MEMORIES OF BEING A GANGSTER

25 6 1
                                    

A/N: Sorry po sa matagal na pag update. By the way malapit na pong matapos ang MOBAG, 6 chapters nalang po. Sa lahat ng nagbabasa at bumabasa ng MOBAG thank you po, I really appreciate it.


Chapter 23: Let The Game Begin


Ano ba talaga ang ibig sabihin ng sulat na iyon?

Siguradong nagsisiyahan na ang taong sumulat ng letter na iyon. Lahat nagawa na naming pero hindi parin naming alam ang ibig sabihin nun.

I kicked the wooden cabinet in my room out of frustration. I was about to eave when I heard something fall.

Tsk. Isang box na nahulog at nagkalat ang laman nito. Nahulog siguro nung sinipa ko ang cabinet.

Lumapit ako ditto at ang unang bumungad sa akin at ang teddy bear na binigay ng ex-besfriend ko nung birthfay ko.

I heaved a deep sigh and was about to get the bear when something caught my eye. It was th letter and necklace T.J left. After all this time it's still here. Akala ko nawala ko na ito. Sinunog ko kasi lahat ng gamit na makakapagpapaalala sa kaniya.

Pinulot ko ito at pumuntasa study table ko saka umupo at binuklat at basahin ang sulat....

To: Christine Hyun Siline

Hello flat, kamusta kana. Okay na ba yung sugat sa ulo mo? Alam kung iang beses mo na akong minumura sa utak mo dahil bigla nalang akong nawala. Hindi ako sigurado kung magkikita pa tayo muli ata sana wag mong sisihin ang sarili mo sa aksidenteng nangyari dahil wala kang kasalanan, walang may gusting mangyari iyon. Siguro nagtataka ka kung bakit bigla nalang akog nawala at sinisigurado kung wala itong kinalaman sa aksidente, may kailangan ang akong gawin pero wag kang magalala. Kita mo iyang necklace na iniwan ko? Bigay yan ni daddy kay  mommy nung college pa sila, binigay yan ni mommy sa akin at sabi niya ibigay ko daw ito sa babaeng mahal ko at papakasalan ko. Flat alagaan mo yang neckace na iyan dahil baling araw babalik ako para kukunin yan at magpapakasal tayo. wag kanang umiyak at sa pagbalik ko at ako parin sana ang mahal mo. I LOVE YOU FLAT.

                                                                                                                                   From: T.J(Future Husband)

Hindi ko na napigilan ang mga luha ko at tumulo na nga ito.

"Hanggang kalian.....hanggang kalian ako maghihintay?" I wailed. Wala na akong pakealam kung may makarinig sa akin, ang gusto ko lang at ilabas ang mga hinanakit ko. Matagal ko rin itong itinago.

*TOK*TOK

Agad akong napapunas sa luha ko saka hinarap ang taong kumatok, nagulat ako ng Makita ko si Yohann.

Nangunot ang kaniyang noo ng Makita ang pulang pula kung mata na kakagaling lang sa pagiyak, pero mas nangunot ang noo nito ng makita ang letter at necklace na hawak ko parin.

"Oh?" Tanging tanong ko. Pakiramdam ko nawalan ako ng ganang magsalita.

Iang Segundo bago siya nagsalita."Did you just cried?" Nagulat ako sa tanong niya at base sa kanyang mukha ay gulat rin ito sa kaniyang tanong.

"Spill it." Hindi ko pinansin ang tanong niya.

"It's about the letter."

"What about the letter?" Nangunot ang noo ko sa kaniyang sinabi.

Alam na ba niya kung anong ibig sabihin nung mga numero sa sulat?

"Polybius." Sabi nito.

Tatanungin ko sana kung ano ang Polybius ng umalis na ito. He's really acting weird. Anong tinatago mo Yohann?

MEMORIES OF BEING A GANSTER [COMPLETED] (UNDER MAJOR EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon