Chapter 12: Green letter
Yuri's Pov
"Anong ginawa mo kay Crystal?" Tanong ko.
"Tss. Wala akong ginawa sa kaniya, at hindi ko rin siya kinuha." sabi nito.
"Ibig sabihin niloko mo kami?" Gulat na tanong ni Brithy.
"Nagpaloko naman kayo." Walang gana nitong sinabi habang ibinulsa ang kanyang kamay sa loob ng bulsa ng kanyang pantalon.
Nangunot naman ang aking noo. "Hoy Bricks! Ano ba talaga ang kailangan mo?!" Hindi ko na napigilan at napasigaw na ako habang turo-turo siya ng aking hintuturo.
He tilted his head sideways. "Anong kailangan ko? Simple lang. May itatanong lang ako at sasagutin niyo." Nakangisi niyang sabi.
Ipinagkruss ni Brithy ang kanyang braso sa dibdib. "Fine." Sabay naming sabi ni Brithy.
"Good." Nagsimula siyang maglakad papalapit sa isang lamesa. "Let's start," sabi niya at umupo sa mesa na nakaharap sa amin at may kinuhang ballpen at maliit na notebook.
Ano naman ang gagawin niya diyan?
"First question." Tumingin siya sa aming tatlo. " Anong klaseng babae Si Crystal?" Seryoso niyang tanong.
Woah! Interisado siya kay Crystal? Si Bricks interisado sa kaibigan namin? Himala!
Halata ang pagtataka sa mukha ni Yohann at kunot na kunot ang kanyang noo. "Gusto mo ba Si Crystal?" Diretsahang tanong niya. Hindi man lang natakot na baka may gawing masama sa kanya si Bricks sa paraan ng pagtatanong niya.
Nanliit ang kanyang mata. "Just answer me!" Madiin pero nakakatakot na sabi niya, dahilan para maninindig ang balahibo ko sa takot.
"I'll answer that." Tinaas pa ni Brithy ang kanyang kaliwang kamay na parang nag re-recite. "Si Crystal ay yung babaeng tipong mabait, masunurin, medyo tahimik at maintindihin. Hindi rin maipagkakaila na masipag siya, marunong gumawa ng gawaing bahay at lalong matapang pero sweet at masayahin din...dati. At panghuli lahat mapagmahal sa taong importante sa kaniya." Mahabang sabi ni Brithy.
Tumango lang ito. "Okay, next question. Anong mga gusto at hindi niya gusto?" Tanong nitong muli.
"I'll answer that again," Brithy said. Tahimik lang kami ni Yohann dahil hindi pa naman namin lubusang kilala si Crystal para sumagot ng ganong tanong. " Ang mga gusto niya ay spicy foods at ayaw niya sa mga sobrang matatamis na pagkain at isa pa allergic siya sa nga rosas dahil pumupula ang mukha niya," Sagot ni Brithy.
Allergic pala si Crystal sa rosas? Ngayon ko lang nalaman yan. Ebidensya yan na kunti nga lang talaga ang alam ko sa kanya.
May isinulat siya sa kanyang maliit na notebook bago muling humarap sa amin. "Next question. Anong kahinaan niya?" Tanong nito at umayos ng pagkakaupo.
Umiling si Brithy "Can't answer that." Nakayukong sabi ni Brithy.
May kahinaan nga ba talaga si Crystal? Sa aking pagoobserba sa kanya, mukha namang wala siyang kahinaan.
Nangunot ang noo niya. "Kailan na lang ang birthday niya?" Tanong nito muli habang tinatap ang ballpen sa maliit na notebook.
"January 28." Agad kong sagot. At least may naisagot ako, alangan na mang tumunganga lang ako dito.
Sigurado ba itong mokong na ito na wala itong gusto kay Crystal? Eh, ang daming tanong tungkol sa kaniya. Tinalo pa ang stalker sa daming gustong malaman.
"Next question. Sino an---" Naputol ang sasabihin ni Bricks nang biglang magsalita si Yohann.
"Marami pa ba an---"
"Shut up!" Putol nito sa sasabihin rin ni Yohann.
Tsk. Pikon nagtatanong na nga lang magagalit pa. Pasalamat nga siya sinasagot namin ang kanyang mga tanong.
Ibinalik niya na ang tingin kay Brithy na mukhang nagsisimula ng mainip. "So, sino ang mga magulang ni Crystal?" Pagpapatuloy niya sa pagtatanong.
