Ticket
Lili's pov
...
*RINGGGGGGGGGGGGGGG!!!*
Pucha, ang aga naman mangbulabog nito.
Tumayo ako mula sa kama at tinignan kung sino yung nag do-doorbell ng 6am.
Pag bukas ko ng pinto, tumambulad sa harapan ko tong bespren ko, si dimunyitang Margaux (Mar-goh). Nasa likod niya ang isa pang dimonyong maliit, si Reiki (Rey-ki).
Tumaas ang kilay ko at nilagay ang dalawang kamay ko sa bewang ko.
"Anong ginagawa ng mga dimonyong kaibigan ko dito ha? Ang aga niyo namang mandalaw. Hindi pako handa pumunta sa impyerno, mauna na kayo." Inis kong sabi.
"Bakit? Nasira ba namin beautysleep mo? Buti pa kaming mga lalaki, di na kailangan niyan, lalo na ako, kelangan ko ay pogi sleep." Nakangiting sabi ni Reiki na naka pogi pose pa amp.
Agad naman siyang binatukan ni Margaux at sinabing
"Oo pogi nga, maliit naman!"
Natawa ako sa sinabi niya, napatigin naman ako kay Reiki na namumula na ang tenga.
"Mas bata kasi ako sa inyo! Ang tatanda niyo na kasi!"
At nag maktol na ang bata.
Pinapasok ko muna sila sa loob ng bahay at pinaupo sa upuan.
"O, bakit nga pala ang aga niyo pumunta dito ha?" Sabi ko.
"Hindi mo talaga alam?" Sagot ni Reiki. "Mamaya na ung concert ni Shawn Mendes! Last month pa kami nakabili ng ticket, ikaw? Wag mong sabihin na nakalimutan mo?" Dagdag niya.
Napalunok nlng ako ng laway.
"AHHHHHHH PUTA NAKALIMUTAN KO NGAAAAA HUHU" Sigaw ko
Paano ko makakalimutan un? Huhuhu. Si Shawn? Shawn Mendes makakalimutan ko? Eh gabi gabi nga lagi syang nasa panaginip ko tas etong concert niya pa nakalimutan ko???? Anak ng ano naman oh!!
Tinignan ako ng dalawa kong kaibigan at humahagalpak sila sa tawa. Tinignan ko nlng sila ng masama. Malapit ng tumulo ang luha ko. Ito lang ang tanging pagkakataon ko para makita si Shawn, kelangan ko to dahil next month pasukan na namin..huhuhu.
"Oh, sayo nalang tong ticket ko." Inabot sakin ni Reiki ung kanya.
Tinignan ko lang yun.
"Ayaw mo?"
Agad kong hinablot ung ticket sa kanya at niyakap sya. Huhu life saver.
"SALAMATTTTT"
Ngumiti ako sa kanya ng malapad na malapad. Buti nlng talaga mabait to.
"Ayoko ko na pumunta dun, baka kasi masapawan ko si Shawn sa kagwapuhan eh. Pagbibigyan ko na sya ngayon."
Haysss -_-
Oo nalang. At least may ticket nako. Yeheeeyy
Pagtapos nun, umalis na sila at naging payapa na ang buhay ko.
Ako si Lili Reyes, magisa lang ako sa bahay namin, si mama nasa New York, nagtatrabaho, iniwan na kami ng tatay ko, per okay lang, me and mother is strong independent women. HAHAHA. Okay lang na magisa ako, lagi naman ako binibisita nila Margaux at Reiki.
Sila Margaux Delos Santos at Reiki Daisuke ang aking best friends. Kahit medyo laging nag aaway, mabait sila sakin hehe.
Back to the concert,
OMG mamaya ko na makikita si Shawn!!! AHHH
Kailangan makalapit ako sa kanya, kailangan hindi kukurap mata ko buong concert..YIEEEEE kinikilig ako..kelangan ko mag paganda now na!
Kumain ako ng breakfast, tapos nilabas ko si Skitchy ang aking aso, hindi naman siya kagandahan, kasi napulot ko lang sya dati, naawa ako kaya inangkin ko nalang hehe. Pero hello? Ang mahalaga may tagabantay ako tuwing gabi noh.
Di ko namamalayan na tumataas na ung araw kaya bumalik na kami ng aso ko. Iniimagine ko na ang mga pwedeng mangyari mamaya hihihi. VIP kami eh, VIP!!!
Pumunta ako sa kwarto ko at hinanap ung ticket ko, para titigan. Pero mga 10 mins na ata ako nag hahanp, nawawala.. omg.
Magpapakamatay ako pag nawala talaga un.
Lumabas ako sa may garahe para tignan kung andon pero wala. Hinanap ko si skitchy kasi parang sya nawawala nadin.
Pumunta ako ng kusina at ang mga nakita ko ang papatay sakin.
Nakita kong kagat kagat ni skitchy ang mahiwagang ticket ko.
Tinaboy ko agad ung aso at tinignan ang lasog-lasog kong ticket. Tangina.
Tumulo nalang ang luha ko. Nakita ko si skitchy na parang tuwang tuwa pa sa ginawa niya. Dimonyo din pala tong aso ko.
Pumasok ako sa kwarto kong bigo. Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa, ng tubig at daga.
Kinuha ko ang phone ko at tinwagan si Margaux.
"Hello?" Mangiyak-ngiyak kong sabi.
"Oh? Anyare?"
"Nginatngat ni Skitchy ung ticket kooo!!"
"What?! Tapon mo na nga aso mo!"
"EHHH.. HUHUHU"
"Sige na nga, iyo nalang tong ticket ko. Alam ko nmng patay na patay ka doon eh."
Nabuhay ung dugo, kalamnan, buto pati mga uod ko sa tiyan ng marinig ko yun.
"TALAGA? SIGE PUNTAHAN MOKO DITO IBIGAY MO UNG TICKET SAKIN NOW NA HA! BABYE!"
tas binaba ko na agad.
Di nmn nagtagal at dumating sya at inabot sakin ung ticket tas umalis narin.
Buti nlng dalawa bestfriend ko. Haha!
BINABASA MO ANG
Simula Pa Nung Una (On Going)
Fiksi RemajaMinsan, kung ano pa yung bagay na gusto mo, yun pa yung hindi mo makuha. Pero yung mga bagay na hindi mo hinihiling, yun pa ang meron ka.