MEMORIES OF BEING A GANGSTER

33 6 4
                                    


Chapter 28: Matermind

"Leader we have a problem!" Agad akong napalingon sa direksyon ni Simon.

"What is it?" I asked.

"Nalaman ng Grimrose Gang ang tungkol sa pagbabalik mo at su---"

Napatigil sa pagsasalita si Simon nang makarinig kami ng sunod-sunod na pagputok ng baril at nagsisimula ng magkagulo sa labas.

Lumabas ako para tingnan ang nangyayari. Ang iba ay nakikipaglaban at meron namang nagtatakbuhan.

Hinarang ko ang isang lalake na tumatakbo. "What's going on?" Tanong ko.

"A-ang Grimrose Gang nandito sila," hingal nitong sabi.

Nagpantig ang tenga ko nang marinig ko ang salitang Grimrose Gang.

"You can go now," sabi ko dito at umalis na siya.

"Simon protect king Ace," sabi ko sakaniya. 

Umalis na ako at naghanap ng tahimik na lugar saka tinawagan si Yoha---T.j.

Pagkatapos ng tatlong ring ay sinagot niya na ito.

"Crystal nakita nila ang secret camera na nilagay natin. I think susugod na sila ngayon," bungad nito sa akin.

"They're here. I need your help," sabi ko.

"How are you, are you hurt?" Nagaalala nitong tanong.

"I'm fine, no need to worry. By the way, can you track the leader of GG for me?"

"Sure," agad nitong sagot. Nakarinig ako ng pagtipa sa keyboard sa kabilang linya.

Mga limang minuto bago siya muling nagsalita.

"Nasa top floor sila ng GW."

"Okay, thanks," sabi ko at ibababa na sana ang tawag ng magsalita siya.

"Be careful flat, I think may kasama silang tao." Napatigil ako sa pagtatakbo dahil sa kaniyang sinabi.

He called me flat. I missed those words.

Ngumiti naman ako kahit alam kong hindi niya ako nakikita.

"I will," sabi ko at pinatay na ang tawag.

Nagmadali akong pumunta sa third floor. Dumaan muna ako sa storage room para kumuha ng baril, throw knife at mga bala.

Habang tumatakbo ay tinawagan ko si Simon.

"Simon,call Excels, sila ang magbabantay kay King Ace. I need you five to go to the third floor," sabi ko.

"Roger leader!" Sagot nito at pinatay na ang tawag.

Habang papalapit sa third floor ay nakikita ko ang dalawang taong nakamaskara---leader ng GG na nakikipaglaban sa limang lalake.

Nang tuluyan na akong nakalapit ay nagulat ako nang makita ang Excels na nakikipaglaban sa leader ng GG.

Paano nila nalaman na nandito ang leader GG?

Agad akong napalingon sa aking kaliwa ng makarinig ako ng pagkasa ng baril. May nakita akong tao na nagtatago sa medyo madilim na parte ng hall. Tiningnan ko kung saan nakatutok ang baril nito, at nakakatutok ito kay Nathan na nakikipaglaban sa leader ng GG.

"Nathan, duck!" Sumigaw ako nang pinaputok ng lalake ang baril.

Yumuko siya ngunit nadaplisan naman ang kaniyang braso. Lumingon siya sa direksyon ko and mouthed, "thanks."

MEMORIES OF BEING A GANSTER [COMPLETED] (UNDER MAJOR EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon