"Summer!" nagbingi-bingihan ako sa boses ni daddy habang paakyat ako sa hagdan.Pumasok ako sa kwarto at agad na inilock iyon. Agad akong napaupo at wala sa sariling umiyak.
Ayokong maniwala...
Ayoko...
"Summer, let me in." si Autumn iyon habang kinakalampag ang pinto pero hindi ko iyon pinansin.
Dahan-dahan akong tumayo at may hinanap sa drawer.
Mas lalo akong napaiyak sa nakita.
Ba't ganun? Bakit pinapakita nila sa akin na totoo itong nangyayari ngayon?Hinawakan ko ito pero agad na itong tinangay ng hangin at ang stem nalang ang natira. Malambot na ito at masangsang narin ang amoy.
Bulaklak. Yung bulaklak na ibinigay niya sa akin.
Pinunasan ko ang luha sa aking pisngi at mabilis na sumampa sa bintana.
I need to confirm it! Kailangan kong marinig ang totoo at sa kanya dapat mismo manggaling.
Sabihin niya lang lahat na hindi ito totoo at maniniwala ako.
Napalunok ako dahil alam kong pag tumalon ako mula rito ay mapipilayan ako.
Napatingin ako sa buong kwarto at nakita ko ang kumot.
Kinuha ko ang kumot ni Autumn at yung akin pero bigla akong napatigil dahil sa isang bagay na nahulog galing sa kama ko.
Yung box.
Kinuha ko ito pero hindi ko muna ito binuksan. Hawak ko lamang ito.
Pinagdugtong ko ang kumot namin ni Autumn. Hindi parin ito umabot hanggang lupa pero kung tatalunin ko iyon ay mukhang kaya ko pa.
"Summer, open the door!" it was dad slamming the door hard. Agad na akong sumampa sa bintana at ni-check kung hindi ito mapipigtas.
Mabuti nalang at matibay ito hanggang sa malapit na akong makababa pero agad na nagulantang ako dahil sa kay lola.
"Jusmiyo kang bata ka!" napabitaw agad ako at naramdaman ko ang kirot ng aking siko.
Tumayo ako kahit masakit. Tiningnan ko si lola na may lungkot sa aking mata.
Walang pasabing umalis ako ng bahay.
Nagpara ng tricycle kahit hindi ko dala ang aking wallet.
Binigay ko na lamang ang kwintas na bigay sa akin ni Winter noong birthday ko.Pagpasok ko sa flower plantation at agad kong hinanap kung nasaan siya. Kahit malayo ay nakita ko siyang nakatayo sa ilalim ng puno at nakatingin ito sa akin.
Kumaway ito sa akin at ngumiti ngunit hindi ako nakaganti ng simpleng ngiti man lang.
Konti lang ang tao sa flower plantation dahil madilim na.
Mabilis ang hakbang ko papunta sa kanya at nangingilid na ang aking luha sa mata sa di kadahilanang dahilan.
"Summe--"
"They're lying, right?" bungad ko sa kanya. Nawala ang ngiti sa kanyang labi. Hindi siya nagsalita at nakatingin lang sa akin.
"They're lying! You're real! Tell me they're lying to me!" I cried. Malungkot niya lang akong tiningnan.
Lumapit ako sa kanya at sa puntong ito, ako ang humawak sa kamay niya."Normal na tao ka lang. Tao ka lang. We're both humans. They're just lying na hindi ka nila nakikita." I said. Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha sa mata ko.
BINABASA MO ANG
It Was Summer When I Met You (COMPLETED)
Fantasy(Forbidden Love Series #2) Every summer ay bumibisita siya sa akin. She was 6 years old when I first saw her. Gustong-gusto niya ako dahil napapalago ko ang mga bulaklak. Sa buong summer na palagi kaming magkasama ay nahulog na ang loob ko sa kanya...