Dinilat ko na yung mata ko. Lunes nanaman at may pasok. Tinatamad na talaga ako.
Bumangon nako at ginawa yung daily routine ko araw araw. Sabi ni Cloud sakin, simula ngayon, siya na ang maghahatid at sundo sakin. Aayaw sana ako pero di sya nagpapigil, kinausap niya na rin si Margaux at Reiki tungkol dito. Payag na payag naman ung dalawang dimonyo.
Di nagtagal at dumating na si Cloud. Dala yung kotse niyang blue. Kaparehas ng kulay ng mata niya.
Lumabas nako, bago pa man ako makasakay, binuksan niya yung pinto para sumakay ako.
"Hindi mo naman ako kailangan pagsilbihan." Sabi ko sa kanya.
"Hayaan mo na ako." Sabi nya ng nakangiti.
Nagmaneho na siya papunta sa school namin. Tahimik lang kami sa loob ng sasakyan hanggang sa makarating na kami sa loob ng campus.
Lalabas na ako ako ng bigla niyang hawakan ung braso ko para pigilan ako.
"Sana hindi masama yung loob mo ng bigla kitang hinalikan." Sabi niya
Umiling ako sa kanya at ngumiti.
"Wag mo na isipin yun. Tara na pasok na tayo." Sagot ko.
"Isa pa" pagpipigil niya sakin.
Tumingin ako sa kanyang nagtataka.
"Sana wala munang makaalam na nililigawan kita ha, tayong apat muna nila Reiki sana. Tsaka pipilitin kong di magpahalata. Baka pag nalaman niya to, baka kung anong gawin niya eh." Sabi niya
Naguluhan ako pero tumango nalang ako sa sinabi niya.
Papasok palang ako ng classroom ng biglang tinawag ako ni Sir Simon.
"Lili, halika, pwede ba kita makausap?". Sabi niya
Tumango nlng ako at sumunod sa kanya papuntang office niya.
Pagdating namin dun, nakita ko agad si Shawn na nakaupo sa upuan sa tapat ng mesa ni Sir. Umupo ako sa harap nun.
"Ehem." Panimula ni sir samin.
"Tinawag ko kayo dahil kayo ang napili kong representative ng classroom bilang president ng Section 3." Dagdag niya.
Tahimik lang si Shawn na parang alam niyang mangyayari nato.
"Sir, bat ako? Wala nmn po akong alam sa mga ganyan ganyan eh." Singit ko.
"Lili, nakita ko kasi na sa isang buwan, isa ka sa mga nakakakuha ng highest scores bawat activity at quizzes." Paliwanag niya.
Natahimik nlng ako. Dapat pala hindi ako nagaaral ng mabuti. Alam ko tinatamad ako makinig minsan, pero pag nakikita ko kasi ung dalawang katabi ko na makikinig, naiinspire ako eh. Parang ako yung tamad sa gitna ng dalawang masipag.
"Magbobotohan tayo mamaya. Bumalik na kayo sa classroom, kukunin ko lang yung mga gagamitin sa pag vote." Dagdag niya.
Pagbalik namin sa classroom, di nagtagal at sumunod si sir, dala-dala yung mga papel na gagamitin sa pagboto.
"Okay class, pumili ako ng mga canditate na magiging president ng Section na to. Si Shawn Mendoza at Lili Reyes." Sabi niya.
"Sila yung may pinakamataas na grade dito sa classroom. Isasama ko rin sana si Cloud kaso sabi samin ng principal ay dalawang candidates lang kada section."
Inabot niya na samin ung papel na susulatan ng pangalan kung sino iboboto. Tanggap ko na matatalo nako dahil di nmn ako masyadong famous at di ko pa close yung iba sa kanila.
Kahit alam kong matatalo ako, sinulat ko parin yung pangalan ko sa papel. Umaasa hahaha.
After 2 mins, inabot na namin yung papel kay sir at tinawag si Margaux.
"Margaux isulat mo yung pangalan ni Lili at Shawn sa Board. Lagyan mo ng stick sa tabi bawat pag sabi ko ng pangalan nila. Un ung kung ilan ang bumoto sa kanila. Kung sino may pinakanarami, siya ang magiging class president." Sabi niya.
Tumayo naman si Margaux at sinulat ung name ko at ni Shawn.
"Okay, let's start!" Sabi ni sir.
"Shawn." Panimula niya.
"Shawn."
"Shawn."
"Shawn."
"Shawn."
"Shawn."
"Shawn."
"Shawn."
"Shawn."
"Shawn."
"Shawn."
"Shawn."
"Lili."
Yes sa wakas.
"Shawn."
"Shawn."
"Shawn."
"Shawn."
"Shawn."
"Shawn."
"Shawn."
"Shawn."
"Shawn."
"Shawn."
"Shawn."
"Shawn."
Naubos na ung papel na hawak ni sir.
Omg ano to? Totoo ba to?
"Shawn 24 votes. Lili 1 vote." Sabi ni Margaux.
Ano tong nararamdaman ko? Bat ganun? Kakaiba.
Ako lang ba talaga ung bumoto sa sarili ko?
Ako lang.
Naramdaman kong tumulo yung luha ko. Tumayo ako agad at lumabas papuntang cr.
Bat ganun? Ako lang talaga
Mag-isa
Pumasok ako sa isa sa nga cubicle ng cr at dumiretso na yung luha ko pababa.
Bakit ganun? Pati ba sila Margaux at Reiki ayaw din sakin? Wala ba talaga akong kakampi?
Alam kong matatalo ako sa kanya. Pero hindi sa ganitong paraan!
Masakit eh
Akala ko may kakampi ako.
Maya maya, may mga babaeng pumasok sa cr, dun sa may salamin.
"Girl, nakita mo ba yung babaeng natagusan sa fb?" Sabi nung isa.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.