Kabanata 11

2.1K 103 1
                                    

"Ipinapangako ko na hindi ako magsasawang antayin ang babaeng nangangalang Summer Arsolla kahit hanggang kamatayan pa."  hindi ko inaasahan na sasabihin niya sa akin iyon nang harapan. I mean,hindi ba dapat maiilang siya dahil nabasa ko iyon?

"A-a-ah..." nauutal na sabi ko. Hindi ko alam kung anong masasagot ko sa sinabi niya.

"Tara na. Bumaba na tayo." aya niya at hinila na ako paalis. Hindi ako nakaimik. Napansin ko lang na nagiging tahimim na ako pagdating sa kanya. Konting cheesy words lang na sinasabi niya ay hindi ako makasagot.

Dahil sa lutang ang isip ko ay hindi ko napansin na nakababa na kaming dalawa. Inayos ko ang straw hat ko sa ulo at ang dress ko. Mag-aalas sais na at papalubog na ang araw. Maraming nakatambay sa sea side habang pinapanood ang sunset.

Hindi ko napansin na hinila na rin niya ako papunta sea side. Naamoy ko ang amoy ng dagat.
I really love the smell of the sea.
Umupo kami sa may dike habang pinapanood ang paglubog ng araw.

"Sa tingin mo ba...kailan titigil ang pag-ikot ng mundo?" napatingin ako sa tanong ni Esclavo. Hindi siya nakatingin sa akin.

"B-bakit naman titigil ang pag-ikot ng mundo?"

"Palagi nilang sinasabi na pagkatapos ng dilim ay may liwanag na darating kinabukasan. Paikot-ikot na lang palagi. Paano kung tumigil ang pag-ikot nito? Paano yung mga taong nasa dilim at umaasang may darating pa bang liwanag para sa kanila? Paano kung kinabukasan? Magsawa na rin ang pag-ikot ng mundo?" hinawakan ko ang kamay ni Esclavo na nakapatong sa kanyang tuhod. Hindi ko alam kung bakit ko ito ginawa pero kitang-kita ko ang lungkot sa mga mata niya.

"Paano kung isang araw ay hindi ka na bumalik at tuluyan mo na akong iwan?" natahimik ako. Paano nga ba kung hindi na ako bumalik? Paano kung sa susunod na taon ay ayaw ko nang umuwi dito sa probinsya at hindi ko na siya makikita.

"Pinangako mo kanina...na kaya mo akong antayin? Totoo ba yun?" hinaplos niya ang pisngi ko.

"Oo. Kahit ilang siglo pa man ang dumaan."

"Pero bakit ganyan ka magsalita? Bakit parang tinatakot mo ako? Bakit parang sumusuko ka na? You're just lying to me. You're just playing with me." inalis ko ang kamay niya sa pisngi ko at umiwas ng tingin. Saan ko ba nakuha ang mga salitang kumawala sa aking bibig? Bakit ang lakas ng kabog ng dibdib ko?

Nanlaki ang mata ko ng maramdaman ko na isinandal niya ang kanyang ulo sa aking balikat. Na-aamoy ko na naman ang pabango niyang bulaklak.

"Hindi kita pinaglalaruan." yun ang huli niyang sinabi hanggang sa tuluyang lumubog ang araw.

Mas pinili kong maglakad kasama siya kahit medyo madilim na. Gusto ko siyang makasama nang matagal.

"Maari mo bang ikwento yung nangyari sa'yo ngayong taon?" tanong niya sa akin. Magkahawak ang kamay at habang tumatagal ay nasasanay na rin ako.

"Hmm? Bakit gusto mong malaman?"

"Dahil importante ka sa akin." namula ako sa sinabi niya.

"O-okay." tumikhim muna ako  bago ko sinimulang magkwento.

"Noong first day of school nung grade 10 ako ay medyo minamalas talaga ako. Nadapa kasi ako nun sa loob ng room. Inasar nila akong lampa. Syempre dahil hindi naman ako iyakin,tinaasan ko sila ng kilay ko at buong year ko silang hindi pinansin."

"First time kong mapunta sa guidance dahil sa lalaki. Natadyakan ko kasi siya sa ano niya." mahinang natawa si Esclavo sa pagkwento ko. Sinimangutan ko na lang siya.

"Bakit mo naman natadyakan?"

"Ang kulit niya kasi. Pinagpipilitan niyang girlfriend niya ako sa buong school. So ayun,napahiya tuloy siya." napansin kong humigpit ang hawak niya sa kamay ko.

"Nakatikim rin tuloy siya ng sapak ni Winter." natawa ako sa pagkaka-alala ko noong sinapak niya yung lalaking iyon. Pilit ko silang inaawat tapos si Autumn ay tuwang-tuwa habang chini-cheer niya si Winter. Ni-video-han niya pa at pinakita sa kay daddy at mommy na natuwa pa.

"Mabuti na lang may mga kapatid kang po-protekhan ka pag wala ako." aniya. I admit na swerte ako sa mga kapatid kahit mapang-asar sila.

"Hmm. Yun lang nangyari sa akin ngayong year eh. Ikaw? Magkwento ka naman ng tungkol sa'yo?" sabi ko. Ang alam ko lang sa kanya ay ang pangalan niya at edad niya. Hindi naman kasi siya masiyadong nagk-kwento.
Matagal rin siyang natahimik.

"Wala akong maalala..." aniya.

"M-may amnesia k-k-ka ba?" kinakabahan na tanong ko. Bakit hindi ko iyon napansin noong una palang? Hindi niya maalala yung apelyido niya at tanging pangalan niya lang ang alam niya.

"Hindi naman sa ganun. May mga naalala ako,pero kaunti lang." kahit madilim ay kita ko pa rin ang lungkot sa mga mata niya. Mahirap siguro ang manggapa ka ng memorya.

"Kung wala kang maalala. Edi gagawa na lang tayo nang bagong memories mo."

"Tayong dalawa lang?"

"Bakit hindi." parehas kaming natawa.

"Ik-kwento ko na lang yung mga naalala ko pero huwag mo akong pagtatawanan ah." tumango ako ng ilang beses.

"Promise." sabi ko.

"Naalala ko lang ay nasa isa kong bahay habang tumutugtog ng piano."

"Yun lang?" tanong ko at tumango lang siya. Seryoso? Yun lang naalala niya sa tanang ng buhay niya?

"Pero...naalala mo ba yung itsura ng bahay?" tanong ko. Tumango ulit siya.

"Gusto mo bang maka-alala?" tanong ko sa kanya. Ilang minuto siyang di sumagot pero maya-maya lang ay tumango ulit ito.

"Edi hanapin natin ang bahay na iyon. Sa tingin mo? Nandito lang kaya iyon sa Los Mabalos?"

"H-hindi ako sigurado." sagot niya.

"Bukas,hanapin natin iyon." sabi ko sa kanya. Nakita ko na ang bahay ni Lola. Nandito ulit kami sa posisyon namin kung saan una niya akong hinatid. Tumigil kami roon.

"Bukas ulit?" tanong niya. Masaya akong tumango. Hindi ko ikakaila na masaya ang nangyari ngayon araw.

"Sige. Pumasok ka na at baka nag-aalala na ang mga magulang mo sa'yo." kinalas niya ang kamay niya sa akin.

"Okay. Bye." tumalikod na ako pero agad akong bumalik at hinalikan siya sa pisngi.

"Bye ulit." sabi ko at mabilis na naglakad papasok ng bahay.
Namumula ang pisngi ko dahil sa hiya.

Nagnakaw nang halik ang isang Summer Arsolla?

__

Yakanemori

It Was Summer When I Met You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon