MEMORIES OF BEING A GANGSTER

27 5 0
                                    


Chapter 24: Gun

Pagkatapos akong tawagan ng lalakeng iyon ay agad kung inutusan sina Simon at Irene na itrace ang number na ginamit ng lalakeng tumawag. Sina Jairon, Volt at Jessy ay inutusan kung maghanap ng impormasyon tungkol sa mga dating gangs kung saan active pa ang White Hunters. Sina Brithy, Yuri at ang Excels ay naghiwa-hiwalay upang magtanong kung may nakakita ba kay tita at Sia, samantalang ako naman ay kinalkal lahat ng gamit ni tita, baka sakaling may mahanap akong impormasyon na nakakonekta tungkol sa rank 1 na gang.

Limang minuto na ang nakalipas ngunit wala parin akong nahanap na impormasyon, lahat ng nakikita ko ay medical records lang ni Sia at hospital bills.

Hindi kaya.....

Agad kung tinawagan si Brithy. Sa pang apat na ring ay sinagot niya na ito.

"Oh Crystal, may nahanap ka na bang impormasyon?" Tanong nito saka sunod-sunod na huminga.

Mukhang kagagaling lang nitong tumakbo dahil hingal na hingal pa ito.

"Wala." Sagot ko.

"Bakit k---"

Hindi ako nagpaligoy-ligoy pa at tinanong siya. "Brithy nakauwi ba sina tita dito sa bahay?" Diretso kung tanong.

"Huh, diba 4 days pa bago sila pwedeng lumabas, bakit an---"

Hindi ko na siya pinatapos pa at pinutol na ang tawag saka lumabas ng bahay at pumunta sa garahe at pinaandar ang aking motorbike.

15 minutes bago ako nakarating sa hospital kung saan nakaconfine sina tita at Sia. Napahinto agad ako sa paglalakad nang may maalala.

Nakalimutan kung itanong kay Brithy kung sinong doctor ang nakaassign kina tita at Sia. Tatanong ko nalang.

"Miss pwede bang malaman kung sinong doctor ang nakaassign kina Jen at Sia?" Tanong ko sa receptionist.

"Apelyido po."

"Jen Siline De Amor at Sia Siline De Amor." Sagot ko.

"Teka lang po." Sabi nito saka kinuha ang clipboard at nagsimula ng maghanap.

Habang naghihintay ay inilibot ko muna ang aking paningin sa paligid, nang may mahagip ang mata ko. Isang lalakeng nakasandal sa entrance ng hospital at may katawag, nangunot ang noo ko ng makita ang tattoo nito sa kamay---katulad ito sa logo sa letter na natanggap namin last month. (Chapter 12 )

Hindi kaya isa siya sa mga tauhan ng gang na iyon. Lalapitan ko na sana siya ng magsalita ang receptionist.

"Si doctor Argo po." 

Agad akong nagpasalamat at hinanap na si doctor Argo pagkatapos kung tanungin kung saan ang office nito.

Nang nasa harap na ako ng office ay agad akong kumatok.

"Come in." 

Pumasok ako at binati siya.

"Yes, how can I help you?" Tanong nito na hindi man lang tumingin sa akin.

"Can I ask some questions?" I asked.

Tumango lang siya kaya inumpisahan ko ng magtanong.

"Yung pasyente niyo pong sina Jen at Sia may napansin po ba kayong kakaiba na bumibisita sa kanila?" Tanong ko.

"Bisita wala pero palaging may nagbibigay ng green na rosas sa kanila." Sabi nito at ngayon ay nakatitig na ito sa akin.

"Anything else?" Tanong ko muli.

Nangunot ang kanyang noo na parang may inaalala.

"I think I knew that those patients will be release after 4 days but last saturday,when I came to check them they were gone but there's a letter left--- wait I think I still have the letter." Binuksan niya ang drawer at kinalkal ang loob nito, nang makita ang letter ay iniabot niya ito sa akin.

MEMORIES OF BEING A GANSTER [COMPLETED] (UNDER MAJOR EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon