Chapter 20

57 6 3
                                    

Babe

Lili's Pov

Pumasok ako sa loob ng clinic para silipin kung ayos naba si Shawn.

"Nurse, ayos na po ba si Shawn?" Tanong ko.

"Hindi pa, mataas parin yung lagnat niya. Magpapahinga muna sya dito. Balikan mo nalang siya mamayang uwiwan. Magiging maayos din ang boyfriend mo." Sagot niya.

Boyfriend.

"Ah, di ko po siya boyfriend, magkaibigan lang po kami." Sagot ko naman.

"Sus, dyan nagsisimula yan." Sagot ni ate.

Umalis naman ako ng nakangiti.

Ano bayan. Bat di ko maalis tong ngiting to?


Bumalik na ako sa classroom. At nagsimula na ulit yung boring na oras.

Bakit ba ang bagal ng oras tuwing may nagtuturo? Beyen.

Hinintay ko talaga na matapos ung klase at



Chenen! Time na!

Inayos ko agad ung gamit ko, nagmamadali pako.

Kinuha ko yung bag ko at agad tumakbo papunta sa pinto.

"Lili! Di kaba sasabay?" Sabi ni Cloud at napahinto ako.

"Ahh, bukas nalang tayo sabay, babye!" Sabi ko sabay takbo papuntang clinic.

Sorry Cloud.

Tumakbo ako papuntang clinic, nang makarating nako, dahan-dahan kong binuksan ko.

"Shawn!" Sabi ko habang hinahanap siya. Nakita ko naman siya na nakaupo dun sa isa sa mga sofa.

Lumapit ako sa kanya.

"Ayos kana ba? Ang taas ng lagnat mo kanina eh." Tanong ko.

Nakayuko lang siya.

Hahawakan ko na sana ung noo niya ng bigla niyang hawakan yung kamay ko

*DUG DUG. DUG DUG.*

Wait shemay.

"Wag kana mag alala sakin. Kahit anong gawin mo. Sorry, hindi kita magugustuhan kaya iwan mo na ako dito."

...

"Halika ka na, aalalayan na kita sa labas." Sabi ko sabay ngiti.

"Lili, iwan mo na ako."

...

"Tara, lilibre kita sa Mcdo! Ano gusto mo burger? Fries? Tara."

"Lili. Wag mo na gawin to."

"Tara! Ano gusto mo gawi-"

"LILI! PWEDE BA! IWANAN MO NA AKO! KAHIT ANONG GAWIN MO HINDI KITA MAGUGUSTUHAN! KINAKAWAWA MO LANG YANG SARILI MO!"




Hindi ko na napigilang umiyak. Napaluhod ako,  Sabay pagbagsak ng luha ko

"Shawn, bakit mo ba ako ginaganito? Ayaw ko namng gustuhin ka pero wala naman akong magawa eh. Ikaw na eh." Sabi ko habang pumapatak ung luha ko.

"Sana naman, hayaan mo lng akong gustuhin ka. Wala akong paki kung wala kang gusto sakin. Gusto kitang tulungan." Dagdag ko.

Tumayo ako at tumingin sa kanya.

"Sige, sa susunod nalang kita ililibre sa Mcdo."

Sabi ko sabay punta sa pinto.

Palapit nako sa pinto ng bigla itong bumukas.

"Babe!" Sabi ng babaeng pumasok galing sa pinto.

Margaux

Napahinto ako sa narinig ko.

Babe?

Agad lumapit si Margaux kay Shawn at niyakap ito. Di naman umiwas o pumalag man lng ito.

Bago paman ako makita ni Margaux, lumabas nako ng clinic at tumakbo palayo.

Habang palayo ako sa clinic, naramdaman kong may humatak sa braso ko at hinila ako sa isang yakap.

"Wag ka na umiyak, andito nako."


Cloud.

Ramdam ko sa yakap niya yung merong pag aalaga.

Binalik ko ung yakap na yun sa kanya. Di ko alam, pero ngayon, eto talaga ung kailangan ko.

Lumayo ako sa pagkakayakap sa kanya.

"Cloud, bakit ginugusto mo parin ako, kahit nasasaktan kana?" Sabi ko.

"Sa tingin ko naman, alam mo yung sagot dyan diba?" Sabi niya ng nakangiti habang pinupunasan ung luha ko gamit ung hinlalaki niya.

"Tara na, lilibre kita sa Mcdo." Sabi niya at hinatak ako palabas.

Humanap ako ng upuan namin habang si Cloud naman ung umorder.

Habang naghihintay, kinuha ko muna yung phone ko at nagpatugtog.

I heard, that you're settled down
That you found a girl and you're, married now

I heard, that your dreams came true
I guess she gave you things
I didn't give to you

Babe na pala tawagan nila.

Old friend, why are you so shy
Ain't like you to hold back
Or hide from the light

I hate to turn up out of the blue uninvited but I
Couldn't stay away I couldn't fight it
I had hoped you'd see my face
And that you be reminded that for me it isn't over

Omg, wrong song ata. Badtrip wrongtiming amp.

Never mind I'll find someone like you
I wish nothing but the best
For you too, don't forget me
I beg, I'll remember you said
Sometimes it lasts in love
But sometimes it hurts instead
Sometimes it lasts in love
But sometimes it hurts instead yeah

Di ko napansin na dumating na pala si Cloud sa harap ko.

Tinanggal ko na ung earphones sa tenga ko at niligpit yung phone ko.

"Diba sabi ko wag kana umiyak?"

Pinakiramdaman ko yung mukha ko.

Pupunasan ko na sana ung luha ko ng si Cloud na ang gumawa nun para sakin.

Tumingin siya sa mata ko at ngumiti.

"Kain na tayo"







Cloud, siguro, matututunan ko ring masuklian ang nararamdaman mo sakin. Sana wag ka magsawa.










(A/N:) Hi sa mga nagbabasa. Hmm medyo nahihirapan ako maghanap ng ibang kanta na babagay sa story eh pero okay lang.
Kayo, pwede kayong magrequest ng kanta, kahit ano basta yng may kwenta haha. Joke. Magrequest kayo (comment niyo dito) tas try kong lapatan ng story. Yehey 😚

Simula Pa Nung Una (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon