Shawn Mendoza
Lili's Pov
Omg,
Oo, kahit isang buwan na ang nakalipas, di parin maalis sa isip ko ung pag titig sakin ni Shawn!!
Makita or marinig ko lang talaga pangalan niya na tinatawag, tatakbo ako at yayakapin ko siya ng mahigpit!!
Pero, andito nako sa reyalidad. Ang buhay estudyante. Pfft.
Sabi na nga ba lahat ng magagandang bagay, napapalitan ng masama eh. Nakakatamad pumasok.
Ang alam ko kasi ung iba kapag first day ng klase, excited kasi makikita nila ang friends nila. Eh ako? Wala.
Last year, sa lugar ng tito ko ako nag aaral, pero ngayon, lumipat nako dito, na ako lang mag isa.
Buti nalang at sa 2 buwang bakasyon, nakilala ko agad si Margaux at Reiki, sa iisang subdivision lang kami nakatira.
Pero balik sa reyalidad. Unfortunately di ko sila kaklase. Nasa section 1 kasi sila.
Edi sila na
Pero ako, andito sa Section 3.
Pumasok nako sa loob ng classroom ko. Maaga pa naman kaya mga 3 lang ata kami na nandun palang. Humanap nako ng magandang pwesto, ayoko sa harapan, ayoko sa gilid, ayoko sa likod, ayoko din sa gitna kasi bida ako pag nagkataon.
Sige sa sahig nalang!
Ibababa ko na sana ung bag ko sa sahig ng marealize ko ang ginagawa ko.
Baliw ka Lili.
Umupo nalang ako sa 2nd row sa pangatlong column sa left side.
(May tatlong row, bawat row may tiglilimang column, bawat column may 3 upuan)
Imaginine niyo nalang!
Umupo ako don at naghintay ng hindi ko alam.
Maya maya ay may tumabi saking lalaki. Nginitian niya ko kaya nginitian ko rin siya.
Gwapo siya, maputi, matangos ang ilong, matangkad, ung tama lang di sobra. Tapos ung mata niya ewan eh, may kakaiba, parang kulay...BLUE?
"Hi ate, paupo ako ha."
Tumango nalng ako. Humarap ako sa kanya at nagtanong.
"Ano pangalan mo? Blue ba talaga mata mo o contacts lang?"
Tumawa siya ng bahagya at sumagot.
"I'm Cloud Andersson, and yes. Haha blue mata ko kasi ung tatay ko foreigner."
Napa 'ahh' nalang ako at naghintay pa.
Maya maya, may tumabing babae kay Cloud at nung nakita niya ito, parang diring diri ba..HAHA
"HI BABY CLOUUUD!!" Sabi ng babae.
"Eww..hindi moko baby lumayo ka nga sakin!" Sagot nmn ni Cloud.
Hmmm mukhang may naaamoy ako ha.
Biglang humarap sakin si Cloud at nagsalita,
"Ate, palit tayo sige naa." Sabi niya sabay puppy eyes at pout.
Dahil hindi naman kami close, napa oo nalang ako. Ako na tuloy ung nasa gitna nila.
"Ano nga palang pangalan mo ate?" Sabi ng Ulap.
"Ahh..Lili, Lili Reyes" sagot ko
"Excuse me Lili, ako lang dapat ang kumausap sa Cloud ko." Singit ng katabi kong babae.
"Fiona! Ano ba, tigilan mo na ako. Look, hindi ko sinagot lahat ng messeges mo sakin nung summer, sana man lang nawalan ka na ng pag asa sakin, hindi kita gusto. Kaya wag mo na sirain first day ko." Sagot ni Cloud.
Grabe first day na first day may Drama agad.
Natameme naman ung babae at lumipat na ng pwesto sa ibang row.
Tahimik lang ako na nakatingin sa pinto, inaantay na pumasok ung adviser namin. Pero lumaki ang mga mata ko ng makita ko si Margaux at Reiki na pumasok sa room namin.
Nang nakita nila ako, lumapit sila sakin at bumati.
"Lili! Nagpalipat kami sa Sec 3 para makasama ka! Masaya ka ba?" Sabi ni Reiki.
Ako masaya? Syempre, may makakausap nako dito.
"Sino yang katabi mo?" Sabi ni Margaux.
"Ahh si Cloud, kaklase naten."
Napa ahh nalang siya, umupo sila sa likod ng upuan namin ni Cloud, dumating na ung teacher namin at wala ng umupo sa tabi ko sa isa pang kabila. Buti naman.
"Okay, tumayo nga ung transferee dito. Say your name, age, at kung saang lugar kayo nanggaling." Sabi ni Sir Simon, adviser namin.
Tumayo ako, akala ko may iba pang trasferee pero ako lang pala. Hayss
Nagsalita nako
"Im Lili Reyes, 17, galing pong Quezon."
"Okay sit down." Sabi ni Sir Simon
"25 tayo lahat dito sa klase pero, 24 palang ang naririto, baka nageenjoy pa sa bakasyon ah." Dagdag nito.
"Sino po sir ung kulang?" Sabi ni Fiona.
Tumingin sya sa may list at sinabing
"Hmmm..si Mr. Shawn Mend--."
"SHAWN MENDES?!" Agad kong sigaw sabay pag tayo at panlalaki ng mata.
Nagsitawanan silang lahat kaya napahiya ako. Putik naman.
"Haha, hindi Ms Reyes. Shawn Mendoza."
Napa yuko ako sa kahihiyan. Maya maya, may pumasok sa classroom namin na para bang ang lakas ng dating?
Naghanap siya ng upuan at napatingin siya sa tabi ko, lumapit siya dun at umupo.
Tinignan ko siya, bigla naman siyang nag smirk at bumulong.
"Shawn Mendes huh?"
BINABASA MO ANG
Simula Pa Nung Una (On Going)
Teen FictionMinsan, kung ano pa yung bagay na gusto mo, yun pa yung hindi mo makuha. Pero yung mga bagay na hindi mo hinihiling, yun pa ang meron ka.
