MEMORIES OF BEING A GANGSTER

46 12 1
                                    


Chapter 7: Secret


Ace's Pov

"Bricks nandito ka na pala." Nagkunwari akong gulat at lumapit na sa kanila.

"Hoy Ace, saang lupalop ba ang pinuntahan mo at hindi mo nakita Si Bricks?" Sigaw ni Mike.

"Sa backdorm, bakit saan ba siya pumunta?" Tanong ko na para bang walang ideya. I van't believe I'm saying lies in front of them.

"Sa garden may kausap. By the way, sino kausap mo Bricks?" Tanong ni Aldren.

"Si Sheena, nakita ko nga dun Si noona ta---" Lagot. Napatigil agad ako dahil nadulas ang napaka sama kung dila. 

"Ano? Nandun Si noona, so ibig sabihin narinig niya ang pinagusapan nila Bricks?" Gulat na tanong ni Mike.

Lagot talaga ako nito.

Sunod sunod akong umiling habang winawagayway ang kamay sa ere. "No, wala siya dun. Joke lang yun ha-ha-ha sabi ko nasa backdorm ko nakita Si noona." Great! Mahuhuli na talaga nila ako nito.

"Ace kilala kita, alam kung hindi ka nagsisinungaling. So ano yung totoo, nandun ba Si noona?" Tanong ni Aldren.

Wala na! Buking na ako! Malalagot talaga ako kay noona. Sinabi ko pa naman na hindi ko isasabi ngunit heto ako at nadulas ang napaka makasalanang dila.

"Sorry guys. Oo, nandun siya. Pero, 'di niya naman sinasadya na marinig yung usapan nila Bricks." Pagtatangol ko. Kung 'di ko kayang pagtakpan si Noona ipagtatanggol ko na lang. 

"So totoo nga, narinig niya?" Biglang tanong ni Bricks. Kahit kalma lang ang ekspresyon ng kanyang mukha alam kong sa kaloob-looban niya ay hindi.

"Oo narinig niya, pero, Bricks wag mo sanang  pagalitan o pahirapan Si noona. Aksidente lang niya na marinig ang pinagu---"

"Whatever, forget about it. Siguro naman hindi niya yun ipagkalat." Pagputol ni Bricks sa sasabihin ni Ace.

Tumunog na ang bell at tatayo na sana kami nang tumunog ang speaker. "Attention to everyone all 1st year college has no classes until tomorrow." 


Crystal's Pov

"Yes walang pasok!!" Sabay na napasigaw si Brithy at Yuri.

"Guys, punta muna ako ng banyo. Huhugas lang ako ng kamay, hintayin niyo na lang ako sa school gate," Sabi ko sabay alis.

"Bilisan mo Crystal ha!" Rinig kong pahabol na sigaw ni Brithy kaya nag thumbs up ako.

"Oo, sige na una na kayo!" Sabi ko at tuluyan ng umalis.

Habang naglalakad ako sa hallway papuntang banyo may naramdaman akong presensiya, May sumusunod na naman sa akin, pero kakaiba ang presensiya niya. Malalaman ko rin na lalake ang sumusunod sa akin.

Papasok na sana ako ng cr ng girls nang may humila sa akin at tinakpan ang bibig ko gamit ang panyo. Tiningnan ko kung sino ang humila sa akin ngunit nakamask siya. Dinala niya ako sa isang lugar na hindi ko alam kung saan ito dahil baguhan pa lang nga ako dito. Pumasok kami sa elevator at pinindot niya ang number five. Saan kaya ako dadalhin ng rapist na 'to? Baka mamaya marape pa ako at wala rin ang cellphone ko, nasa bag ko at ang bag ko naman ipinadala ko na kina Brithy at Yuri.

Pagbukas nang pinto nakita ko kung saan kami. Dinala ako ng rapist sa rooftop? Eh?Ano ang gagawin namin sa rooftop, don't tell me magpapakamatay kaming dalawa o pagsasamantalahan ako ng rapist na'to.

Nakaramdam na ako nang kaba kaya ginawa ko ang makakaya ko para maka alis sa mahihigpit nitong paghawak sa akin ngunit wala, ang lakas ng rapist na'to.

" Ano ba, bitawan mo nga ako! Kung gusto mong magpakamatay wag mo akong isali dahil hindi pa ako handa!" Sigaw ko sa rapist ngunit nanatiling tahimik lamang ito.

"Ano ba!" Sigaw ko sabay apak sa kanyang paa dahilan para lumuwag ang pagkakahawak niya sa akin kaya nakawala ako.

Napamura ito at nanlilisik ang matang nakatingin sa akin. Mabilis siyang nakalapit sa akin sabay hila sa akin at kumuha ng bagong panyo at ipinaamoy sa akin at biglang dumilim ang paningin ko.

"Help me." Yun ang huli kong nasabi bago ako nawalan ng malay.

********

A/N: I'm back sorry sa matagal na UD. 

Sino sa tingin niyo ang kumuha kay Crystal? Maililigtas ba siya?

MEMORIES OF BEING A GANSTER [COMPLETED] (UNDER MAJOR EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon