Chapter 7

54 7 0
                                    

Mr. Kupido

"Ikaw ba ung tumulong sakin kahapon?"

Lili's Pov

Di siya sumagot. Tinignan lang niya ko at nginitian.

Yan na naman ung ngiting yan eh!

Tatanungin ko sana ulit siya kaso pumasok na ung iba naming classmate kaya umayos na ako.

Pumasok na rin ung susunod naming teacher.

Habang nakikinig ako, (oo nakikinig ako) biglang may pumindot sa tagiliran ko.

Napatili ako ng wala sa oras.

Punyeta.

"Anong problema Ms. Reyes?" Tanong ng teacher namin.

"W-wala po." Nakatungo kong sagot.

Punyeta ka Shawn.

Nung tumalikod na yung teacher namin, sinuntok ko ng malakas ung braso ni Shawn.

Kita sa mukha niya yung pagpipigil niya sa sakit.

Buti nga.

Pagtapos ng klase namin, ililigpit ko na sana ung mga gamit ko ng bigla niyang hinagis yung mga notebook ko sa harap.

"Inaano kita?!" Inis kong tanong sa kanya.

Di niya ko tinignan na para bang walang nangyare.

"Kinakausap kita!" Sabi ko ulit.

Di niya ulit ako tinignan. Ah ganun ah.

Kinuha ko yung bag niya tapos tinapat ko sa bunganga ng basurahan. Tumayo siya agad at agad hinablot sakin yung bag niya. Di man lang siya nag salita.

Hinayaan ko nlng siya, mawawala din yang topak niya.

Uwian na kaya kinuha ko na yung bag ko at lumakad na paalis. Tuwing uwian, hindi nako sumasabay kay Margaux kasi may pinupuntahan pa sya lagi after class.

"Lili sabay na tayo!" Sabi ni Cloud.
Tumango nlng ako sa kanya. Natatakot narin ako na baka maulit ung nangyari kahapon.

Habang naglalakad, tahimik lang kaming dalawa. Ayoko na rin tanungin kung sya ba ung sumagip sakin dahil baka ayaw niya talaga sabihin kung siya ba yun o hindi.

"Lili, penge ako number mo." Sabi niya sakin.

"Sige, lagay mo narin jan number mo." Sabi ko.

Inabot ko sa kanya yung phone ko. Pinindot pindot niya un tsaka binalik sakin.

Nakarating na kami ng payapa sa bahay.

"Pasok ka muna." Sabi ko.

Pumasok naman siya at pinaupo ko sya sa sofa. Pumunta muna ako sa kwarto ko at nagbihis. Bumalik ako para isindi yung tv.

"Magisa ka lang dito?" Tanong niya.

"Oo, pero may aso naman ako." Sabi ko habang hinihimas si Skitchy. Buti nlng at maamo sya, kung hindi, lasog lasog na tong Ulap na to.

"Hindi kaba natatakot dito mag isa?" Tanong niya.

"Minsan natatakot, lalo na kapag kumikidlat baka tamaan ako eh. HAHA!"  Sagot ko.

Nawawala na yung hiyaan namin ni Cloud sa isa't isa. Nagkwentuhan pa kami at dun ko sya mas nakilala.

"Ung tatay ko, foreigner. Nasa New York sya ngayon, nag tatrabaho." Kwento niya.

Teka, New York?!

"Teka! Nasa New York din nanay ko!"
Bigla kong sabi.

"Oh? E yung tatay mo?" Sabi niya.

"Hindi ko alam eh. Iniwan na niya kami kaya wag na natin pag usapan un." Sabi ko.

Nalungkot bigla ung mukha niya.

"Sorry." Sabi niya sakin.

"Haha, okay lang yun." Sabi ko sabay ngiti.

Nagkwentuhan pa kami ng ilang minuto ng mapagdesisyon niya ng umuwi.

Pinatay ko muna yung tv tsaka bumalik sa kwarto ko para mag pahinga.

Kinuha ko muna yung gitara ko at tumugtog.

"Lagi kong naaalala
Ang kanyang tindig at porma
At kapag siya ay nakita
Kinikilig akong talaga
Di naman siya sobrang guwapo
Ngunit siya ang type na type ko
Bakit ba ganito ang nadarama ng puso ko"

Inalala ko ung ngiti sakin ni Cloud. Ung nakakatunaw na ngiti.

"Minsan siya ay nakausap
Ako ay parang nasa ulap
Nang ako'y kanyang titigan
Sa puso ay anong sarap
Tunay na kapag umibig
Lagi kang mananaginip
Pag kasama mo siya ay ligaya
Na walang patid"

Nung hinawakan niya ung kamay ko. Ung feeling na kiniliti ung puso mo.

"Mr. Kupido
Ako nama'y tulungan mo
Ba't hindi panain ang kanyang
Damdamin
At nang ako ay mapansin
Mr. Kupido
Sa kanya'y dead na dead ako
Huwag mo nang tagalan
Ang paghihirap ng puso ko"

Pinikit ko ung mata ka habang patuloy sa pag gigitara.

Nakapikit lang ako ng biglang mag flash ang isang mukhang naka smirk at nakatingin sakin.

Napahinto ako sa pag s-strum ng gitara.

Ano yun? Bakit ganun?

Pabida?

Simula Pa Nung Una (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon