MEMORIES OF BEING A GANGSTER

23 7 2
                                    


Chapter 20: Argument

"Aahhhh!!" Sa pagsigaw ko ay ang pagbuhos ng malakas na ulan.


Mayayaman nga naman, lahat ng tingin nila sa mga mahihirap ay gold digger. kung hindi ko pa narinig ang pinaguusapan nila siguro marami pang sinasabi na masamang salita ang daddy ni Bricks.


Kaya isa ito sa mga dahilan kung bakit ayaw ko sa mga mayayaman eh, mata pubre. sana matapos na itong pagpapanggap namin.


tumayo na ako at tinawagan si Irene para sunduin ako. Sa bahay nalang muna ng gangmates ko, ako magpapalipas ng gabi, ayoko ko pang umuwisa Excels baka nandun si Bricks.


sampung minuto bago dumating si Irene na naka raincoat.


"Oh, anong nangyari?" Tanong nito.


Sumakay na ako sa motosiklo niya. "Wala."


Umalis na kami sa lugar na iyon at mabilis na narating ang bahay ng gang.


"Uy leader, naparito ka ata. May problema ba, at bakit basa ka?" Tanong ni Jairon, isa sa mga member ng gang ko.


Seriously, tanga ba itong si Jairon? Malamang umulan kaya basa ako. Malakas naman sana kaso may pagka bobo rin--- pero kumpleto ata sila.


"Walang problema. Dito muna ako magpapalipas ng gabi. Anong meron at kumpleto kayo?" Tanong ko sabay kuha ng towel na binigay sa akin ni Irene.


Tumango ako sa kaniya bilang pasasalamat at ngumiti naman siya saka umupo sa sofa kasama ang gangmates ko.


"Tahimik kasi sa mansyon kaya dito muna kami tatambay at tamang tama dahil nandito ka narin, samahan mo kaming uminom leader." Yaya sa akin ni Volt.


"Mansyon?" Nagtataka kung tanong.


"Hindi pa pala lubos na bumalik ang mga alaala mo leader. sana maaga pa ay bumalik na ito." Sabi ni Jessy sabay inom ng alak.


Umiling lang ako. Nakita ko naman ang pagalala sa kanilang mukha, kahit hindi pa bumalik lahat ng alaalako ay may alam naman akong kunti.


"Leader, himala at nandito ka!" Sigaw si Smon na mukhang galing sa kusina kasi may dala itong limang bote ng vodka.


"Magpapalipas lang ng gabi." Tanging sagot ko.


"Halika leader samahan mo kaming uminom." Yaya naman ni Simon.


"Alam niyong hindi ako umiinom. Nakalimutan niyo na ba?". Paalaala ko sa kanila.


"Oo nga pala." Natatawang sabi ni Simon.


DING DONG!


Pumunta ako sa pintuan at binuksan ito.

MEMORIES OF BEING A GANSTER [COMPLETED] (UNDER MAJOR EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon