Chapter 4: Truth or dare
"Ang kulit nyo talaga no? Hindi nyo talaga ako titigilan kung di ko sa---"
Nabaling ang tingin naming lahat sa pintuan ng tumunog ang door bell. Tumayo na kami at lumapit sa pinto at binuksan ito.
"Yes, what can I help you?" Tanong ko sa lalake na nasa harap ko.
"Titira sana ako dito, magkano ang bayad?" Tanong nya sa akin.
"Ah! Mag stay ka dito. Three thousand lang tapos wala ka ng babayaran." Sabi ko at pinapasok na siya.
"Salamat, ito lang kasi ang pinaka malapit sa Stonhill Academy," sabi nya sabay kuha ng mga bagahe nya.
"Sto-Stonhill?" Utal kung tanong.
"Yes Stonhill, by the way I'm Yohann Illeon you can call me Yohann," sabi nya sabay abot ng kanyang kamay para maki pag shake hands. Medyo familiar ang boses niya, hindi ko lang maalala o baka nagkamali lang ako.
Inabot ko naman ito. "Hi. I'm, Crystal Hyun Siline."
*****
"Guys kain na tayo," sabi sa amin ni Brithy.
Walang nag sasalita sa amin habang kumakain ang maririnig mo lang ay puro pagkalansing ng kutsara at tinidor.
"Guys alam ko na gagawin natin pagkatapos nating kumain. Laro tayo ng Truth or Dare," sabi ni pagbabasag ng katahimikan ni Yuri.
"Sige!" sabay naming sabi at pinag patuloy ang pagkain.
Mga ilang minuto natapos na kaming kumain at nasa living room na kami nakapalibot kami at nag umpisa ng maglaro.
"Ok so ito, kung saan matuturo ang bote gagawa sya ng Dare and tell the Truth ang. Hindi pumayag iinom ng isang baso ng tubig na may asin," sabi ni Yuri at pinaikot na ang bote.
"Sana hindi sa akin," sabi ni Brithy na pinagdaop pa ang palad.
Dahan-dahang huminto ang bote at tumapat ito kay Yohann.
"Okay, Yohann dahil sayo tumapat ang bote ito ang Dare mo ka---"
"Dapat yung mahirap." Pagputol ni Brithy sa sasabihin ni Yuri kay Yohann.
"Tumahimik ka nga diyan Brithy, alam ko," sabi ni Yuri na ikinanguso ni Brithy. Ibinalik na ni Yuri ang tingin niya kay Yohann.
"Yohann, ang dare mo ay kailangan mong mapatawa si Crystal," sabi ni Yuri kay Yohann habang ngumingiti ng nakakaloko.
"Pero mahirap kayang patawanin si Crystal. Walang makakapag patawa sa kaniya at kung meron man minsan lang!" Lahat kami ay napatingin kay Yohann nang sabihin niya iyon.
Paano niya nalaman iyon? Only Brithy knows about it.
"What?" Inosenting tanong niya. Sabay-sabay kaming umiling at isinawalang bahala na lang.
Nagsimula na si Yohann sa pagpapatawa sa akin sa paraan ng paggawa ng nakakatang mukha at iba pang naiiisip niyang makakapagpatawa sa akin.
"Yohann sumoko kana." sabi ni Yuri kay Yohann.
"Ayaw ko nga kaya ko pa to noh kala nyo lang." sabi ni Yohann at pinatawa na naman ako.
Lumipas ang tatlong minuto at wala parin siyang napala kaya napabagsak ito ng balikat.
"Ayaw ko na, suko na ako. Ano ba kasi 'tong si Crystal di talaga matawa." Naiinis na sabi ni Yohann sabay inom ng isang baso ng tubig na may asin.
BINABASA MO ANG
MEMORIES OF BEING A GANSTER [COMPLETED] (UNDER MAJOR EDITING)
Action[TAGLISH] Simpleng babae pero madaming sekreto sa buhay, maraming sekreto sa nakaraan. Dahil bumalik na ang kanyang ala-ala ibinalik niya ang dating grupo niya at gumanti sa pumatay ng napaka mamahal niyang pinsan at tita. She will take her REVENG...