"Sa loob ng dalawang linggo na nandito ka,gusto sana kitang makasama." hindi ako nakasagot sa gusto niya. Bakit pakiramdam ko ay parang may mali? Parang may mali sa pagtitig niya sa akin? May mali sa mga bawat salita niya? O baka naman imagination ko lang iyon.Ngumiti ako pero hindi ako sure kung umabot hanggang mata.
"S-sure. Why not?" pagpayag ko. Hindi ko na talaga alam ang nangyayari sa akin. Hindi naman ako ganito. Pag may nag-aaya sa akin ay agad kong tatanggihan o kaya ay tatarayan ko na pang bigla. Pero pag sa kanya na ay hindi ako makahindi.
"Aantayin kita dito bukas. Ikatatlo ng hapon." tumayo ito. Hindi ko makita ang mukha niya dahil nakatingin siya sa ulap.
"Summer..." tawag niya.
"Hmm?"
"Tata-" natigil ito sa pagsalita at tumingin sa akin. Ngumiti siya sa akin kaya mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko.
"Magkita nalang tayo bukas." tumalikod na ito at naglakad papalayo. Pipigilan ko sana siya pero mas pinili kong wag na. Magkikita naman kami bukas diba?
___
Kinabukasan ay maaga akong nagising. Himala nga raw na maituturing ito. Hindi ko nalang sila pinansin sa pang-aasar nila.
"Summer,ikaw muna ang magsampay nitong damit. May kukunin lang ako sa loob." sumunod ako sa utos ni mommy at kinuha ang basket na puro damit na nilabhan. Lumabas ako ng bahay para sampayin ito.
"Hey." nagulat ako nang makita yung kaibigan ni Winter. Yung lalaking pinasakay kami sa kotse niya noong sayawan. Hindi ko siya kilala at wala akong balak kilalanin siya.
Dahil snob ako ay hindi ko siya pinansin at patuloy lang sa pagsampay. Akala ko aalis na siya pero nage-enjoy pa ata siyang tingnan ang kagandahan ko. Hindi ko na napigilang tingnan siya.
"Excuse me? Kung hinahanap mo ang kapatid ko,nandoon siya sa loob. Kung hindi mo alam kung nasaan ang pinto,ayan. Nasa harapan mo lang. Lakad ka lang ng ilang steps then ilapat mo yung kamay mo at gumawa ka nang sounds para marinig ka ng tao sa loob." pagtataray ko sa kanya para lumayas na siya sa harapan ko.
"Woah. Sungit niya oh. Anyway,hindi ko pa napapakilala ang sarili ko. Sigfend,Sig for short." nakita ko pa sa side vission ko ang pagkindat niya sa akin. Hindi naman ganun kasama ang itsura nitong Sigfend na'to para pandirihan ko pag kumindat.
"Hanapin mo kay Winter ang pake ko." supalpal ko sa kanya. Napasipol lang siya sa sinabi ko. My god! Di ba aalis ang lalaking ito?! Pag may sinabihan akong ganun sa lalaki ay aalis na agad pero siya? Makapal ang mukha.
"Totoo nga. Masungit talaga ang isang Summer Arsolla." hindi ko na siya pinansin. Hindi na ako magtataka kung paano niya nalaman ang pangalan ko. Marahil ay tinanong na niya ito sa kapatid ko.
"Sig p're!" rinig kong tawag ni Winter sa kaibigan niya. Thanks god at mawawala na rin ito sa harapan ko.
"Yow." mukhang nagkamayan pa ata ang dalawa. Geez! Ang tagal umalis. Nakakaistorbo.
"Sungit ng kapatid mo p're." aniya at naramdaman ko ang pagtitig nito sa akin. Alam ko na masungit ako.
"Hayaan mo na. Palibhasa Single ." diniinan talaga ni Winter ang salitang single para asarin ako.
Akala mo si Autumn lang ang malakas mang-asar ah."Ah, 'di bale nang single atleast hindi NABASTED." tumawa ang tukmol niyang kaibigan.
"Tara na nga. Hayaan mo na yan diyan magsampay." napangisi nalang ako. Mukhang pumasok na sila sa bahay. Makakasampay na rin ako nang maayos.
Habang nagsasampay ay may napansin ako...
"Esclavo?" hindi...hindi siya yun. Alam ko ang pangangatawan ni Esclavo. Mas matangkad ang lalaking ito. Hindi ko siya gaanong makita dahil malayo siya sa kinaroroonan ko.
Humangin nang malakas kaya napapikit ako. Sa pagmulat ko ay wala na ang lalaki.That's weird.
