Pagkatunog ng bell hudyat ng uwian ay agad na nagsitayuan ang mga estudyante. Nagpapaunahan pa sila kung sino ang unang makalabas ng room.
Nag-aayos pa ako ng gamit when Sam approach me.
"Hey. Done?" bago ko siya sinagot ay sinarado ko ang zipper ng aking bag.
"Yeah. Let's go." sabay kaming lumabas ng room.Daldal lang siya ng daldal pero di naman ako interesado. Her topic is so boring. Puro mga boys sa campus. Kesyo ang gagwapo nila at ang gagaling sa basketball. Actually di na yun bago sa akin. Maraming ganyan dito sa school and the problem is their attitude. Ang yayabang nila to be honest. They're act na parang lahat ng babae dito sa school ay mapapasakanila.
"Okay, bye na. Andyan na mga kapatid mo." umalis na siya nang makalapit ako sa dalawa. Seryoso silang nakatingin sa akin. Papasok na sana ako sa loob ng van nang magsalita si Autumn.
"Wait, may inaantay pa tayo." kunot noo ko silang tiningnan.
"Who?"
"Sig,the one you forgotten." may bahid sa tono ni Winter ang pagiging sarkastiko. Sig? siya ba yung kaninang nagbigay ng lunch box sa akin?
"Yeah. It's your friend, right?" sabi ko at pumasok sa loob ng van. Isinalpak ko ang ear phone sa aking tenga. Bahala na sila diyan na antayin yung kaibigan nila. Hindi ko naman talaga kilala yun pero kung kumilos sila ay parang kilala ko ito.
Ilang minuto ay bumukas ang van. Buong akala ko ay sila lang dalawa ang sasakay pero mukhang isasama pa nila ang kaibigan nila.
"Hi." masayang bati niya sa akin na parang walang nangyari kanina. Hindi ko siya pinansin at tinodo ang volume ng kanta. Tumabi ito kay Winter sa likod samantalang sa tabi ko naman si Autumn.
Nakikita ko sa rear mirror na patingin-tingin sa akin si Sig dahilan para mainis ako. Ayoko pa naman sa lahat ay kung tingnan nila ako ay parang may mali sa akin.
Padabog kong inalis ang aking earphone sa aking tenga at inis na nilingon ang dalawa. Natahimik si Winter sa paagtawamnang mapansin niyang nakakunot ang noo ko sa kanila.
"What's your problem?" inis na tanong kay Sig. "Kanina mo pa ako tinitingnan. Will you stop it?" sabi ko at umayos na ulit ng upo. Isasalpak ko na sana yung headset ng bigla itong hilahin ni Autumn.
"What's your problem, Summer?"
"Ask your friend. Naiirita ako sa kanya dahil tingin siya nang tingin kanina pa." sagot ko dito.
"And what's the problem with that."
"Alam mong ayoko nang ganun lalo na't hindi ko naman siya kilala."
"You know him Summer! Stop lying." mas lalong nag-init ang ulo ko nang palabasin niyang nagsisinungaling ako.
"Are you telling me Autumn that I am lying? Atsaka anong dahilan ko para magsinungaling?"
"Because he confess and that's why you're acting like you forgot everything about him!"
"Autumn!" sabay na sigaw ng dalawa sa likod.
"Oh my god Autumn! Wala akong matandaan na nagconfess yan sa akin." I pointed my index finger on him. "I'm not lying!" alam kong namumula na ako sa galit.
"What about Dmitri. Don't tell me you forget him too?" biglang bumilis ang tibok ng aking puso sa di ko alam na dahilan.
Dmitri? Sino ka? Sino ang lalaking yun?
"D-dmitri?"
Sa pag-iisip ko ay biglang kumirot ang aking ulo. Feeling ko ay binibiyak ito dahilan para masabunutan ko ang aking buhok. Nanunuyo ang aking lalamunan at nanlalabo ang aking mata.
I heard them calling my name pero di iyon ang pinansin ko.
Hindi ko alam kung dahil lang ba ito sa sakit ng ulo dahil may nakikita akong imahe. May nakikita akong lalaking nakatayo sa isang sunflower field. Nakatalikod ito sa akin kaya hindi ko makita ang kaniyang mukha.
"Summer, recuérdame."
___
Nagising ako sa hospital. Nasa tabi ko si mommy at bahagya itong nagulat nang makitang kakagising ko lang.
"Oh my." she even hug me tight. Sumunod naman ay si daddy na kakapasok lang.
"I'm sorry nak, it's my fault. I'm so sorry." naguguluhan ako sa nangyayari ngayon.
"D-dy? It's not your fault?" sabi ko nang kumalas na ito sa yakap.
"If I just..." hindi na ito tinuloy ni dad dahil hinawakan siya ni mommy sa balikat at umiling ito.
"Wait. A-anong nangyari?" nagtatakang tanong ko sa kanila. Nagkatinginan muna sila sa isa't-isa bago ako sagutin.
That's so weird.
"Nothing honey. Sobrang napagod ka lang daw sabi ng doctor." sabi ni mommy at hinaplos ang aking buhok.
"Summer!" nagulat kami sa pagbukas ng pinto at iniluwa nito si Autumn at Winter.
Then I remember yung nangyari kanina sa van. Nagtalo kami kanina.Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari. Naramdaman ko nalang ang yakap sa akin ni Autumn habang umiiyak ito.
"I'm sorry. I'm so sorry kung di kita pinaniwalaan. I'm sorry kung inakala ko na nagsi-sinungaling ka." kumalas ito sa pagkakayakap sa akin. Gulong-gulo na ako at bakit parang ang big deal ang nangyari ngayon.
I'm just tired kaya nawalan ako nang malay kanina."Ilang oras ba akong tulog?" tanong ko sa kanila.
"Almost 5 hours." sagot ni Winter. Tiningnan ko ang labas ng bintana at nakita kong gabi na.
"I wanna go home." sabi ko sa kanila. Nagkatinginan silang apat na animo'y parang nag-uusap sila gamit ang kanilang mga mata lamang.
"Sige."
Pagkarating ko sa bahay ay agad kwarto ang aking tinungo. Gusto kong kumain ngunit wala akong gana. Mas minabuti ko na lamang na kunin ang aking sketch pad at isang lapis sa aking cabinet.
"Summer, recuérdame." hindi ko alam pero biglang pumasok ang di pamilyar na boses sa aking tenga. Bago ako himatayin kanina ay narinig ko ang boses na yon kasabay nang may nakita akong isang pigura ng isang lalaki. Hindi ko alam kung sino ang dapat kong alalahanin? Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay kilala ko ito. Hindi ko alam...naguguluhan ako.
Natigil ako sa pagd-drawing nang mapansin ko na kusang gumagalaw ang kamay ko. Pagtingin ko kung anong drinawing ko ay isang lalaki. Nakatalikod ito at may suot itong straw hat sa ulo. Hindi ko alam kung ba't ko nadrawing ito.
Pero mas naguluhan ako nang may naramdaman akong basa sa aking pisngi. Wala sa sariling hinawakan ko ito at napatingin sa repleksiyon ko sa salamin na nasa harap ko lang.
"Why am I crying?"
__
Yakanemori
BINABASA MO ANG
It Was Summer When I Met You (COMPLETED)
Fantasy(Forbidden Love Series #2) Every summer ay bumibisita siya sa akin. She was 6 years old when I first saw her. Gustong-gusto niya ako dahil napapalago ko ang mga bulaklak. Sa buong summer na palagi kaming magkasama ay nahulog na ang loob ko sa kanya...