Chapter 11: Flashback
Crystal's Pov
"Talaga bang hindi mo ito inaasahan na mangyari?" Natatawang tanong ko. Yumuko ako. "Ikekwento ko kung paano nangyari ang lahat ng ito," sabi ko at umupo sa sahig na naka indian sit na parang magkekwento sa isang bata.
Flashback
"Invitation card yan para sa party mamayang gabi at soon mo makikita ang tita at pinsan mo pero kailangan mong magsuot ng dress," sabi nito.
"Pupunta ka?" Tanong ni Nathan.
"N-narinig mo ba lahat?" Kinakabahan kung tanong.
"Hindi naman lahat, so pupunta kaba?" Tanong nito muli.
"Oo, yun lang ang paraan para makuha ko sila tita," Sagot ko.
"Tutulungan kita," Sabi niya.
"Sige," Sabi ko at sinabi sa kaniya ang plano.
"Okay," Sagot nito habang nakangiti.
Bago ako lumabas ng bahay ay tinawagan ko muna si Simon na dalhin na ang motorbike ko. Nakarating na ako sa party pero bago ako pumasok isinuot ko muna ang bullet proof ko na t-shirt kasi nakasando lang ako nun at jacket at kumuha ng pouch na may lamang peke na dugo.
*****
"Tita kunin niyo po itong susi at pagbinaril na ako ni Brian papanggap kayo na Parang maiiyak kasi nabaril ako at pupunta si Simon dito, siya na ang bahala." Madali kung sabi at binigay ang susi kay tita dahil tapos na ang 5 minutes.*****
Bang!
"Crystal!" Naiiyak na sigaw ni tita.
"Nathan ako na ang bahala kina Sia,Crystal at sa tita niya habulin mo na yung lalakeng yun!" Narinig kung sigaw ni Simon kay Nathan.
Tumakbo papalapit si Simon sa akin at tinulungan akong patayuin.
"Nasabihan mo na ba ang mga nurse?" Tanong ko ka Simon.
"Oo, sige na paparating na sila," sabi nito at nagpanggap na nalulungkot.
Ginawa namin yun kasi may CCTV sa labas ng room ni Brian sa hall lang ang walang CCTV. Hinalikan ni Nathan ang noo ko sinabihan akong pupunta na siya ng CCTV room para patayin lahat ng CCTV para makapunta na ako ng rooftop na hindi nalalaman ni Brian kasi yung cellphone niya nakaconnect sa CCTV.
Bumangon na ako sa stretcher at humingi ng extra T-shirt sa mga nurse at binigyan nila ako. Nagtext na sa akin si Simon na naka off na lahat ng cctv. Tinext ko narin si Nathan na papunta na akong rooftop.
Dahan dahan akong pumasok sa storage room ng rooftop. Nang makita na ako ni Nathan at sinabi na patibong lahat ng ito ay binaril ko si Brian.
"And that's how the story ends! Maganda ba ang story ko, nagustuhan mo ba?" Tanong ko na nakangiti.
"D-demonyo ka C-crystal!" Utal nitong sigaw.
"Hindi ako demonyo Brian. Naghihigante lang ako sa taong pumatay sa mga magulang ko!" Galit kong sabi.
"P-pero hindi ako ang punatay sa mga magulang mo," sabi nito.
Alan kung ilang segundo na lang ay mawawalan na ito ng hininga at mamatay.
"Sino ang pumatay sa kanila?!" Galit nitong tanong. Kailangan kong malaman.
"A-Ang G-gri---"
"Damn!" Padabog akong tumayo at napahilamos sa mukha sa inis.
Nawalan na ito ng buhay kaya hindi ko na malalaman kung sino ang totoong pumatay sa magulang ko. Ayun na sana, eh! Malalaman ko na sana, maipaghihigante ko na sana sila! Bakit pa kasi namatay agad.
"Walang kwenta!" Napasigaw na ako sa inis. Padabog akong naglakad papuntang pintuan ng rooftop at sakto namang dumating si Simon.
"Anong nangyari dun?" Rinig kong tanong nito kay Nathan.
"Malapit niya na sana malaman kung sino ang pumatay sa mga magulang niya ng tuluyan ng mamatay si Brian." Kwento nito sa nangyari kanina.
"Teka, okay ka lang ba?" Nagaalalang tanong ni Simon kay Nathan.
"Gusto mo ata ako eh, dahil nagaalala ka sa akin." Pagbibiro ni Nathan.
"Gago, may gana ka pa talagang magbiro kahit may mga sugat ka na." Natatawa nitong sabi.
"I'm leaving." Malamig kong sabi at hindi na hinintay na makapagsalita sila.
Brithy's POV
"Brithy sigurado k aba na nasa kanila si Crystal?" Tanong muli ni Yuri.
Sa totoo lang parang naliligaw na kami. May tumawag kasi sa akin na nandoon daw sa kanila si Crystal at kung hindi daw kami pupunta hindi na nila ibabalik si Crystal sa amin.
"Guys nandito na tayo!" Sigaw ko sa kanila.
"Sigurado ka bang ito ang address?" Tanong naman ni Yohann.
Pinapasok na kami ng gwardiya pati narin ng maid sa loob ng mansyon.
"Umupo muna kayo paparating na po si master," sabi nito at umalis na.
"Guys I have a feeling na tayo ang kikidnapin." Hindi mapakaling sabi ni Yohann.
Bumukas ang pintuan at pumasok ang apat na lalakeng nakamask na kulay itim.
"S-Sino kayo?" Takot na tanong ni Yuri.
Biglang kinuha ng apat na lalake ang mga mask nila dahilan para magulat kami.
"Excels!" Sabay naming sigaw.
BINABASA MO ANG
MEMORIES OF BEING A GANSTER [COMPLETED] (UNDER MAJOR EDITING)
Aksi[TAGLISH] Simpleng babae pero madaming sekreto sa buhay, maraming sekreto sa nakaraan. Dahil bumalik na ang kanyang ala-ala ibinalik niya ang dating grupo niya at gumanti sa pumatay ng napaka mamahal niyang pinsan at tita. She will take her REVENG...