"Can't answer that either," sabi ni Brithy.
Come to think of it. Kahit ako hindi ko rin alam kung sino ang mga magulang ni Crsytal. Ang kilala ko lang ay ang pinsan at tita niya. Ni minsan hindi niya binanggit sa amin ang tungkol sa kanyang pamilya. Kahit si Brithy walang sinasabi tungkol rito.
"Daming sekreto!" Inis na sabi ni Bricks at napakamot pa sa kanyang ulo. "Last question. Anong klaseng lalake ang gusto ni Crystal?" Tanong nito.
Seryoso?! Gusto niya ba talaga si Crystal o hindi? Swear, nalilito na ako kung bakit siya nagtatanong tungkol kay Crystal.
"Gusto niya lahat ng positive words nasa lalake pati narin ugali nito," sagot naman ni Yohann.
Tumayo na ito sa pagkakaupo. "You can leave now." Sabi nito at umalis na.
Wow! Yun na yun? Pagkatapos kaming bahain ng sandamakmak na tanong ay paaalisin na niya kami? Galing!!
Crystal Pov
"Crystal anong plano natin upang makilala kung sino ang pumatay sa mga magulang mo?" Tanong ni Irene isa sa mga member ng gangs na pinamumunuhan ko. Hindi lang kasi isa ang gang na meron ako kundi marami pang iba. Pero ang main is itong grupong ito. Sila lang rin naman sobra kong pinagkakatiwalaan.
"May plano ako pero hindi muna natin gagawin ngayon," sagot ko.
"Anong gang ba ang merong pangalang nagsisimula sa Gri?" Tumingala pa ito na parang nagiisip habang nakalagay ang hintuturo sa ilalim ng labi.
"Marami," sagot ni Simon. " Gritch gang, Grind Gang, Grieve Gang, Grizzle Gang." Isa-isa niyang sambit.
Natigil kaming lahat sa pagiisip nang tumunog ang door bell.
"Sino naman kaya iyon?" Takang tanong ni Simon.
"Ako na," sabi ko kasi ako ang pinaka malapit sa pintuan.
Binuksan ko ang pintuan ngunit walang tao. Nagpalinga-linga pa ako hanggang sa dumako ang tingin ko sa isang green card na nakalagay sa sahig.
Pinulot ko naman ito at isinara na ang pintuan saka bumalik sa aking upuan.
"Sino?" Tanong ni Irene.
"Wala." Umiling ako. "Pero may letter na iniwan." Ipinakita ko sa kanila ang hawak kong letter.
"Kanino galing?" Tanong naman ni Nathan.
"Ewan." Kibit balikat kong sagot.
Binuksan ko ito at may nakitang sulat na kulay green.
"Anong sabi?" Tanong naman ni Simon at lumapit sa tabi ko.
"Soon you'll meet the person who killed your parents.Prepare yourself ,Crsytal". Basa ko sa sulat.
"T-teka, kilala niya kung sino ang pumatay ng mga magulang ko?" Nagtataka kung tanong.
"Siguro. Yan ang sabi, eh!" Sagot ni Simon.
"Yung logo Crystal tingnan mo!" Sigaw bigla ni Irene.
Kinuha ko ulit yung sulat at tiningnan ang logo.
Isang Green na Rose na may kalakihang triangle at sa gitna nito ay may mata. Hindi ko pa ito nakita. Wala pa akong alam na ganitong gang at ganito ang logo.
Pinakita ko sa kanila ang logo at kumunot naman ang mga noo nila. Siguro hindi rin nila alam.
"Kilala niyo ba kung sinong gang ito?" Kunot noong tanong ni Simon.
"Hindi." Sabay naming sagot.
"Mabuti pa tanungin nalang natin ang Thrift Gang." Sabi ni Nathan habang tinitingnan parin ang logo.
"Sige, pero wag muna ngayon dahil gabi na," sabi ko.
"Sana masagot na tayo ng Thrift Gang para maumpisahan na natin ang plano." Irene.
BINABASA MO ANG
MEMORIES OF BEING A GANSTER [COMPLETED] (UNDER MAJOR EDITING)
Action[TAGLISH] Simpleng babae pero madaming sekreto sa buhay, maraming sekreto sa nakaraan. Dahil bumalik na ang kanyang ala-ala ibinalik niya ang dating grupo niya at gumanti sa pumatay ng napaka mamahal niyang pinsan at tita. She will take her REVENG...