MEMORIES OF BEING A GANSTER

232 37 4
                                    

Chapter 1: Mysterious Guy

"Bakit ba kasi tumawid pa sya?"

"Ewan nga eh baka di nya tanggap ang nangyari, kawawa naman sana gumising kana Crystal." Rinig kung sabi ng isang babae. Maririnig mo sa boses niya ang sobrang pagalala.

"Mmmm..."

Dahan dahan kung minulat ang aking mata at sa pag tingin ko sa paligid ko may nakita akong babae at lalake na siguro ay mag asawa at doctor.

"Na-na-nasaan ako?" Tanong ko nang may pagtataka.

"Crystal! Mabuti naman at gising kana. Nasa hospital ka dahil nabundol ka ng bus, mabuti at alerto ang driver  at 'di ka masiyado nasa critical na kondisyon,"  sabi nung babae sa akin na may halong pag alala sa kanyang boses.

Nangunot ang noo ko. "Huh? Hospital? At si-sino ka-kayo? At Cry-Crystal ba panggalan ko? Bakit nyo ko kilala?" Tanong ko muli.

Sino ba ang hindi magtataka na paggising mo nasa hospital ka at wala kang maalala.

"Doc,doc! May amnesia ba si Crystal?" Tanong nung babae na para ng maiiyak.

Sino ba sila at bakit kilala nila ako samantalang ako hindi, at ano daw amnesia? Sino ako?

"Miss, we're very sorry to tell you this, but, oo nagka amnesia sya. Kahit ang pagka gangster nya di niya maalala," sabi nung doctor sa mag asawa.

Teka, naguguluhan na ako ha. Ano ba ang pinagsasabi nila na nagka amnesia ako, at ano raw, ako isang gangster? Isang basagulerong babae?

"Bakit ganun, bakit nag ka amnesia pa siya. Wala na bang paraan para gumaling sya?" Tanong nung lalake sa doctor.

"Wala na eh, pero may pagasa pa na babalik ang memorya nya," sabi nung doctor.

"Kami maaalala nya pa ba kam--"


"Hoy! Crystal gumising ka marami pa tayong costumers." Sigaw ng isang napakalakas na boses.

Minulat ko ang mata ko at nakatulog pala ako sa kalagitnaan nang pagtatrabaho.

"Crystal masusunog na yung itlog bilisan mo!" Sigaw ni chef Don.

"Opo, Chef Don," sabi ko na may pagtataranta na boses.

"Danny iserve mo na ang special soup, bilis marami pa tayong costumers!" sigaw ni chef Don kay Danny.

"Okay po chef Don," sagot ni Danny kay Chef Don.

"Crystal, Aime,Brithany,Haiden,Zander,Thirdy,Cyrus 700 bread rolls,400 fried chicken,and 250 special soup move quickly!" Sigaw ni chef Don sa amin.

"Allea I serve muna ang 2 special soup,3 fried chickens,at 6 rice table 32," sabi ni chef Don.

"Yes Chef Don." Rinig kung sagot ni Allea kay chef Don.

"Brithy pwede ba ako makitulog sa inyo kahit one week o three days lang?" Tanong ko kay Brithy.

"Oo naman, pwede, kahit one year pa," sabi niya kaya napatawa ako sa kanya. Ang kulit niya talaga, pero mabait naman.

******

Medyo gabi na nang magclose kami at naglinis sa restaurant.

"Okay, girls hugas kayo ng plato at boys mop the floor at arrange the tables and chairs." Utos sa amin ni Chef Don.

"Yes Chef Don," sagot naming lahat.

Nang matapos na kami sa paglilinis ay sabay na kaming umuwi ni Brithy sa kanilang bahay. Hindi rin naman malayo ang bahay nila sa pinagtatrabahuan namin kaya madali lang kaming nakarating.

Nang makapasok ako sa loob binungad agad ako ng mama ni Brithy.

"Hello Crystal. Kamusta ka? By the way mabuti at naisipan mong mag stay dito." Natutuwang sabi sa akin ng mama ni Brithy.

"Hello po tita. Okay lang naman po ako, medyo pagod lang dahil kulang palagi sa tulog," sagot ko sa tanong ni tita.

"O siya, pumunta kana sa guest room at matulog na upang makapag pahinga kana," sabi sa akin ni tita.

Nagpasalamat muna ako sa mama ni Brithy bago pumunta sa guest room nila at humiga sa kama at tuluyan ng nilamon ng antok.


******

Naglalakad ako  at napahinto nang sa 'di kalayuan may nakita ako na Buy Me Buy House Me kaya pinasukan ko iyon. Binati ako nang isang babae.

"Miss pwedeng mag tanong?" Sabi ko sa babae na nakatayo malapit sa pintuan.

"Ano po yun ma'am?" Tanong niya rin sa akin.

"May apartment ba kayo sa Western Street, Zone 6?" Tanong ko ulit sa babae.

"Meron po 2 apartment na may small garden at 2 na may swimming pool," sagot ng babae sa aking tanong.

"Magkano yung may garden?" Tanong ko sa babae.

"Yun po ay 10,800 ang down payment at yung may swimming pool 12,500," sabi nung babae saakin na may halong ngiti sa kanyang labi.

Nagdadalawang isip ako kung saan ang bibilhin ko kaya napag isipan ko nalang na bilhin yung may swimming pool. Magugustuhan naman iyon ni Brithy. Buti na lang malaki na ang naipon kong pera.

"Miss yung may swimming pool nalang po," sabi ko sa babae.

Tumango naman ito at pumunta sa babaeng nakaupo sa lamesa na may katapat na computer. Tango lang tango ang babaeng nakaharap sa computer habang nakikinig sa babaeng nakausap ko kanina.

Inilibot ko nalang ang tingin ko. Dahil salamin ang wall ay nakita kong papalubog na ang haring araw.

"Miss..." Napalingon ako sa babaeng tumawag sa akin at parehong babae na kumausap sa akin. 

Tuluyan na akong humarap sa kaniya.

"Gusto niyo po bang tingnan ang bahay?" Tanong nito.

Napaisip naman ako, gumagabi na at mukhang mahihirapan ako at mahirap naring maghanap ng sasakyan tuwing gabi. Ngumiti ako sa kaniya. "Hindi na, gumagabi narin, eh."

Lumabas na ako at naghintay ng kotse pauwi. Sandali akong napalingon sa kabilang daan at nangunot ang noo ko nang may lalakeng nakasuot ng jacket na may hood at naka mask ang nakatingin sa direksyon ko.

Tatawid na sana ako para malapitan yung tao kaso may biglang dumaang truck kaya napahinto ako sa kinatatayuan ko. Nang tuluyan ng nakaalis ang truck muli kong nilingon ang kinaroroonan ng tao ngunit wala na ito doon. 

MEMORIES OF BEING A GANSTER [COMPLETED] (UNDER MAJOR EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon