Chapter 5

73 6 1
                                        

Hero

Lili's Pov

YES! Natapos na rin ang first day ng klase. Naging masaya naman dahil may nakilala aking bago, at wala pang stress.

Lumabas nako ng room ng mag-isa. May pupuntahan pa daw si Reiki at Margaux eh. Di ako kasama T_T.

Naglalakad na ako ng hallway ng may tumawag sakin.

"Lili!!" Sigaw ng kung sino.

Pag lingon ko, si Cloud. Tumakbo siya palapit sakin.

"Tara kain muna tayo, libre ko. New friends tayo eh."

Aba libre daw. Syempre walang urungan.

"Sige sige. San tayo kakain?" Tanong ko.

Di nmn niya ako sinagot at hinila nlng ako palabas. Naglakad lang kami dito sa tapat ng school namin. Sa tapat kasi ng school namin may Mcdo. Saya diba.

Umupo ako dun sa isa sa mga bakante at hinayaang si Cloud na ang umorder.

"Ano gusto mo?" Tanong niya sakin.

Lahat gusto ko. Kaya mo ba?

"Kahit ano nalang." Tipid kong sagot.

Lunapit siya sa isa sa mga cashier tas sinabi niya ng malakas,

"Miss, gusto ng kasama ko ng 'kahit ano', meron kayo nun?" Sabi niya sa babae sabay turo sakin.

May saltik din pala to eh.

Napayuko ako dahil nakatingin na sila samin. Lahat ng tao sa loob. Eh karamihan pa naman ng tao sa loob naka uniform kagaya ng amin.

Tinignan ko ng masama itong ulap na to. Mukhang nagets naman niya kaya umorder na siya ng maayos.

Habang hinihintay ko bumalik si Cloud, biglang may umupo sa tabi ko.

Aba, pabida.

"Hi Ms Shawn Mendes." Bungad niya sakin.

"Bat ka andito?" Irita kong tanong.

"Sayo lang ba tong Mcdo?" Irita din niyang sagot sakin.

Aba nasagot.

"Bakit dito ka umupo? May ibang bakante pa naman jan eh." Sabi ko.

Nag smirk sya at sinabing,

"Ayoko, baka pagkaguluhan ako ng fans ko. Kaya dito nlng ako. Ikaw body guard ko." Sabay kindat.

Di lang pala pabida, makapal din.

Bumalik na si Cloud dala ang inorder namin. Kinuha ko na yung akin at kinain.

Habang nakain ako, nakaramdam ako ng masamang espiritong papalapit sakin.

"Baby Clouuuud!!!"

Amp. Sakit sa tenga!

Agad napatayo si Cloud at sinabing,

"Guys wait lang ha, aalis lang ako."
Sabay walk out at takbo palabas.

Naiwan kami dito ni Pabida.

Inubos ko nlng ung pagkain ko. Tinignan ko si Shawn at nagtanong.
"Bat andito kapa? Wala na bestfriend mo, iniwan na tayo."

Di niya ako pinansin kaya tumayo nako at nagsimulang maglakad palayo sa Mcdo.

Dahil poor ako, naglalakad lang ako pauwi. Wala kasi si Margaux para ihatid ako.

Ang dilim na at wala pako sa kalahati papuntang bahay.

Habang naglalakad ako, may nararamdaman akong parang sumusunod sakin. Di ko nlng pinansin dahil baka pusa lang naman.

Grabe, walang katao tao dito! Pano kung rapin ako?!

Oo nangra-rape ang pusa.

Pinagpatuloy ko lng ang paglalakad ko. Ng biglang may humablot ng buhok ko sa likod at tinapatan ng blade ung leeg ko.

Bayan, blade lang, ang poor naman ni kuya.

Nanginig ang buong katawan ko sa takot. Hindi ako makasigaw o makapumiglas man lang.

"Akin na lahat ng pera mo."

Sa pagkakasabi niyang yun, natakot na ako ng sobra. Hindi ko na maipaliwanag ang nararamdaman ko. Parang unti-unti ng bumabaon ung blade sa leeg ko ng biglang

*BOOG*

Hindi ko na alam kung anong nangyayari, nakatulala lang ako. Naririnig ko mula sa likod ko na may nagsusuntukan.

Napa upo ako sa semento. Di ko na alam gagawin ko.

Mayamaya pa ay tumigil na ang suntukan. Medyo nawala narin ang panginginig ko. Lumingon ako sa likod at nakita ko si Kuya na puro dugo na ang mukha at ang isang lalaking naglalakad palayo na

Nakauniform ng School namin.

Gusto ko sana magpasalamat pero ambilis niya ring nawala sa paningin ko.

Tumayo na ako at naglakad. Hinawakan ko ang leeg ko at pagtingin ko dun ay may dugo.

Omg may dugo

Nagmadali akong naglakad at ng makarating ako sa bahay ay dumiretso agad akong cr at pinunasan ung dugong dumadaloy sa leeg ko. Nilagyan ko narin ng gamot.

Pumasok ako sa kwarto ko at kinuha ang cellphone ko. Tinignan ko kung may text ba ako galing kay mama, pero wala. Halos isang linggo na siya hindi nagpaparamdam sakin ha. Kamusta na kaya siya.

Tinabi ko na ung cellphone ko at humiga sa kama ko. Pinilit ko nlng matulog at kalimutan ang nangyari kanina.

Simula Pa Nung Una (On Going)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon