"Summer..." napakunot ang noo ko sa pagtawag niya sa'kin. Kilala niya ako? Nagkakilala na ba kami noon? Ba't hindi ko maalala?"Excuse me? Did we met before?" mukhang nabalik naman siya sa wisyo at namula. What's wrong with this guy?
"H-hindi. A-ano...s-sabi ko a-ano...ang ganda mo." mas lalong kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Nasa earth ba itong lalaking ito? Isa pa,alam ko naman na maganda ako. Ayun palagi ang sinasabi ng mga classmates ko at teacher kaya pinambabato nila ako sa pageant but I always refuse. Sa aming magkakapatid ay ako ang nagmana ng kagandahan ng mata na nakuha ko pa sa hapones kong lolo.
"I know." mas lalo pa siyang namula. Parang gusto kong lunukin ko yung sinabi ko kay Autumn kanina na maiitim ang mga taga probinsya. Hindi ko alam kung taga rito ba itong lalaking ito. Maputi siya at madaling makikita kung namumula siya. Matangkad rin siya at hanggang balikat niya lang ako. Hindi siya mukhang mahirap kung titingnan ang physical appearance niya.
Yung problema lang is yung damit niya. Yung suot ng mga magsasaka tapos may suot pa siyang straw hat pero mukhang luma na. Kagaya rin ito nang suot ko pero mas mukhang mamahalin yung akin at maganda."Hindi,ang sabi ko ang ganda ng s-summer." pagbawi niya sa pagpuri sa'kin. Napairap nalang ako.
"Wala akong pake kung maganda ang summer, ako lang ang summer na kilala kong maganda. Ang sabi ko nagkakilala na ba tayo noon? Hindi kita maalala." may ibinulong ito pero di ko narinig.
Ang weird naman nito. Gwapo nga pero mukhang baliw."H-hindi pa tayo nagkakakilala." aniya at pinampaypay ang salakot niya sa sarili niya.
"Ba't mo ako kilala?" mas lalo lang siyang naalarma sa tanong ko. May pumasok tuloy sa isip ko na baka stalker ko itong lalaking ito.
"H-hindi kita kilala. Tinutukoy ko yung season,hindi yung pangalan mo." nakisakay na lang ako sa pagsisinungaling niya. Alas tres na ng hapon at malamang hinahanap na nila ako. Kailangan kong makauwi at siya lang ang pwede kong tanungan.
"Okay," mukhang nakahinga na siya nang maayos at bumalik na sa dati ang kulay niya. "Pwede mo bang ituro sa'kin kung saan ang daanan papuntang Agua at ano ang lugar na 'to? Naliligaw ako." diretsang sabi ko sa kanya. Tumawa siya nang mahina. Nahiya tuloy ako. Sino ba naman kasing 16 years old ang maliligaw pa?
"Nasa lupain ka ng Tierra,"ang weird naman ng mga street ng probinsyang ito. Los Mabalos ang pangalan ng probinsya at nasa Lupain ng Agua ang bahay ni lola. Ang O.A pa nung word na lupain. Pwede naman na Agua Street ay Tierra Street. As far as I know,agua means water and tierra means earth. Baka naman merong street dito na Aire at Fuego? My god! Ginawa nilang 4 elements ang lugar na 'to. "S-samahan nalang kita papuntang agua." di na ako tumanggi at tumango nalang.
___
Malayo ang distansya namin at wala kaming imikan habang naglalakad. Nahuhuli ko siyang napapatingin sa'kin sabay n'on ay ang pag-iwas niya nang tingin pag nahuhuli ko siya.
"Ikaw ba ang may ari ng flower plantation na yun?" pagbasag ko sa katahimikan. Mapapanis ang laway ko ag hindi ako nagsalita dahil walang balak makipag-usap ang lalaking ito.
"Hindi. Sa amo ko iyon." aniya na hindi man lang ako tiningnan.
"Okay. Ikaw ba ang nagpapatubo ng mga halaman na yun or yung boss mo pa rin?"
"Ako." tipid na sagot nito. Wala na tuloy akong matanong kaya nanatili akong tahimik.
Hindi rin nagtagal ay nakita ko na ang bahay ni lola. Mukhang hinahanap nga nila ako. Nasa labas sila mommy na bitbit si Spring at si daddy na kinakausap si lola. Nandun rin ang kambal ko at si Winter maging ang mga pinsan ko. Bakas sa mukha nila ang pag-aalala. Hindi parin nila kami nakikita.Humarap ulit ako sa lalaki. Nalimutan kong itanong ang pangalan niya. Nakatingin ito sa pamilya ko at nakita ko na may lungkot sa mga mata abo niyang mata. May pamilya ba ang lalaking ito?
"S-salamat pala. G-gusto mo bang pumasok para makapagkape man lang?" pag-aya ko sa kanya. Hindi ako sa mabait,ayoko lang ng may pinagkakautangan ako.
"H-hindi na." pagtanggi nito. Hindi ko na siya pinilit at tumalikod na. Ilang hakbang palang ang nagagawa ko ay lumingon ulit ako dahil nakalimutan kong itanong ang pangalan niya.
Ngumiti ito sa'kin at kumaway-kaway pa.
"Ano nga palang pangalan mo?" tanong ko sa kanya. Matagal siyang di nakasagot.
"Escla--" hindi niya natapos ang sasabihin niya nang may tumawag sa'kin. Boses palang ay kilalang-kilala ko na. Si Autumn iyon na papalapit sa'kin.
Nawala ang atensyon ko sa lalaki at hinarap si Autumn.
"Sa'n ka ba nagsusuot ha? Nag-aalala kami dito kakahanap sa'yo?" sabi nito at halata sa mukha niya na tumakbo ito.
"N-naligaw lang ako saka..." lumingon ulit ako kung saang direksiyon nakatayo yung lalaki kanina pero wala na siya. Nilibot ko ang paningin ko pero wala na talaga. Ang bilis naman niyang mawala.
"Summer!" nabalik ang atensyon ko kay Autumn nang sigawan ako nito. Umirap nalang ako sa kanya at nilagpasan siya. Hindi ko man lang nalaman ang pangalan ng lalaking iyon.
Sinalubong ako nang yakap ni mommy at halos mangiyak-ngiyak na ito.
"Sa'n ka ba galing anak?" tanong nito.
"N-naligaw lang ako 'my." pag-amin ko. Hindi na nila ako ginisa sa pagtanong at pumasok na kami sa bahay.
Sinabi sa'kin ni Winter na muntik nang atakehin si lola sa puso dahil sa pagkawala ko.
Kaya kinausap ko si lola habang nasa sala at humingi ng tawad."Okay lang ako apo. Nag-alala lang talaga kami sa'yo. Hindi namin alam kung saan ka nagpunta. Hindi mo pa sinasagot ang telepono mo." napayuko nalang ako. Pa'no nila ako matatawagan kung wala namang signal kanina?
"Sa Lupain ng Tierra po ako napadpad 'la." lalim ng tagalog ko dun ah.
"Sa lupain ng Tierra? Aba't delikado do'n ah." ngumiti lang ako para di na mag-alala si lola.
"Hindi po lola. Ang ganda nga po lalo na yung flower plantation don." nakangiti kong sabi. Hindi ko binabanggit na may tumulong sa'kin na lalaki dahil alam kong gigisahin lang nila ako nang tanong.
"H'wag ka na munang babalik do'n apo." nagtaka naman ako sa sinabi ni lola.
"Bakit naman po 'la?"
"Dahil may mangyayari na masama sa'yo pag pumunta ka do'n ng hindi pa ikalawang linggo ng mayo." kinalibutan ako sa sinabi ni lola. Marami na namang pumasok sa isip ko kagaya nalang kung hahabulin ako ng mga multo o kung ano-ano pa.
Natigil ako sa pag-iisip nang tumawa si lola na parang nant-trip lang."Syempre joke lang apo." napanguso na lang ako kay lola. Kung kaedaran ko siguro itong si lola ay nasapak ko na siguro. May galang ako sa mga nakakatanda sa'kin.
"H'wag mong seryosohin apo dahil kuwentong bayan lang yun dito." nakahinga na ako nang maayos dahil kwentong bayan lang pala. "Narinig ko lang iyon noong kadalagahan ko pa at mukhang patay na ang kwentong bayan na yun dito." dahil nacurious ako sa sinasabi ni lola ay pinakwento ko sa kanya yung kwentong bayan na tinutukoy niya.
"Nalimutan ko na apo eh." napasimangot nalang ako. Kahit siguro ako ay makakalimutan ko ang kwento na nababasa ko sa libro kung tumanda na ako.
"Ay!" halos mapatalon ako sa pagsigaw ni lola. Mukha itong nag-iisip. "Naalala ko na." napangiti ako at excited na malaman ang kwento.
"Tungkol iyon sa isang babaeng namatay matapos makipagkaibigan sa lalaking diyos ng katubigan."
__
Yakanemori
BINABASA MO ANG
It Was Summer When I Met You (COMPLETED)
Fantasy(Forbidden Love Series #2) Every summer ay bumibisita siya sa akin. She was 6 years old when I first saw her. Gustong-gusto niya ako dahil napapalago ko ang mga bulaklak. Sa buong summer na palagi kaming magkasama ay nahulog na ang loob ko sa kanya...