MEMORIES OF BEING A GANGSTER

31 9 0
                                    


Chapter 9: Queen?


Nathan's POV

Nandito kaming mga Excel sa school gym at ipinatawag lahat ni Bricks ang mga babbae dahil pipili daw siya ng kanyang magiging girlfriend, Hindi pala Fake Girlfriend.

"Next!" sabi in Bricks na medyo naiinip na dahil hindi parin siya nakakahanap.

Ano ba kasing pumasok sa kokote ng lalakeng ito at napagisipan na maghanap ng magiging girlfriend?

Sa hindi kalayuan nakita ko si Crystal na hinihila ng mga kaibigan niya para pumila pero pumipiglas siya kaya hinayaan na lang siya nito. Biglang kinuha ni Crystal ang kanyang cellphone at nakita ko sa kaniyang expression ang pagkagulat at madali rin itong nagbago sa expression na galit, sobrang galit na parang handa siyang mamatay ng tao. Tumakbo siya palabas ng gym at dahil nagtaka ako kung anong nangyayari ay sinundan ko siya.

" Hey Nathan! Saan ka pupunta?" Sigaw ni Ace sa akin ngunit nagpatuloy lang ako sa pagtakbo.

Crystal's POV

Pagdating ko pa lang sa bahay ay may umatake na agad sa akin pero napatumab ko naman agad sila.

"Well, well, well, you made it," sabi ng lalakeng nakahood habang pumapalakpak pa.

"Ibigay niyo na sila sa akin kung ayaw mong matulad sa mga kasamahan mo!" Galit kung sabi sa lalakeng nakahood na may halong pagbabanta.

"Chill, alam ko naman na wala along kaya sa iyo," sabi nito na tumatawa na parang baliw.

Ikinumo ko ang aking mga kamao at halata naman sa itsura niya na medyo natatakot na siya sa akin.

"Gusto mong iligtas sila?" Natatawa nitong tanong.

"Ito." Iniabot niya sa akin ang isang invitation card.

"Tanga ka ba? Hindi invitation card ang hinihingi ko kundi isauli nmo ang tita at pinsan ko!" Naiinis kung sabi sa kaniya. Nauubos na ang pasensiya ko sa lalakeng ito.

"Invitation card yan pa--"

"Alam ko hindi ako bobo!" Inis ko paring sabi sa kaniya.

"Patapusin mo muna ako kung ayaw mong papatayin ko talaga sila ng tuluyan!" Naiinis nitong sabi.

"Invitation card yan para sa party mamayang gabi at doon mo makikita ang tita at pinsan mo, pero kailangan mong magsuot ng dress," sabi nito at mabilis na sumakay sa kanyang motor at pinatakbo ito ng sobrang bilis.

Binasa ko na ang laman ng card at wala namang kwenta dahil sinabi lang dito na pupunta ako ng eight ng gabi at kailangang mag dress.


Ang bilis ng takbo ng oras at malapit ng mag alas-otso ng gabi. Nakapagayos narin ako ng aking susuotin. Nakahanda na ako at bago muna ako lumabas ng bahay ay may tinawagan muna akong napaka importanteng tao.

Sa pangatlong ring ay sinagot na niya ang tawag.

"Hello."  Bungad nito sa akin.

"Hello, si Crystal ito, kailangan ko na," sabi ko.

" Sige, bye. Kita na lang tayo doon." 

Pagkatapos ng tawag ay lumabas na ako ng bahay at nakita ko ang isang bagong motorbike na nakapark sa harap ng gate ko at ang lalakeng nakatayo.

Sumakay na ako sa motor at isnuot ang helmet.

Bago ako umalis ay nginitian ko muna yung lalake.

MEMORIES OF BEING A GANSTER [COMPLETED] (UNDER MAJOR EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon