Enjoy reading :)Chapter 3: Her past
Crystal's POV
Natapos rin ang nakakapagod naming klase nga pala nandito na kami sa bahay.
"Diba sabi ni Principal Jessete kaninang 6:00 pm wala tayung History at T.L.E, so makaka pag beauty sleep pa tayo," sabi ni Yuri na sobrang excited.
"Dapat lang, nakakapagod kaya kanina lalo na nung theatre at martial arts at P.E phew!" Pagsangayon ni Brithy sabay higa sa sofa.
Nabaling ang atensyon namin ni Brithy kay Yuri nang tumunog ang cellphone niya. Kinuha niya ito at inilapit sa tainga.
"Yes sir ok were coming," sabi ni Yuri at ibinaba na ang cellphone nya.
"Guys may laban." Seryoso niyang sabi.
*****
"Attention everyone! We have a gang fight tonight, so you need to train and practice while we have some time," sabi ni coach at pumunta na kami sa training hall.
"Everyone pick your enemy. Imagine your enemy is your classmate but be sure that your partner will be boys VS girls," sabi nito muli.
"Crystal pwede ba tayong partners?" Tanong saakin ni Aldren. Yess si Aldren na isa sa mga Excels hinahamon ako.
"Sure pwede naman." Sagot ko sakanya. Wala naman sigurong problema kung isa sa mga Excels ang makakapares ko para sa pageensayo namin.
"Ok everyone, I guess all of you have partners. Now, we will give you all 5 minutes to train yourself."Huling sinabi ni coach bago umalis.
Sa loob ng limang minuto ay nag unat unat lamang ako, at nang matapos ay bumalik sa training hall. Nandun narin ang lahat pati narin si coach na nakatayo sa harap naming lahat habang naka kruss ang braso at seryosong nakatingin sa aming lahat.
"Tapos na ang training. Let's start. Who will come first?" Tanong ni coach sa amin.
"Kami." Sabay sabi ni Suzy at Bricks.
"Ok, step inside the ring and in 3,2,1 fight!" Sigaw nito sabay hinipan ang pito at lumikha ng tunog.
Habang naglalaban si Bricks at Suzy mapapansin mong parang pareho lang sila ng lakas at bilis, kaso natapilok si Suzy ng umatras siya kaya nagbigay ito ng daan para matalo siya ni Bricks .
"Stop. Tapos na ang 5 minutes. The results, Bricks the winner while Suzy keep it up. Next?" Tanong ulit ni coach.
"Kami." Sabi ni Aldren na nasa tabi ko lang.
"Ok in 3,2,1 fight!"
Nagsimula ang laban na puro lang atake si Aldren samantalang ako naman ay umiiwas lang. Nang akmang susuntukin niya ako ay kinuha ko ang kamay niya saka siya hinila ng buong lakas palapit sa akin at agad na sinuntok. Natamaan siya sa pisngi, hinawakan niya ito at ako naman ay hindi nagsayang ng oras at sinipa siya dahilan para tumilapon siya at matumba.
"Stop! This match is unbelievable! I can't believe you defeated one of the Excel Member. Congratulations Crystal, you are the winner!" Sigaw ni coach at nag hiyawan naman ang mga kaklase ko.
"Ok ka lang bro?" Rinig kong tanong ni Bricks kay Aldren.
"Oo, ok lang ako, pero kakaiba syang kumilos. Parang bihasa na siya sa pakikipaglaban at parang isang miyembro ng gang kung kumilos." Sabi ni Aldren na parang napapangiwi na sa sobrang sakit ng kanyang pisngi.
*****
(Yuri's POV)
Nandito na kami sa labas nagbabantay.
BINABASA MO ANG
MEMORIES OF BEING A GANSTER [COMPLETED] (UNDER MAJOR EDITING)
Action[TAGLISH] Simpleng babae pero madaming sekreto sa buhay, maraming sekreto sa nakaraan. Dahil bumalik na ang kanyang ala-ala ibinalik niya ang dating grupo niya at gumanti sa pumatay ng napaka mamahal niyang pinsan at tita. She will take her REVENG...