Kabanata 27

2K 94 11
                                    

Tahimik akong nakatingin sa harap ng pinto ng bahay ng aking lola. I don't know if I should knock or not. Baka natutulog na siya dahil anong oras na rin kasi. Isa pa, natatakot ako na baka alam na ni lola na naglayas ako. Baka pilitin niya lang ako na umuwi sa amin. 

Nilisan ko ang lugar ng aking lola at naisipan ko na tumuloy sa maliit na motel sa bayan.  I was thankful na may bakante pang kwarto. Dito muna ako tutuloy sa loob ng dalawa o tatlong araw. 

Sa pagpasok ko sa kwarto ay hindi na ako nagulat sa aking nakita. I mean, I really don't expect na isang luxurious na motel ang makikita. Isang kama na kasya lamang ay isang tao, isang maliit na cabinet. Sa kabilang banda ay isang nakasiwang na pinto na sa tingin ko ay ang comfort room. Naupo ako sa gilid ng kama at naramdaman kong hindi ito gaanong kalambot. Well, I think I can bear it though. 

Dahil na rin sa malalim na pag-iisip ko ay nakatulog na ako.

Nagising ako bandang alas syete ng umaga. Nagpalit lang ako ng isang short at isang T-shirt. Kailangan ko nang malaman ang totoo. I'm not going to waste my time here. Nagsuot ako ng cap at aking tinali ang buhok ko sa pagkapony tail.

Naisip ko na kumain nalang sa isang karinderya malapit sa tinuluyan ko. After I ate. Naisip ko kung sa'n ako magsisimula sa pagtuklas sa katotohanan. What should I do or where do I go first? 

Naisipan kong maglakad-lakad muna. Hindi ako pamilyar sa probinsyang ito. Iyon ang pinagtataka ko. Ba't wala akong maalala sa lugar na ito? I know na every summer kami umuwi pero ni isa ay wala akong maalala rito. Maraming kinukwento sa akin si Autumn at minsan ay nababanggit niya ang isang pangyayari na hindi ko naman alam kung nangyari ba talaga.

Nakatingin lang ako sa mga tanim na palay. Maaga palang ay makikita mo na may mga magsasakang nagtatanim. Dahil sa nakatuon ang atensyon ko sa mga nagtatanim ay di ko sadyang may mabangga.

"Sorry." paumanhin ko at tiningnan ang lalaki. Nakasuot ito ng salamin, matangkad at isang bagay ang pumukaw sa atensyon ko sa kanya. Kulay berde ang mata niya.

"Summer?" kumunot ang aking noo sa pagtawag niya ng aking pangalan. Do I know him?

"Excuse me?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Nalimutan mo agad ako? Ako 'to, si Aurum?" he said while smilling. Kahit anong piga ko sa utak ko ay wala akong maalalang Aurum.

"I'm sorry. Hindi kita kilala." lalagpasan ko na sana ito nang may sinabi siyang nagpatigil sa akin.

"Tama nga ang sinabi ng kapatid mo sa akin. You're having temporary amnesia?" hinarap ko siya.

"You really know me?"

"Yes! Of course! You're my friend." kung kaibigan ko siya, posible kayang may alam siya.

"Kung may amnesia ka? Posibleng hindi mo maalala ang mga lugar dito. Samahan nalang kita?" hindi na ako tumanggi or tinarayan man lang siya. I need him. He's the way para malaman ko ang totoo.

"Saan ka ba pupunta?" tanong niya. Yun din ang tanong ko sa aking sarili. San nga ba ako pupunta? Eh hindi nga ako pamilyar sa lugar na ito.

"Hmm. Naglalakad lang ako."

"Oh. I forgot. May amnesia ka pala." mahina siyang tumawa.

"Will you stop saying that I'm having an amnesia because I don't even know if it's real." di ko na maiwasang tarayan ang lalaking ito. "Sorry." yun na lamang ang nasabi ko. I'm not in the mood, to be honest.

"Masungit ka nga talaga." aniya habang nakangiti. Magsasalita na sana ako pero nagsalita ulit siya. "Bakit hindi tayo pumunta sa flower plantation?" tumango nalang ako bilang tugon. Habang naglalakad kami ay hindi ko na mapigilan ang aking sarili na magtanong sa kanya.

"Aurum?" tawag ko sa kanya.

"Hmm?" 

"A-ano bang nangyare sa akin rito noong bakasyon?" tanong ko sa kanya. Hindi siya sumagot. "Aurum?" tawag ko sa atensyon niya.

"Oh, sorry. Ahm. Ano nga ulit tanong mo?" 

"Nothing." nagtaka ako sa sagot ko. Hindi naman dapat iyon ang sagot ko sa kanya pero yun ang kusang lumabas sa bibig ko. That's weird.

"Malapit na tayo." aniya at tinuro ang isang karatula na flower plantation. Pagkakita ko palang rito ay pakiramdam ko ay nakita ko na ito, pakiramdam ko ay nakapunta na ako rito. 

Napansin ko ang isang karatula bago ka makapasok sa loob. 

"Hindi daw pwedeng pumasok?" sabi ko sa kay Aurum pero dire-diretso lang siya at hindi pinansin ang nakalagay sa karatula na sarado ang flower plantation. Wala akong nagawa kundi sundan siya. Pagpasok ko ay naamoy ko kaagad ang mga bulaklak.  Pagtingin ko sa paligid ay nalalanta na yung ibang bulaklak. Walang tao rito maliban sa aming dalawa.

"Why are we here?" tanong ko sa kanya. Hindi siya humarap sa akin.

"Summer. Hindi mo ba talaga maalala?" tanong nito.

"Look, kaya ako umuwi para may maalala ako. I feel incompleted. Kailangan kong malaman ang totoo." sabi ko sa kanya. Sandali siyang natahimik.

"Tumingin ka sa halaman, makikita mo ako.

Tumingin ka sa bulaklak, maaalala mo ako.

At pumikit ka, mararamdaman mo ako."  nagsitayuan ang balahibo ko sa batok nang sabihin niya ang pamilyar na katagang yan.

"Do you remember that line, Summer?" 

"I-I don't know." hindi ko maalala. Pakiramdam ko alam ko ang katagang yan pero hindi ko maalala.

"I'm not here to here to help you. Hindi ako nandito para tulungan kang makaalala." sabi nito sa akin na nagpakunot ng aking noo.  Paanong nalaman niyang kailangan ko ng tulong niya?

"Kung maari kong ibalik ang nakaraan at baguhin ang lahat. Maaring hindi ito mangyayari." 

"Ano bang pinagsasabi mo?" di ko na maiwasang tanungin siya. Ang weird niya. I don't know if I should believe at him. 

"Babalik ka, at iiwan mo ulit siya. Babalik ka ulit na hindi mo siya kilala at muli kayong magkakilala at gagawa ulit ng isang magandang memories at muli mo na naman siyang iiwan. Babalik ka ulit na parang tinapon mo lahat ang magandang ala-ala na ginawa niyo." 

"Nag-aantay siya sa'yo ng pagkatagal-tagal at ngayon...mas pinili niya nang tapusin ang lahat bago pa may mangyari sa'yo."

"T-teka lang. I don't know kung anong pinagsasabi mo. Uuwi nalang ako." sabi ko at muli siyang tinalikuran. Mahina siyang tumawa.

"Don't you get it, Summer?" 

"It's over once you remember everything."


__

Yakanemori

It Was Summer When I Met You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon