MEMORIES OF BEING A GANGSTER

23 5 1
                                    

A/N: Guys may good news po ako, ang MOBAG ay nakapasok po sa ranking ng Gangster. Rank 362 po siya. Hindi ko po inaasahan na makakapasok po ulit ang story ko sa ranking, at dahil dito ay maguupdate ako since hawak ko ang loptop ng pinsan ko. Please enjoy!


Chapter 22: Traitor

Hindi ako makagalaw, para akong naestatwa sa aking tinatayuan. B-Bricks kissed me.

Patuloy lang ito sa paghalik sa akin, napaawang ang labi ko ng hawakan niya ako sa bewang ko kaya tuluyan niyang nasakop ang labi ko.

 Unti-unti ng sumasakit ang dibdib ko. Nagsisimula ng mangilid ang mga luha ko. Pinipilit ko siyang itulak dahil nahihirapan na akong huminga hindi dahil sa paghalik niya sa akin kundi dahil nagsisimula nanamang lumabas ang dating alaala na matagal ko ng ibinaon at kinalimutan.

"I love you Crystal." Sabi niya habang hinahalikan parin ako.

Nagsimula ng pumatak ang mga luha ko, Lalo akong ina sa sinabi ni Bricks.

Ito rin.....to rin ang mga katagang binitawan niya. Sinisisi ko ang sarili ko, ng dahil sa akin nawala ang kaisa-isahang lalakeng minahal ko ng sobra.

Nung araw na pumunta sana kami sa aming date, ng dahil sa akin nawala ang kaniyang konsentrasyon sa pagmamaneho. Sa halip na pagtoonan niya ng pansin ang pagmamaneho ay nadistract ko siya, hinalikan niya ako at ako namang tanga ay gumanti rin ng halik, ng dahil sa paghahalikan naming ay hindi na naming napansin ang paparating na malaking track.

Peeep! Peeep!

Nang dahil sa tunog ng track natauhan kami kaya nataranta kami ng sabay ng makitang malapit na ang track.

Dahil sa natataranta na si T.J sa halip na itigil ang kotse ay mas lalong bumilis ang takbo nito kaya iniliko niya ang kotse sabay sa pagkabit niya ng seatbelt sa akin at tuluyan na kaming nabunggo sa puno.

Nilingon ko siya para tingnan kung okay lang siya ngunit napahagulgol ako ng makitang may malaking sugat ito sa noo at dibdib. Nasugatan siya dahil sa lumampas na sanga. Agad akong tumawag ng ambulansiya. Sampung minute bago dumating ang ambulansiya, madali lang ito kasi may malapit na hospital. Isinakay nila si T.J at ganun narin ako.

Pagdating sa hospital ay dineretso nila si T.J sa E.R at ako naman ay pinaupo sa hospital bed at binendahan ang noo ko.

Mga ilang minuto akong nagpahinga bago dumating ang nurse. Tinanong ko kung okay na si T.J, sabi niya kanina pa daw siyang nasa recovery room. Agad akong pumunta sa room niya pagkatapos kung tanungin ang nurse kung anong number ng kwarto ni T.J.

Nagulat ako ng wala siya roon. Isang nakatuping papel at kuwintas lang ang naiwan. Kaya simula noon sinisisi ko ang sarili ko.

"Shit!" Rinig kung sigaw ni Bricks saka siya tumigil sa paghalik sa akin.

Hindi parin tumitigil sa pagtulo ang mga luha ko. Napaupo nalang ako sa sahig habang tulala.


"I-i'm really s-sorry." Sabi nito sabay gulo ng buhok niya.

Hindi ko namalayan na nasa kama na pala ako ni Bricks, nakahiga. Tiningnan ko lang siya sa mata, makikita mo dito ang pagsisisi, galit at nasasaktan. Pinunasan niya ang luha ko .

"Look I'm really sorry, nadala lang ako sa emosyon ko. You can sleep in my bed tonight at sa kwarto mo nalang ako matutulog. I'm sorry ulit." Sabi niya saka hinalikan ako sa noo at umalis na.

Doon na tuluyang tumulo ang mga luhang pinipigilan ko. "I'm so sorry T.J." Ipinikit ko na ang mga mata ko at natulog na.


******

"Anong klaseng letter ba yan, nagbigay pa eh puro lang naman yan numbers!" Inis na napapadyak si Brithy habang turo turo ang sulat.