__
"Summer, timplahan mo naman kami ng juice oh." rinig kong utos ni Winter sa akin pagpasok ko. Naglalaro ang dalawa ng PSP. Mukhang kay Sig ang PSP na yun dahil hindi kami pinabitbit ni Mommy nang kung ano-ano dahil bakasyon daw ito. Kahit libro at art materials ko like sketch book at lapis ay hindi pinadala. Boring na bakasyon.
"May kamay naman kayo ah."
"Sige na sis,timplahan mo na kam--oh shit!" napairap nalang ako at dumiretso sa kusina. Nasaan kaya ang kambal ko para siya ang mautusan. Mukhang umalis pa ata. Kausap niya na naman ata ang foreigner na paulit-ulit na binabanggit niya sa akin kagabi.
"Gusto ko grapes ah." nabitawan ko ang kutsara nang magsalita si Sig sa likuran ko. Tiningnan ko siya nang masama bago pinulot ang kutsara at inilagay sa lababo. Bakit sumunod pa siya? Nag-aalala ba siyang baka lagyan ko ng lason ang inumin niya? Pano niya nabasa ang isip ko? Just kidding.
Feel at home na umupo siya sa upuan at ramdam ko na naman ang titig niya.
"Nakikiinom ka na nga lang, aarte ka pa." inis na sabi ko at nagsimula ulit magtimpla. Wala na akong nagawa kundi ipagtimpla siya ng grapes juice.
"Allergic ako sa ibang flavor eh."
"Hanapin mo ang pake ko." inis na sagot ko sa kanya.
"Hmp! Paano pag nahanap ko ang pake mo? Anong reward?" pang-aasar niya. Inirapan ko na lang siya. Natapos na akong magtimpla. Kinuha ko yung orange juice na para sa akin.
"Ikaw na magdala niyan. Aakyat na ako." utos ko at tumalikod. Balak ko nang umakyat sa kwarto kaysa makita ko ang lalaking ito. Magr-ready na rin ako dahil may lakad pala ako.
Dahil sa naalala ko na may lakad pala ako ngayon ay naramdaman ko ang paglakas nang kabog ng dibdib ko.
"Sjsbsnamjshsbb reward ko ah." hindi ko naintindihan ang sinasabi sa akin ni Sig habang papaakyat ako. Masyadong occupied ang isip ko.
"Oo na." wala sa sariling sagot ko at napa'yes' naman siya.
Pagpasok ko sa kwarto ay inilapag ko ang baso sa lamesa at binuksan ang drawer. Nakita ko na naman ang bulaklak na hindi pa rin nalalanta. Inamoy ko ito at ganun pa rin ang amoy.Bakit parang ang saya ko?
__
Dahil wala si Autumn dito kaya ito ako ngayon. Nagpipili ng damit. Hindi ko na talaga maintindihan ang sarili ko. Ala-una pa lang naman at may dalawang oras pa pero kinakabahan na ako.
"Ito kaya?" tiningnan ko ang sarili ko sa salamin habang suot ang isang sleeveless dress na kulay light blue. Hmm?
"What if ito nalang?" isang black na turtle neck dress naman ngayon ang hawak ko. Napafacepalm ako nang maalala ko na mainit ngayon kaya bakit ako magsusuot nang ganyan? Napairap nalang ako sa sarili kong repleksiyon sa salamin.
Humiga muna ako sa kama.
Argh! Kung nandito lang sana si Autumn eh di sana matutulungan niya ako sa isusuot ko ngayon sa date namin ni---DATE?!Sinapok ko ang aking sarili sa pinag-iisip ko. Bakit ko naman naisip na isang date 'to? No! It was just a friendly date. Ano bang pinagsasabi mo Summer.
Hindi yun date.Napabuntong hininga na lang ako at umupo nang maayos. Napasulyap ako sa rose na nasa lamesa at muling humiga sa kama at ipinikit ang mga mata.
Kinusot ko ang mga mata ko pagising ko. Wait--nakatulog ako? What the!
Tumingin ako sa clock table..."2:40 na?!"
__
A/N: So ayun,may binago ako. Yung salakot na pinagsasabi ko,hindi pala salakot tawag don. Nagkamali ako. Wahahaha! Straw hat pala tawag dun. Peace.
__
Yakanemori
BINABASA MO ANG
It Was Summer When I Met You (COMPLETED)
Fantasy(Forbidden Love Series #2) Every summer ay bumibisita siya sa akin. She was 6 years old when I first saw her. Gustong-gusto niya ako dahil napapalago ko ang mga bulaklak. Sa buong summer na palagi kaming magkasama ay nahulog na ang loob ko sa kanya...