Kabanata 30

2.1K 82 14
                                    


Patuloy ang pagpatak ng luha ko na tumutulo sa painting na ginawa ko. This is my mastepiece. Alam kong siya ito. Ako ang gumawa nito noong kami ay nasa flower plantation.  Ngayong naalala ko na ang lahat. Hindi ko alam ang gagawin ko. I thought na pag nalaman ko na ang totoo ay lalakas ang loob ko pero nagkamali ako. Natatakot ako na makita siya. Pano na lamang kung galit siya sa akin? I promised to him. Not only once. Ilang beses akong nangako sa kanya na hindi ko siya kakalimutan pero kinalimutan ko parin siya ng paulit-ulit.

Pinunasan ko ang pisngi ko at nilagay ang painting sa pinagkalalagyan nito kanina. Ramdam ko na ang lamig ko rito sa labas dahil gabi na rin. Ang bilis ng oras sa lugar na ito.  

Hindi ko parin alam kung ano ang gagawin ko. Gusto ko siyang puntahan. Alam kong nandon siya sa lugar na yun. Ngunit nagdadalawang-isip ako.

"You're hesitating?" halos mapatalon ako nang marinig ang boses na iyon. Kahit isang beses palang kaming nagkita ay nakabisado ko na ang kanyang boses.

"Aurum." pagbanggit ko sa pangalan niya. A wide grin flashed into his lips. Inayos niya ang kanyang salamin sa mata.

"Hi, Summer." aniya at may pakaway pa ito.

"You lied. You're not my friend."  naalala ko na lahat kaya alam ko rin na hindi ko kilala ang lalaking ito sa buhay ko. Hindi ko alam kung anong kailangan niya at kung bakit siya nagsinungaling sa akin. Alam kong hindi lang siya basta-bastang ordinaryong tao. 

"You hurt my feelings Summer." aniya na kunwari ay nasasaktan.

"Who are you---no, What are you?" nagbago ang expression ng kanyang mukha. 

"You don't have to know who I am." aniya at tumingin sa kanyang wristwatch. "The clock is ticking, Summer. Find and see what will happen next." nagulat ako sa sumunod na pangyayari. Akala ko sa libro at movies ko lang nakikita ang mga iyon pero hindi. Nakita ng dalawa kong mata ang nangyari. Bigla siyang naglaho mismo sa harap ko. May ilang petals ng bulaklak ang nahulog sa kinatatayuan ni Aurum kanina. Natulala ako at hindi makagalaw sa loob ng ilang minuto.

"The clock is ticking, Summer. Find and see what will happen next." nang maalala ko ang sinabi niya ay naramdaman ko ang pag-angat ng aking kalamnan. Naramdaman ko nalang ang sarili ko na tumatakbo. Pumara ako ng tricycle. Wala akong dalang pera o kaya cellphone kaya hindi ko alam kung anong ibabayad ko. Nangyari narin ito sa akin nong gusto ko siyang makita. Binayad ko ang kwintas na regalo sa akin ni Winter. Ngayon ay hindi ko alam kung pares ba ng hikaw na suot ko ngayon ang ipangbabayad ko. 

Nagulat nalang ako nang hindi ako pagbayadin ng driver. Napagtanto ko na siya rin yung sinakyan ko noon. Marahil ay nakita niya rin siguro ang namumugto kong mata. Nang makababa ako ay agad akong napatingin sa paligid. Wala nang tao ni isa at tanging kuliglig lang ang maririnig. Sobrang lamig din kaya hindi ko maiwasang yakapin ang aking sarili. Tanging nag-iisang poste ang nagpapailaw sa lugar na ito.

Sa unang tingin ay magdadalawang-isip ka kung papasukin dahil wala kang makikita sa loob dahil sa sobrang dilim. Pero pumasok parin ako. Pasalamat nalang at full moon ngayon na nagbibigay ng konting liwanag sa dadaanan ko.

Malalim ang aking paghinga nang pumasok ako sa loob. Hindi ko maiwasang maalala ang lahat ng pangyayari na nangyari sa akin dito. Simula nong six years old ako. Hindi ko gaanong matandaan ang buong detalye pero alam kong yun ang aming unang pagkikita.

Saglit akong napatigil nang makita ko ang puno na iyon. Kumikintab ito dahil sinag na nanggagaling sa buwan.

Tiningnan ko kung may makikita akong pigura niya pero wala. Hindi ako pinanghinaan ng loob at patuloy lang akong lumapit. Alam kong hinihintay niya ako. Hindi man summer ngayon, umaasa parin akong andyan siya at hinihintay ako.

It Was Summer When I Met You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon