Chapter 30: Last Chapter
7 months later.
December 24- Day before Christmas
"Crystal pwede mo ba akong samahan sa mall?" tanong sa akin ni Brithy.
"Bakit, ano bang bibilhin mo?" tanong ko rin pero ang atensyon ko ay nasa cellphone lamang.
"Bibili kasi ako ng mga regalo," sabi niya.
"Si Ace nalang ang isama, may ginagawa pa ako."
"Hindi pwede, sumama ka nalang kasi tapos bilhan mo narin ng regalo si T.j para naman may maibigay ka,' sabi niya at biglang hinablot ang cellphone ko.
"I don't want to, ang lamig kaya sa labas," palusot ko.
"Edi, mag jacket ka. Dali na, sasama ka sa akin sa ayaw at sa gusto mo,' sabi niya sabay hila sa akin palabas ng bahay.
Ako naman todo pigil, khit ano-anong gamit nalang ang hinahawakan ko pampigil.
"Ayoko nga, bakit ang kulit mo? Saan ba doon ang hindi mo naintindihan?" inis kung tanong.
"Wala. Wala akong naintindihan kaya tara na."
**********
"Ano bang magandang iregalo para kay Ace?" tanong nito.
Ayon nga, talo ako. Nandito kami ngayon sa mall at kanina pa ako naiinip dahil sa dami ng tao.
"Huy, tinatanong kita," sabi nito sabay yugyog ng balikat ko.
Tiningnan ko siya ng masama pero hindi parin siya tumigil.
"Hindi ka ba tala---" naputol ang sasabihin ko nang may makita akong napaka pamilyar na mukha. Tiningnan ko ito ng mabuti at sinigurado kong hindi ako nagkakamali sa nakikita ko.
"Huy, nakikinig ka pa ba sa akin, Crystal?"
Nang humakbang ako ng dalawang beses, nagsimulang maglakad ang tao papalayo. Inalis ko ang kamay ni Brithy at nagmamadaling hinabol ang tao.
"Huy, saan ka pupunta?" rinig kong sigaw ni Brithy.
Nang medyo malayo na siya nagsimula na akong tumakbo. Nang lumiko ako sa kaliwa hindi sinasadyang nakabangga ako ng tao dahilan para matumba ito.
"Sorry po ate, hindi ko sinasadya. Tulungan ko na po kayong tumayo," sabi ko saka siya tinulungan sa pagkakatayo.
"Sorry po talaga," nakayuko kong sabi.
"Okay lang, hindi mo naman sinasadya," nakangiti niyang sabi.
Ngingiti narin sana ako pero bigla kong naalala na may hinahabol pala ako. Lumingon ako sa paligid at nakita ko siyang nakatayo malapit sa dressing room at nakatalikod ito sa akin. Tumakbo ako papalapit sa kaniya.
Pinaharap ko siya. " Is that you Bri---" agad akong napabitiw at yumuko.
"Sorry po kuya, akala ko po kasi kayo iyong hinahanap ko. Pareho po kasi kayo ng jacket na suot."
Hinawakan ako nito sa pulsuhan at galit na tiningnan.
"Babe sino siya? Siya ba ang babaeng pinupuntahan mo gabi-gabi?"
Napalingon ako pinanggalingan ng boses babae na nasalita.
"What? No, hindi ko nga siya kilala?' agad na sagot nung lalake.
"Liar. Kung hindi mo siya kilala, bakit magkahawak kamay kayo. Ayoko na, break na tayo!" sigaw ng babae sabay walk out.
Binitawan ko ang kamay ng lalake at magsosorry na sana kaso agad na siyang umalis at hinabol ang girlfriend niya.
BINABASA MO ANG
MEMORIES OF BEING A GANSTER [COMPLETED] (UNDER MAJOR EDITING)
Action[TAGLISH] Simpleng babae pero madaming sekreto sa buhay, maraming sekreto sa nakaraan. Dahil bumalik na ang kanyang ala-ala ibinalik niya ang dating grupo niya at gumanti sa pumatay ng napaka mamahal niyang pinsan at tita. She will take her REVENG...