Chapter 16: I own herGrabe nakakastress yung pinagawa ng litseng mokong na iyon! Akalain niyo ginawa akong yaya, Hindi porque dito na ako tumitira ay gawin niya na akong utusan.
"Hoy! Anong pang tinutunganga mo diyan? Bilisan mo kung ayaw mong maglakad ka lang papunta sa school!" Sigaw nito galing sa labas ng kwarto.
Huhuhu... Sobrang sakit ng katawan ko, para ata akong binugbog ng ilang beses. Kasalanan talaga ito ni Bricks!
Pumunta nalang ako sa banyo at ginawa ang aking morning ritwal.
Pagkatapos ng 15 minutes ay nakapagayos na ako. Bumaba na ako at pumunta sa kusina upang kumain.
"Oh, Crystal halika na bago pa maubos ni Mike lahat ng ulam." Natatawang saad ni Aldren.
"Tsk.. Ano tingin mo sa akin patay gutom?" Padabog niyang binagsak ang pinggan sa sink.
"Hahaha.... Diba ganyan ka naman dati patay gutom. Haha---"
Hindi natuloy ni Aldren ang pagtawa ng mabilaukan ito kaya natawa tuloy kami ni Ace.
"Buti nga sayo." Sabi ni Mike.
Pagkatapos naming kumain ay pumunta na kami sa school. Nakasakay kami sa kotse ni Bricks.
Ilang minuto at nakarating na kami sa school, ng ipinark na ni Bricks ang kotse at lumabas na kami ay nagsimula na ang bulong-bulungan.
Halos lahat ng mga estudyante ay nakatingin sa Excels. Hindi pala sa akin pala sila nakatingin at masasamang tingin pa.
Kaya ayaw ko talaga sumabay sa kanila dahil makakakuha lang ako ng atensyon. Baka patayin pa ako ng mga fangirls nila.
"Mauna na ako." Sabi ko at aalis na sana ng biglang may humawak sa pulsuhan ko kaya lumingon ako sa humawak sa akinm
"Remember the rules, kung gusto mong mapadali iyong pagpapanggap nation umayon ka sa napagusapan natin." Seryoso nitong sabi.
Tsk. Bahala na nga Basra pag ako dinumog ng mga fangirls nila kasalanan niya talaga.
Pagpasok namin ay Sakto namang pumasok si ma'am Michelle. Dumiretso na kami sa aming upuan.
"Ma'am!"
Napalingon ako sa nagsalita ay nagtatakang tiningnan si Bricks.
"Yes mr. Hyung?" Tanong ni ma'am habang binubuklat ang dala nitong libro.
"I want to sit beside ms. Siline." Mautoridad nitong sabi.
Anong pakulo na naman ang naisip ng isang ito at naisipang umupo sa tabi ko.
"Ang swerte ni Crystal."
"Ang landi niya talaga."
"Sana ako nalang si Crystal."
"Naku, baka ginayuma niya si Bricks."
Heto nanaman ang bulungan nila.
Isinara ni ma'am ang libro saka tumingin Kay Bricks." At bakit mo naman gusting umupo sa tabi ni ms. Siline, Mr. Hyung?"
"Because I want to, and that's an order as a son of the owner of this school."
Napataas naman ako ng kilay sa kaniyang sinabi.
"Alright." At pumayag na si ma'am at may sinulat sa chalkboard.
Nakangising kinuha nito ang ka niyang bag at umupo na sa tabi ko.
"Ano nanamang pumasok sa kokote mo at gusto mong umupo sa tabi ko?" Bulong kung tanong habang nakatingin lang Kay ma'am.
"To make it realistic."
This time napatingin na ako sa kaniya at nangunot naman ang noo ko sa sinabi niya.
Mukhang naintindihan niya naman na hi di ko siya alam ang ibig niyang sabihin.
"That were really in a relationship."
Napangiwi naman ako sa sinabi niya.
Humarap g ako Kay ma'am at nakinig na.
******
"So bakit hindi kayo magkasama ngayon?" Nagtatakang tanong ni Brithy.
Kasama ko silang tatlo, nandito kami ngayon sa cafeteria at sinabi ko ang tungkol samin Bricks yung part na mag syota kami.
"May kailangan lang daw siyang gawin." Sabi ko sabay inom ng juice ko.
"Baka may kalandian na iyon." Sabi ni Yohann dahilan para mabilaukan ako.
Hinagod naman ni Yuri ang likod ko.
"Hindi naman nung lalake si Bricks!" Sabay na sigaw nina Yuri at Brithy.
"Bakit, totoo naman ah!" Pagkukumbinsi ni Yohann.
"Ang sabihin mo naii---"
Naputol ang sasabihin ni Yuri ng biglang tumunog ang speaker sa cafeteria.
"All student please proceed to the auditorium!"
"Ano nanaman bang announment ang sasabihin nila!" Inis na sabi ni Brithy at tumayo na.
Pumunta na kami sa auditorium at marami na ang maroon. Hinanap ng mata ko ang mga Excel ngunit hindi ko sila makita.
Ts. Bakit ko ba sila hinahanap wala naman akong pakealam sa kanila.
Tinatanong ko sina Brithy at Yuri kung kamusta na sila tita at Sia dahil nakalabas na sila ng hospital.
Napatingin ako sa harap ng may magsalita.
"I am happy that all of you are here now. I hope I didn't disturb your break time but Mr. Hyung have some announcement."
May lumabas sa stage at hindi ko inaasahan na siya pala ang tinutukoy ni ms. President.
Marami ang nagbubulungan at nagtatakang kung bakit harap si Bricks.
"Akala ko si principal Hyung ang tinutukoy ni ms. President pero boyfriend mo pala Crystal!" Gulat na sigaw ni Yuri.
Agad kung tinakpan ang bibig niya dahil baka may nakarinig.
"I know all of you are curious who I am here, but I have a very important announcement...."
Hindi parin nawawala ang bulungan. Pati nga ako ay nagtaka.
"I am here to tell all of you that me and Crystal Hyun Siline are in a relationship, I love her so much and I don't want any of you hurt her especially you boys, I don't want you to go near her or else you'll regret messing with me. I'm warning all of you, if you dare hurt her or just touch her will be kick out of this school. Remember this I. O.W.N H.E.R!" Seryoso nitong sabi.
******
Nababguhan ako sa mga inaasta ng mga estudyante dahil pag dadaan ako ay lumalayo sila o hindi kaya ay yumuyuko.
Nandito ako sa bleacher ng soccer field kasama ang Excel.
"Bricks lang ako sa locker may kukunin lang."
Tumango lang siya kaya umalis na ako.
Hindi ko alam pero pakiramdam ko may nakasunod sa akin.
Lumingon sa ngunit wala namang tao, kaya iniwaksi ko na lang iyon sa isip ko at binuksan ang locker.
Kinuha ko ang isa kung libro ng may nahulog. Kinuha ko ito at lumingalinga sa paligid nganit walang tao.
Binuksan ko ito at nagulat sa nakita, bigla nalang akong sinalakay ng kaba.
Who the hell put this thing inside my locker?!
-----------
Another new update. Mukhang napapadalas na ako sa pag update.
Ano kaya ang nasa loob ng locker ni Crystal?
BINABASA MO ANG
MEMORIES OF BEING A GANSTER [COMPLETED] (UNDER MAJOR EDITING)
Action[TAGLISH] Simpleng babae pero madaming sekreto sa buhay, maraming sekreto sa nakaraan. Dahil bumalik na ang kanyang ala-ala ibinalik niya ang dating grupo niya at gumanti sa pumatay ng napaka mamahal niyang pinsan at tita. She will take her REVENG...