Gust--?
Lili's Pov
Hello. Patay na ba ako?
Minulat ko ang mata ko at puting kisame, nakabukas na tv, prutas sa mesa at lalaking natutulog sa sofa.
Di ko siya makilala kasi nakatalikod siya mula sakin.
"Psst. Kuya." Mahina kong sabi.
Mukha namang narinig niya ako kaya humarap siya sakin, tumayo at lumapit sakin.
"S-Shawn?" Sabi ko.
Tinignan lang niya ako. Nakakailang tong katahimikang bumabalot samin.
Buti nalng biglang bumukas yung pinto at pumasok si Mama.
"Oh anak, buti naman gising kana!" Lumapit siya sakin at binaba yung dala niyang pagkain sa mesa malapit sakin.
"Ma, ilang oras ako tulog?" Tanong ko kay mama.
Umiwas siya ng tingin sakin.
"Ehh. Apat na araw ka kasing walang malay eh."
Ah, apat lang pala eh. Naawa pa di nlng nilima.
"APAT?!" Pasigaw kong sabi.
Inayos ni mama ung mga pagkain sa mesa at naghain na sa plato.
"Oh iho oh. Kumain kana muna." Sabay abot ng pagkain kay Shawn.
Inabot naman to ni Shawn at nagsimula ng kumain.
Lumapit sakin si mama at bumulong.
"Lili, anak, alam mo ba, itong kaklase mo, di yan umalis simula ng dinala ka dito. Di yan pumasok para lang may kapalitan ako sa pagbabantay sayo pag may inaasikaso ako." Sabi niya sakin tapos ay nag abot pa siya ng pagkain kay Shawn.
"Kain ka lang ha, wag ka mahiya."
Tinignan ko si Shawn. Kinain naman niya lahat ng binibigay ni mama.
Gutom ata to ha.
"Teka lang ha, aasikasuhin ko lang ung babayaran sa ospital." Sabi ni mama sabay labas sa kwarto.
At eto na ulet. Hello, katahimikan.
Ang tanging naririnig ko lang ay ung nakabukas na tv pero parang level 1 lang naman ung volume, at yung pagkain ni Shawn."Ah.. Shawn." Panimula ko.
"Hm?" Sagot niya habang nagpapatuloy sa pagkain.
"Salamat sa pagbabantay sakin ha." Sabi ko.
Di na naman siya sumagot. Ano ba to.
"Bakit di ka pa pumapasok? Totoo bang apat na araw kang nagbantay dito?" Sabi ko ulit.
Nakita kong tumigil siya sa pag kain. Tumingin siya sa mga mata ko.
Nilapag niya yung pagkain dun sa mesa malapit sa kanya at tumayo. Lumapit siya sakin sa kama ko. Ewan ko pero iba ang pakiramdam ko dito.
Habang lumalapit siya sakin. Di parin niya tinatanggal ung tingin sa mga mata ko.
Lumapit siya sa mukha ko na halos isang ruler nalang ung layo.
"Oo, apat na araw nako dito." Sabi niyang seryoso ang mukha.
Wow sa wakas nag reply.
"B-bakit?" Sabi ko habang lalo pa siyang lumalapit sakin.
"Gusto mo malaman?" Sabi niya at lalo pang lumapit sakin
Tumango nalang ako habang palapit pa siya ng palapit
"Kasi.." sabi niya.
Putcha pasuspense eh.
"Kasi ano??"
"Gust--"
"Im back!" Sigaw ni mama.
Isa pa to eh. Punyemas
******************************
Shawn's PovFlashback****
Andito ako sa puno sa tapat ng bahay nila Lili ng makita ko na padating ung sasakyan ni Cloud. Bumaba si Lili dito.
"Salamat Cloud ha. Happy Birthday ulit." Sabi ni Lili.
"Wala yun. Sige bye na." Sagot namn ni Cloud at pinaandar na yung kotse.
Nag date.
Pag alis ni Cloud, lumapit na si Lili sa Gate ng bahay nila. Akala ko papasok na siya pero parang may inusisa pa siya.
Lumayo siya sa gate nila at lumapit sa sasakya-
Teka, sasakyan yun ni Fiona ah? Bat siya andito?
Nakita kong umilaw ang headlights nito at ang susunod ko nlng na nakita ay si Lili na nakahiga at ang sasakyan ni Fiona humaharurot at paalis na.
Teka? Ano to?
Di nako nag isip at linapitan ko siya agad.
Tangna! Ang daming dugo!
"Lili!"
Sabi ko pero di parin siya umiimik. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Parang sasabog na.
"Lili! Tulong! Tulungan niyo ako!"
Sabi ko habang humihingi ng tulong sa mga kapitbahay nila. Di nagtagal at nagsilabasan na ang iba kasama ung nanay niya.
"Dalin natin sya sa ospital dali isakay niyo siya sa sasakyan ko."
Binuhay ko agad ang makina at pinaandar ang sasakyan ko.
Nasa likod ko ang nanay ni Lili at si Lili na wala paring malay.
Lili, kaya mo yan.
Sobra akong kinakabahan habang nagmamaneho. Di ko maipaliwanag yung nararamdaman ko.
Di nagtagal at dumating na kami sa ospital at agad siyang dinala sa emergency room.
"Iho, umupo ka muna." Tawag sakin ng nanay ni Lili.
Umupo naman ako sa tabi niya.
"Kaklase ka ba ni Lili?" Tanong niya
Tumango naman ako.
Inikot ko ang mata ko ng may nakita akong nakaagaw ng pansin ko.
"Mama! Wala na si kuya!" Sigaw ng isang batang lalaki sa nanay niya.
Nakita kong umiiyak din yung nanay nung bata.
"Kung sana pinakita kong mahal ko siya habang buhay pa siya. Ngayon huli na ang lahat." Sabi ng nanay niya.
Sign ba to.
"Bago pa mahuli ang lahat. Maikli lang ang buhay." Dagdag nung nanay nung bata.
BINABASA MO ANG
Simula Pa Nung Una (On Going)
Ficțiune adolescențiMinsan, kung ano pa yung bagay na gusto mo, yun pa yung hindi mo makuha. Pero yung mga bagay na hindi mo hinihiling, yun pa ang meron ka.