"Try mo nga sa addition." Sabi ni Yohann na titig na titig sa mga  numero.

"Na try na nam---"

"No, ibang pagplus." Sabi nito saka kumuha ng malinis na papel at in-add ito, at ito ang kinalabasan:

24 = 24

23+11+51+15 = 100

54+34+45+42 = 175

44+24+44+11 = 123

11+33+14 = 58

13+34+45+43+24+33 = 192

"Oh tapos, see wala!" Sigaw ni Brithy.

"Pagnalamanko lang talag kung sino ang nagbigay nitong sulat hindi talaga ako magdadalawang isip na sabunutan siya. Pinapahirapan niya tayo!" Sabi nito saka padabog na pumunta sa kusina.

Tiningnan ko naman si Yohann na seryosong nakatingin sa sulat.

"May ala---"

"Shit!" Naputol ang tanong ko ng bigla itong napatayo sabay tingin sa akin ng nagaalala at may halong gulat.

"U-uy! Bakit ganyan ka m-makatingin? Alam mo na ba kung anong ibig s-sabihin ng sulat?" Medyo utal kung tanong.

Umiwas siya ng tingin. "W-wala."

Nagtataka na ako sa mga kinikilos niya. Parang may tinatago ito sa akin.

Naputol ang pagiisip ko ng biglang bumukas  ng malakas ang pinto. Nandito sila Simon ang ibang gangmates nito. Sabay nun ang pagbalik nina Brithy at Yuri.

Umalis pala si Yuri, saan kaya ito pumuta?

"Leader may traydor sa atin." Biglang sabi ni Simon.

Hindi na ako nagulat sa sinabi ni Simon dahil matagal ko ng alam.

"I know." Nagulat naman sila sa sinabo mo.

"P-Pan---"

Pinutol ko na ang sasabihin ni Irene. Remember the folder that you gave me, hindi ko pa iyon nababasa dahil hindi ako makahanap ng tyempo. Lagi ko iyong dinadalan at sa bag ko yun parati nilalagay. Nalaman ko lang na nawala iyon dahil sa text na nanggagaling sa unregistered number..."

Huminto muna ako para huminga. Halata sa mulha nila ang pagtataka.


"...nagduda na ako doon kaya nung Makita kung wala na iyong folder na naglalaman kung sino talaga ang pumatay sa magulang ko na nawala. Hindi na ako nagulat pa, alam kung mga close ko lang ang pwedeng humalungkat ng bag ko at kumuha nun. Imposibleng ibang tao kasi walang nagtangkang  lumapit sa akin o kahit pakialaman ang bag ko. Posibleng isa sa inyo ang kumuha nun o traydor." Mahaba kung paliwanag.

Natahimik silang lahat, gulat at pagkalito ang rumehistro sa kanilang mukha.

Nagtaka ako ng makita ang Excel. Anong ginagawa nila dito?

"Simon told me about the letter so I decided that we should come and help." Sabi ni Nathan na bumasag sa katahimikan.

Tiningnan ko naman si Simon at nakayuko lamang ito.

"Sorry leader, gusto ko lang naman tumulong at mapabilis ang trabaho mo." Nakayuko parin ito habang nagpapaliwanag.

"It's okay." Sabi ko.

Bigla ko nalang naalala sina tita at Sia.

"Brithy nasaan sina tita at Sia? Hindi pa ba sila nakalabas?" Tanong ko.

"Ahh....nakalabas na daw sila pero lumipat sila ng bahay kasi nakahanap ng magandang trabaho si tita Jen. Hindi nga lang naming natanong kung saan sila lumipat kasi sinabi niya lang yun sa text." Sabi nito.

Parang may mali. Pakiramdam ko hindi totoo ang sinabi ni Brithy. Iniwaksi ko nalang iyon at hinarap ang gangmates ko.

"By the way leader, may hinala ka naba kung sino ang traydor?" Tanong ni Volt.

Napangisi ako sa tanong niya.

Tahimik lang sila, hinihintay ang sagot ko.

"May hinala na ako." This time mas lalong nangunot ang noo nila.

Napansin kung umalis si Irene, Yuri, Ace at Yohann. Mas lalong lumaki ang ngisi ko, Tama nga ang hinala ko.

MEMORIES OF BEING A GANSTER [COMPLETED] (UNDER MAJOR EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon