Masiyadong malakas at isa pa ay pagod na rin ako.
"'Dy, baka may iba pang paraan para hindi na natin gawin kay Summer." huli na ang suhestiyon ni Winter dahil naramdaman ko na ang pagtusok ng karayom sa aking pulso.
Noong una hindi ko naramadaman ang epekto nito pero habang tumatagal ay parang may humihila sa akin para matulog.
"I'm sorry child, I'm just doing this for you."
Yun ang huli kong narinig kay daddy bago lamunin ako ng dilim.
Nagising ako dahil sa liwanag na tumama sa mata ko. Dahan-dahan akong bumangon. I smell something familiar. The scent of a flower. Agd kong nilibot ang paningin ko at nagulat na lang nang makitang nasa flower plantation ako.
"H-how...?"
"Manong, para po sainyo." napatingin ako sa bata na may hawak na bulaklak. Iniaabot niya ito sa lalaking mukhang tagapamahala nitong flower plantation.
Nanlaki ang mata ko nang malaman ko kung sino ang batang ang may hawak na bulaklak. Nakikita ko ang batang ako. Pero bakit? Isa pa ay wala akong maalalang nangyari ito. Ngayong taon lang naman ako nakaabot ng flower plantation diba?
"Kayo po ba ang nagpatubo nitong mga bulaklak? Napaganda po. Gusto ko rin sanang magtanim pero hindi ako pinapayagan ng magulang ko." ani ng batang ako. Tiningnan ko ang kausap niya at gayun nalang ang gulat ko nang makita si Esclavo--hindi, si Dmitri iyon. Gulat ang reaksiyon niya na nakatingin sa baang ako. Hindi ko maintindihan. Paanong nakilala ko si Esclavo noong bata pa ako? Bakit wala akong maalala? why?
"Manong,kunin niyo na po ito." hindi ko maiwasang pagmasdan ang sarili ko. Nakita ko na ang pictures ko noong bata ako. Puti ang bestida na suot nung batang ako. Agad na humangin at nakita ko kung paano liparin ang suot ng bata na straw hat. Agad na umiyak ang batang ako. Nakita ko sa mata ni Dmitri ang pag-aalala.
"M-manong,magagalit sakin si mommy."
"Huwag ka nang umiyak. Kukunin ko iyon para sa'yo." tinuyo ni Dmitri ang pisngi ng batang ako. Wala sa sariling napahawak rina ko sa aking pisngi. Bata palang ako nung hinwakan niya ako.
Pinagmasdan ko ang dalawa na pumunta sa may puno. Umakyat roon si Dmitri para kunin ang straw hat na nakasabit sa puno. Hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari, nahulog si Dmitri sa puno nang makuha niya ang straw hat.
Tumakbo ako papalapit sa kanila. Nakayakap ang batang ako sa katawan ni Dmitri habang umiiyak. "UWAAHH! MANONG,'WAG KA PONG MAMATAY." hagulhol ng batang ako. Gumalaw ang kamay ni Dmitri at nilagay ang straw hat sa ulo ng batang ako.
"UWAAH! Akala ko po patay na kayo manong."
"H'wag mo akong tawaging manong. Hindi naman ako mukhang matanda eh." bigla nalang ako natawa sa sinabi ni Dmitri.
"O-okay po,kuya."
"A-anong pangalan mo?"
"A-anong pangalan mo?"
Sa tingin ko ito ang una naming pagkikita. Napapikit ako at dinamdam ang hangin na tumama sa aking katawan.
"Summer..."
"Summer..." dahan-dahan kong minulat ang aking mata at gayun nalang ang pagkabigla ko nang makita si Dmitri na nasa harap ko. Nakangiti ito sa akin. Hindi ko alam ang ir-react ko. Totot ba ito? Am I just dreaming? Kung panaginip man ito, ayoko nang magising."Dmitri..." tawag ko at dahang-dahan na lumapit sa kanya. Hinawakan ko siya sa pisngi pero dumeretso lang ang kamay. Ilang ulit ko siyang hinawakan pero hindi magawa. Tumulo ang luha sa aking mata.
"W-why?" tanong ko sa kanya pero sa iba siya nakatingin. Sinundan ko ang tingin niya at nakita ko ulit ang aking sarili. Mas malaki na ako rito, siguro mga labindalawa na ako dito. Hindi ko maintindihan ang nangyayari. Hindi ko na alam. Bakit wala akong maalalang nangyari ito?
"Naaalala mo pa ba ito, Summer?" tanong niya sa akin. Tiningnan niya ako na may ngiti sa labi. Dahan-dahan akong umiling na sanasabing 'hindi'.
"Summer, maari ka bang mangako ka sa akin?" mabilis akong tumango habang nakangiti.
"Ipangako mong hindi mo ako kakalimutan."
"Syempre hindi kita makakalimutan, ano ka ba. Ikaw ang unang lalaking nagpa-ibig sa akin. First love never dies nga diba?" sabi ko habang mahinang tumatawa. Tumawa na rin siya.
"Sana nga ganun kadali ang hindi pagkalimot."
"Anong bang pinagsasabi mo? Hindi kita makakalimutan kahit anong mangyari. Babalik ako. Babalik ako,pangako." ngumiti siya sa akin. Ang ngiting nagpahulog sa akin."Tumingin ka sa halaman, makikita mo ako.
Tumingin ka sa bulaklak, maaalala mo ako.
At pumikit ka, mararamdaman mo ako."
Yun ang bugtong na ibinigay niya sa akin na hindi ko alam kung anong ibig sabihin.
~~
A/N: Kung may nawawalang chapter po sa kwentong ito, siguro po nagloloko lang si wattpad. Hehehe. Refresh niyo nalang po or alisin niyo story ko sa library tas ibalik ulit.
Salamat <3
__
Yakanemori
BINABASA MO ANG
It Was Summer When I Met You (COMPLETED)
Fantasy(Forbidden Love Series #2) Every summer ay bumibisita siya sa akin. She was 6 years old when I first saw her. Gustong-gusto niya ako dahil napapalago ko ang mga bulaklak. Sa buong summer na palagi kaming magkasama ay nahulog na ang loob ko sa kanya...