Chocolate
Lili's Pov
Hinatid ako ni Cloud pauwi sa bahay ko sakay ng kotse niya.
"Ah, Cloud, salamat sa libre ah." Sabi ko.
"Wala yun, basta ikaw." Sabi niya sabay kindat.
Natawa nalang ako sa ginawa niya.
"Ay teka, gusto ka pala makita ni mama, tara pasok ka muna." Anyaya ko sa kanya.
Sumunod naman siya at bumaba na sa kotse niya.
Pumasok ako sa sala, sumunod naman si Cloud. Nakita ko si mama na nanonood ng tv.
"Ma! Andito nako!" Sabi ko.
"Oh anak, andyan kana pala, upo ka muna." Sagot niya.
"Oh sino naman to? Kaibigan mo?" Tanong niya.
"Hi tita." Bati niya kay mama
"Ang pogi naman ng batang to." Sabi niya.
"Salamat po, kayo po maganda." Sagot nmn ni Cloud.
Aba mambobola din pala to.
"Haha tama ka dyan. Ay teka, ikaw ba yung manliligaw ni Lili ha?" Tanong ulit ni mama.
"Ah, opo hehe." Sabi niya sabay ngiti.
Humarap sakin si mama at sinabing.
"Aba Lili, kung ganto din naman pala ang manliligaw mo, payag nako. Sagutin mo na agad aba. Baka maagaw pa ng iba yan HAHAHA!" Biro ni mama.
"Ano bang pangalan mo iho?" Dagdag ni mama
"Cloud po, Cloud Andersson."
"Andersson? Wag mong sabihin na anak ka ni Carlo?" Tanong ni mama.
"Ah, opo, hehe, pano niyo po nakilala si papa?"
"Ayun, sabi na eh. Ako si Lilia, kasosyo ko tatay mo dun sa New York. Lagi ka niyang nababanggit sakin."
"Kamusta napo siya?" Tanong ni Cloud.
"Okay naman siya, wag mo un alalahanin haha." Sagot ni Mama.
"O halina muna kayo, nagluto ako ng carbonara, kumain muna kayo oh" sabi niya habang nag aabot ng plato samin.
Habang kumakain, may pinaguusapan sila tungkol dun sa tatay ni Cloud na Carlo. Di naman ako makarelate kaya sa Carbonara ko nlng tinuon ung pansin ko.
"Ilang linggo mo na ba nililigawan ang anak ko?" Biglang sabi ni mama.
"Mga 2 linggo palang po." Sagot naman ni Cloud.
"Ma, bihis lang ako sa taas ha!" Sabi ko sabay akyat sa kwarto.
Nagbihis naman ako, ung pangbahay.
Bumaba din ako pagkatapos.
"Sige tita, una napo ako." Sabi ni Cloud.
"Sige ingat ka." Sagot ni Mama.
Sinundan ko si Cloud.
"Cloud!" Sabi ko. Lumingon naman siya.
"Ah, salamat ulit ha." Sabi ko
"Wala yun." Sagot naman niya.
Nginitian niya ako sabay sakay sa sasakyan niya at umalis na.
Pumasok na ako sa loob, tinulungan ko si mama magligpit ng pinagkainan namin.
"Lili oh." Sabi ni mama sabay abot ng kutsara.
"Ha? Aanhin ko yan ma?" Sagot ko.
"Ginamit ni Cloud yan, baka gusto mo ring isubo?" Sabi niya
"Ma! Ang baboy mo!" Sagot ko at nagtawanan kami dun.
Lakas ng trip eh.
Pumasok nako sa kwarto para magpahinga. Humiga ako sa kama at niyakap ko yung unan ko.
Ang bait ni Cloud sakin.
Kinuha ko ung phone ko at tinignan ung fb account niya. Inistalk ko siya hehe.
Cloud Andersson, 17
Tinignan ko yung pictures niya.
Tinignan ko na rin ung iba pang pwedeng tignan. Bigla kong naisip na tignan kung kelan ung birthday niya.
Sa isang araw na?
Agad agad? Omg ano pwede kong ibigay?
Hays, bukas na problemahin, may isang araw pako.
Habang nag iiscroll ako, nakita ko ung fb account ni Shawn.
Dahil stalker nga ako. Tinignan ko na.
Shawn Mendoza, 18
Gaya ng ginawa ko kanina, tinignan ko rin yung pictures niya.
Wow, mukhang masaya sila ni Margaux ah.
Meron pa sa Mcdo, nagdadate ata sila.
💔
***
Hello 'Another boring day'
As usual, sabay kami ni Cloud pumasok.
Pumasok nako ng classroom, may pupuntahan pa daw si Cloud eh kaya ako lang papasok, di siya nakasunod.
Umupo nako sa upuan ko. Inaayos ko ung gamit ko nang makita ko Chocolate na pinatong ko sa mesa ni Shawn.
Andun parin.
Kinuha ko un at nilagay ko sa bag. Malambot na siya. Buti nlng may dala akong isa pa. Un nalang ibibigay ko sa kanya.
Nilapag ko yung bagong chocolate sa upuan niya.
"Hi Bes!" Bati sakin ni Margaux habang ang laki ng ngiti.
"Hello." Sabi ko.
"Bat ang lungkot mo? May problema ba?" Sabi niya habang nilalapag ung bag niya sa upuan niya na nasa likod ko lng.
"Kayo na pala ni Shawn ha." Sabi ko ng walang isip-isip
Nakita kong lumaki ung mata niya sa sinabi ko.
"A-ah, pano mo nalaman?" Gulat niyang tanong.
Napangiwi nlng ako ng marealize ko sa nasabi ko.
"Ahhh..si ano, si Reiki! Oo, sinabi sakin ni Reiki!" Sabi ko sabay ngiti.
"Eh? Di ko pa naman simasabi kay Reiki eh? Pano niya kaya nalaman?" Sabi niya.
Patay. Di lusot ung palusot ko.
"Ah, e-ewan, b-basta! Haha hayaan mo na un." Sabi ko
Buti naman at nanahimik na siya.
"Wag mo ipagsasabi to ha, kasi, gusto ko talaga si Shawn eh matagal na. Kaya pinakiusapan ko si Papa na gumawa ng paraan at eto. Hahaha. Kami na." Sabi niya sakin ng mahina.
Napa-ahh nalang ako.
Napansin niya ung chocolate sa upuan ni Shawn.
"Bayan! May nagbibigay pa nito. Nakakainis!" Kinuha niya ung chocolate at hinagis sa basurahan.
"Sabihin mo sakin kung sino umaaligid kay Shawn ha, lagot sakin un!" Dagdag niya. Tumango nlng ako.
Umupo siya sa tabi ko.
"Sana di ka galit dahil di ko sinabi agad na kami na ni Shawn ha?" Sabi niya niya.
"O-oo naman." Sabi ko
Sana di mo nlng sinabi.
BINABASA MO ANG
Simula Pa Nung Una (On Going)
Fiksi RemajaMinsan, kung ano pa yung bagay na gusto mo, yun pa yung hindi mo makuha. Pero yung mga bagay na hindi mo hinihiling, yun pa ang meron ka.
