Chapter 15: Date?!Nagising ako ng may marinig na nagluluto. Bumangon na ako at pumunta sa banyo upang maghilamos at momog.
Pagkatapos kung maghilamos at momog ay bumaba na ako at pumunta sa kusina. Nakita ko si Nathan na nagluluto.
Marunong pala siyang magluto.
"Can you help here instead of watching me?"
"Okay." Lumapit ako sa kaniya at Grabe ang bango ng niluluto niya, natatakam tuloy ako.
"Kunin mo yung ham, bacon at itlog sa ref." Sabi niya ng Hindi ako tinitingnan.
Kinuha ko na iyong ham, bacon at itlog, at ibinigay sa kaniya.
Pagkatapos niyang magluto ay ginising niya na ang mga excels at ako naman ay naglalagay ng plato, kutsara at tinidor.
"Uy ham, bacon and fried egg. Sino nagluto?" Nakangiting sabi ni Aldren.
"Si---"
"Hoy flat bilisan mong kumain may pupuntahan pa tayo." Sabi ni Bricks habang kumakain.
Sa halip na sumagot ay kumain na lang ako. Pagkatapos kung kumain ay nag toothbrush at naligo na ako.
Sinuot ko yung regalo ni T.J na dress, kasya pa naman saakin kasi maliit naman ang katawan ko. Lumabas na ako at dumiretso sa sala at nakitang naka polong checkered si Bricks.
"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko.
"Tara na." Sabi niya at hinawakan ang kamay ko sabay hila.
Lumingon ako sa excels at nakitang nakangisi silang lahat maliban Kay Nathan.
"Enjoy!" Sigaw ni Mike.
"Hoy ano kaba, Hindi mo pa nasagot ang tanong ko. Saa---"
"Sasabihin ko pag nasa loob na tayo ng kotse." Sabi niya saka binuksan ang pintuan ng kotse para saakin.
Himala at naging gentleman siya ngayon.
"Hoy, sagutin mo na ang tanong ko saan tayo pupunta?" Paulit ulit ako ng tanong ih! Hindi niya kasi sabihin.
"Were going on a date." Nakangisi niyang sagot sabay lapit sa mukha ko. Sisigaw na sana ako ng kinalabit niya lang pala ang seatbelt ko.
Malapit na akong napahiya dun ah!
"Bakit na---"
"Part of our FAKE relationship at dapat galingan mo ang pag arte kung gusto mo ng matapos na ito." Sabi niya na nakatingin sa side mirror at biglang binilisan ang takbo ng kotse.
Gusto ba nitong mokong na ito na mamatay? Kung magpapakamatay siya wag niya akong isali!
"Huy, papatayin mo ba ako? Kung magpapakamay ka wag mo akong isama may kailangan pa akong tatapusing mission!" Sigaw ko.
"Someone's following us." Nakahinga naman ako ng maluwag ng binagalan niya na ang takbo ng kotse.
"Sino?" Mahina kung tanong.
"Mga tauhan ni daddy. Siguro binabantayan nila tayo kaya kailangan nating magingat sa kinikilos natin." Sabi niya at ipinark na ang kotse niya sa isang mamahaling restaurant.
Nauna siyang bumaba at pinagbuksan ako ng pintuan at hinawakan ang kamay ko habang papasok sa restaurant.
Umupo kami sa pinaka dulo at umorder.
"Anong sa iyo?" Tanong niya sa akin pagkatapos pumili sa menu.
"Kung Anong sa iyo." Walang gana kung sabi.
"Drinks?" Tanong niya muli.
"Kahit ano." Sagot ko muli.
"Waiter!" Tinawag niya ang isang waiter.
May sinabi siya sa waiter pero sobrang hina kaya Hindi ko narinig.
Pagkatapos niyang umorder ay humarap na siya sa akin. Tinaasan ko naman siya ng kilay.
"Come closer." Sabi niya.
Ano nanamang trip nito?
"Why?" Tanong ko.
"Just come closer." Sabi niya muli kaya lumapit na ako.
"What a stupid girl." Sabi niya sabay lagay ng buhok ko sa likod ng tenga.
"Anong ginagawa mo?" Sabi ko at inilayo ang mukha ko.
"Nagpapanggap na boyfriend para maniwala ang tauhan ni daddy." Sabi niya saka tumingin sa paligid.
"Mahirap na at mabuking pa tayo at madadamay Karin." Sabi nito muli
"Bakit naman ako madadamay?" Nagtataka kung tanong.
"Basta, kaya galingan mo."
"Ma'am, sir here's your order." Sabi nung waiter at inilapag ang dalawang pasta at isang special medium Ice tea.
Bakit isa lang ang binili niya, at bakit may dalawang straw?
Kumain nalang ako ng pasta at Hindi na siya pinansin.
"Hindi kaba iinom?" Tanong niya.
Hindi ko nalang siya sinagot at uminom na ng ice tea at nagulat ng uminom rin siya, biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko.
"Your blushing." Nakangisi niyang sabi.
Bwesit na Ice tea. Napaayos tuloy ako ng upo at kumain nalang ng pasta.
"I'm not." Nakayuko kung sabi.
"Your cute when your blushing."
Kumain lang ako kahit sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
Nagtaka ako dahil nakatingin lang siya sa akin. May problema ba sa mukha ko? May nagawa ba akong Mali?
"B-bakit ka n-nakatingin sa akin?" Utal kung tanong.
"You have a smudge on your face." Sabi niya at pinunasan ang gilid ng labi ko at sobra akong nagulat ng dinilaan niya iyong daliri niyang ginamit na pamunas sa gilid ng labi ko.
Pakiramdam ko mas lalo akong namula dahil sa ginawa niya. Hindi ko iyon inaasahan.
(3rd persons POV)
"Their having a date in a restaurant sir." Sabi ng isang lalake na umiinom ng kape.
"Make sure to keep an eye on them." Sabi ng kausap nito a kabilang linya.
"Yes sir." Sagot nito.
"I'll hung up now." Sabi nito sabay call ended.
A/N: let's celebrate dahil nakaabot tayo ng 15 chapters guys! I'm so happeh happeh!!
BINABASA MO ANG
MEMORIES OF BEING A GANSTER [COMPLETED] (UNDER MAJOR EDITING)
Action[TAGLISH] Simpleng babae pero madaming sekreto sa buhay, maraming sekreto sa nakaraan. Dahil bumalik na ang kanyang ala-ala ibinalik niya ang dating grupo niya at gumanti sa pumatay ng napaka mamahal niyang pinsan at tita. She will take her REVENG...