"Sigurado ka bang papasok tayo? Hindi ka ba natatakot?" nag-aalalang tanong sa akin ni Esclavo. Umiling ako. Ang totoo naman talaga ay natatakot ako. Ganitong-ganito ang mga napapanood ko sa horror movies. Pero isiniwalang bahala ko na muna ito dahil nangako ako sa kanya na ibabalik ko ang ala-ala niya.
Mabuti nalang at medyo tago ang bahay na ito at halos walang tao na makikita.
"Hindi naman siguro tayo makakasuhan ng trespassing dahil bahay mo ito ano?" sabi ko at hinawakan ang doorknob na puro alikabok. Agad ko itong binitawan at pinunasan ang aking kamay ng panyo.
"Naka-sarado." dismayado niyang sabi. Hindi ko alam kung paano kami makakapasok hanggang sa may maalala akong technique sa pagl-lock picking na tinuro sa akin ng tito ko noon. Kinuha ko ang dalawang hairpin na nasa buhok ko.
"Anong ginagawa mo?" he asked. Hindi ko muna siya sinagot dahil busy ako sa pagbu-bukas nito. Tagatak ang pawis ko hanggang sa...
Click!
Napangiti ako nang malapad nang marinig ko na hudyat na ako'y nagtagumpay. Binuksan ko ang doorknob at hindi na ito sarado.
"See?" pagmamayabang ko sa kanya. Muli niyang ginulo ang aking buhok at ngumiti.
"May nalaman na naman ulit ako sa'yo. Ang galing talaga ng prinsesa ko." kumabog na naman ang dibdib ko at saglit na natulala. Why do I feel like this? Kailangan ko pa bang malaman o natatakot lang akong harapin kung ano talaga itong nararamdaman ko?
"Ayos ka lang?" nabalik ako sa realidad nang tanungin niya ako. Agad akong umiwas nang tingin.
"I-I'm okay. L-let's go." nauutal na sabi ko at unang pumasok sa bahay. Binalewala ko na lang ang nararamdaman ko sa kanya.
Napatakip ako ng ilong nang makapasok ako dahil sa alikabok. Nakapagtataka naman na walang naglilinis sa magandang bahay na ito.
Madilim ang loob dahil wala ni isang bintana ang nakabukas.
Hinanap ko yung switch ng ilaw at mabuti nalang ay nakita ko ito. Patay-sindi ito nung una pero umayos na rin ito ngayon. Siguro ay nilagyan ito ng ilaw noong nakatira rito noon or mga kamag-anak ni Esclavo.Nilibot ko ang paningin ko. Karamihan sa gamit ay nakatakip ng kulay puting tela. Yung ibang kagamitan ay halatang luma na at parang panahon pa ng espanyol. Lalo na yung malaking orasan na malapit sa hagdan.
Lumapit ako sa mga picture frames. Yung iba ay paintings lang. Naramdaman ko ang pagsunod sa akin ni Esclavo.
Una kong napansin ay ang painting ng isang babae na nakasuot ng magarbong damit. Mukhang nasa middle age na ito. May hawak itong pamaypay. Sumunod naman ay isang lalaki na kasing edaran din siguro nung babae. Halata rin na galing ito sa mayamang pamilya at mukhang asawa niya ang babaeng nasa painting. Pangatlo naman ay ang tatlong babae na mukhang sixteen years old pa lang. Hindi ito painting kundi kuha na ito sa makalumang camera. Black and white pa. Maganda ang mga babae at kamukha nito ang babaeng nasa painting. Marahil ay anak niya ito.
Nadako ang paningin ko sa huling larawan. Nanlaki ang mata ko at natuptop ko ang bibig ko.
"It's you." wala sa sariling sambit ko. Ang mga matang iyon na hindi ako sigurado kung green rin ito dahil black and white nga, ang ngiti, ang ilong, ang labi at ang shape ng mukha niya. Kamukhang-kamukha niya talaga si Esclavo.
Agad akong napailing sa naisip ko. Imposible ang mga pinagsasabi ko. Paano mangyayari iyon?"No. It's impossible." I laughed. Napansin ko na may date doon. "Look, 1889 pa ito oh. Baka ninuno mo lang siya." tiningnan ko si Esclavo pabalik ulit sa larawan. Hindi ko makakailang kamukha niya talaga ito. Tahimik lang siya at nakatingin sa larawan na kamukha niya.
"May na-aalala ka ba?" tanong ko. Umiling siya at umiwas nang tingin. Tiningnan ko ulit ang litrato at sa ibaba ng date ay may maliit na pangalan doon. Lumapit ako para mas lalo ko itong makita.
"Dmitri? V-Valerio? Fernandez?" nahihirapan akong basahin ito dahil may mga alikabok.pinunasan ko ito gamit ang panyo.
"Dmitri Valerio Fernandez?" pag-ulit ko.
"Argh!" agad akong napatingin sa nahihirapang boses ni Esclavo. Nakahawak siya sa ulo niya at nakapikit.
"A-ayos ka lang?" I asked.
Agad siyang tumango at umayos nang tayo. Tumingin siya sa akin na may ngiti sa labi ngunit hindi umabot sa kanyang mata."Tumingin na lang tayo sa iba." tumango ako at umalis. Tumingin ako sa huling pagkakataon sa litarto. It's weird.
Inilibot ko muli ang paningin ko sa mansiyon.
Napukaw ang atensiyon ko sa isang pintuan sa taas. Maraming pintuan pa ang nasa taas pero nandoon sa isang pintuan natuon ang atensiyon ko. Hindi ko alam kung aakyat ba ako o hindi.But my mind keep telling me na parang may something sa taas. Tiningnan ko muna si Esclavo na inililibot rin ang kanyang paningin.
Hindi na ako nagpaalam sa kanya at umakyat ako sa taas. Kahoy ang pinto ngunit mahahalata na talaga ang pagkaluma nito.
Pinihit ko ang doorknob at hindi ito naka-lock na ipinagtaka ko. Dahang-dahan akong pumasok at agad na napatakip ng ilong ko dahil sa alikabok. Pagkapa ko sa switch ay mabuti na lang ay may ilaw.
Malaki ang kwarto. May kama na gawa sa kahoy at puro paintings ulit ang nandun hanggang sa mapagtanto ko na ang kwartong pinasukan ko ay kay Dmitri, ang lalaking kamukha ni Esclavo na nasa litrato sa baba. May painting rin ng mukha niya rito. Nakangiti siya pero alam kong hindi siya masaya sa painting na iyan.
Hindi ko naiwasang hawakan ang painting. Tumaas agad ang aking balahibo sa hindi ko alam na dahilan. May date sa baba nito at 1888 naman ito.
Iniwas ko agad ang tingin ko sa painting at tumingin sa iba pang bagay na nasa loob ng kwarto. Napukaw ang atensiyon ko sa isang box na kahoy na kasing size lang ng pocket book. Nakapatong ito sa table na katabi ng kama.
Nilapitan ko ito at dahang-dahan hinawakan. Nadismaya ako nang makitang may maliit na lock ito.
Ibinalik ko ito sa table ngunit may tumutulak na naman sa isip ko na kunin ko ito. Napailing ako. Hindi pwede! Hindi ko pagm-may-ari ang gamit na yan.
Hindi sumunod ang katawan ko at nakita ko na lang na nasa loob na ito ng shoulder bag ko.
Ibabalik ko nalang siguro ito matapos kong malaman kung anong nasa loob nito.
Natigil ako sa pag-iisip nang marinig ko ang tugtog na iyon. Galing iyon sa baba.
Para akong hinihipnotismo kada naririnig ko ang pagtugtog nito.
Nakababa ako at ngayon ay nakita ko kung sino ang tumutugtog. It was Esclavo playing a piano.
Again, my heart beat fast. Nakapikit pa siya habang itinutugtog ang Nocturne OP.9 no. 2 na madalas rin patugtugin ni Autumn sa violin niya.
Bawat pagpindot niya sa key note ay dinaramdam niya talaga.
Hindi ako makahinga sa nararamdaman ko.
Dahang-dahan niyang iminulat ang mata niyang nakapikit at tumingin sa mga mata ko na parang alam niyang narito ako at nanunuod sa kanya kanina pa.
He smiled at me again. Napasalampak ako sa sahig habang hawak ang puso ko. Nalilito ako sa nararamdaman ko? Hindi ko alam kung ano ba talaga ba ito?
Is this what they say "Love"?
Posible bang mahal ko na siya?
__Yakanemori
BINABASA MO ANG
It Was Summer When I Met You (COMPLETED)
Fantasy(Forbidden Love Series #2) Every summer ay bumibisita siya sa akin. She was 6 years old when I first saw her. Gustong-gusto niya ako dahil napapalago ko ang mga bulaklak. Sa buong summer na palagi kaming magkasama ay nahulog na ang loob ko sa kanya...