Chapter 10: Surprise?
Bang!
Iyon ang huli kung narinig bago nandilim ang lahat ng paningin ko.
Nathan's POV
"Nathan, ako na ang bahala kina Crystal, Sia at sa tita niya. Habulin mo na lang ang lalakeng iyon!" Sigaw ni Simon.
Tumakbo na ako para habulin ang lalakeng bumaril kay Crystal. Napatigil ako sa pagtakbo nang malaman kong nasa rooftop pala kami. Dinala ako ng boss ng Spryte Gang sa rooftop.
"Brian lumabas ka na. Napapaligiran ka na namin, sumuko ka na kung gusto mo pang mabuhay!" Sigaw ko habang hinahanap si Brian.
Napatingin ako sa direksyon ng tunog na narinig ko sa storage room sa rooftop. Hindi ko medyo makita kasi madilim na at natatakpan pa ang buwan.
"Brian alam kung nandito ka lang. Hindi mo ako kayang taguan kaya lumabas ka na!" Sigaw ko ulit habang naglalakad papalapit sa storage room.
Naging alerto ako nang makarinig ng kasa ng baril, alam kung sinadya niya na dalhin ako dito dahil alam kung mag pinaplano siya.
Simon's POV
Pinulsuhan ko si Crystal, napakuyom ang kamay ko sa nalaman.
Alam ko na ang plano ni Brian dati pa, gusto niyang maging reyna si Crystal dahil isang malakas na gangster si Crystal, pero hindi ko inaasahan na gagawin niya iyon ngayon.
Dumating na ang ambulansiya pati narin ang mga pulis, isinakay nila ang tita at pinsan ni Crystal sa stretcher ganun narin si Crystal.
"Sir sasama po ba kayo?" Tanong ng isang nurse sa akin.
"Hindi, unahin niyo na sila dahil kailangan nila agad magamot," Sabi ko at hinalikan ang noo ni Crystal.
Maraming dugo ang nawala sa kaniya at natamaan pa ito malapit sa puso niya.
"Humanda ka Brian pagbabayaran mo ang lahat ng mga ginawa mo lalo na kay Crystal." Bulong ko sa sarili ko.
Nagmamadali akong pumunta sa CCTV room dahil may kailangan pa akong ayusin,kailangan ko itong magawa ng mabilis.
Tiningnan ko ang cellphone ko ng tumunog ito. Napangiti naman ako sa nakita ko. Humanda ka Brian malapit na ang katapusan mo. Manalangin ka na lang na sana tutulungan ka ng mga demonyong katulad mo.
May tinext ako at ibinalik agad ang cellphone sa bulsa ko at pinagpatuloy ang ginagawa ko.
Third Person's Pov
Habang nanunuod ng movie sina Brtihy, Yuri at Yohann ay biglang tumunog ang telepono. Si Brithy na ang sumagot ng telepono dahil mukhang walang balak ang dalawa na tumayo at sagutin ang tawag.
Akala naman ng dalaga na si Crystal na ito dahil kanina pa nila hinahanap si Crystal ngunit Hindi nila mahanap. Sinubukan na nilang tawagan ngunit naka off ang cellphone nito.
"Hello?" sagot ng dalaga.
Parang napako ang dalaga sa narinig niya.
"A-ano? T-totoo po ba a-ang sinasabi niyo?" Hindi makapaniwalang tanong ng dalaga.
Tumakbo ito sa mga kaibigan niya at sinabi sa kanila kung ano ang pinagusapan nila ng tao sa telepono.
"Guys si Crystal!" Bigla nitong sigaw dahilan para tumakbo sila ng mabilis at lumabas ng bahay kahit alas-diyes na ng gabi.
Parang walang pakialam ang mga magkakaibigan kahit malapit na silang mabunggo ng mga sasakyan, ang gusto nila ay makapunta sila kay Crystal. Gusto nilang malaman kung totoo ba ang sinabi ng tao kay Brithy o baka pina-prank lang sila nito.
Nathan's POV
Kanina pa ako paikotikot dito sa storage room ngunit wala parin akong nakikitang Brian.
Kinuha ko ang cellphone ko ng tumunog ito. Napangisi ako nang mabasa ito ngunit nawala agad iyong ngiti nang maramdaman kung may tao sa likuran ko.
Pagtingin ko sa likuran ko biglang pumutok ang baril na hawak-hawak ni Brian. Natamaan niya ako sa paa. Babarilin ko na sana siya ng paputukan niya ako sa balikat ko kaya napaupo ako sa sakit at nabitawan ko ang baril na hawak-hawak ko.
"Akala ko ba malakas ang mga miyembro ng Excel, bakit napatumba agad kita?" Natatawang sabi ni Brian.
"Napatumba mo lang ako Brian hindi napatay." Nakangisi kong sabi.
"Alam ko Nathan, kaya nga gusto na kitang patayin. Pero gusto ko munang pahirapan ka bago mamamatay at gusto kung magmamakaawa ka sa akin." Natatawa nitong sabi na parang nababaliw na.
Ngumisi lang ako sa kanya.
"Anong nginingiti mo diyan? Diba dapat nagmamakawa kana sa akin!" Naiinis niyang sabi.
"Hindi Brian, nagkakamali ka," sabi ko na nakangisi parin.
"Anong ibig mong sabihin?" Inis nitong tanong. Halatang nauubos na ang kanyang pasensya.
"Ngayong gabi hindi ako ang mamamatay. Hindi ako ang mahihirapan at hindi ako ang magmamakaawa kundi, ikaw," sabi ko at mas lalong lumapad ang ngisi nang saglit na dumaan ang takot sa kanyang mata, pero napalitan agad ito ng inis.
"Anong pinagsasabi mo?" Tanong nito muli.
"Lahat ng ito ay patibong Brian," Sabi ko.
"Ano---"
Bang!
Napahiga si Brian sa sahig habang hinahabol ang hininga nito.
"Kamusta kana Brian?" Tanong ng isang tao.
"C-Crystal?!" Gulat nitong sigaw.
"Surprise! Nagulat ka ba sa surprise namin?" Tanong nito na nakangiti.
"A-Akala ko p-patay ka na?" Nalilito nitong tanong. Halata ang gulat sa kanyang mata na makitang nasa harapan niya si Crystal. "P-Paano?" Tanong nito muli.
BINABASA MO ANG
MEMORIES OF BEING A GANSTER [COMPLETED] (UNDER MAJOR EDITING)
Action[TAGLISH] Simpleng babae pero madaming sekreto sa buhay, maraming sekreto sa nakaraan. Dahil bumalik na ang kanyang ala-ala ibinalik niya ang dating grupo niya at gumanti sa pumatay ng napaka mamahal niyang pinsan at tita. She will take her REVENG...