Chapter 28

60 4 2
                                    

Avatar

Lili's Pov

28 days before the wedding

Gumising ako dahil nag alarm na yung phone ko. Pinindot ko naman yun para mamatay

Bumangon nako para maghanda na sa pag pasok

Nagtoothbrush ako, ligo, bihis, kain. Mayamaya, dumating na si Cloud.

"Mama una nako." Sigaw ko

Pagkalabas ko, hindi kotse yung nakita ko.

Motor at nakangiting nakasakay dun si Cloud

"Tara na" sabi niya.

Sumakay naman ako dun. At bumulong

"Ano trip mo?" Sabi ko

"Gusto ko kasi para maiba naman." Sagot niya at nginitian ako ng ngiting papupuntahin kang ulap

Sasabihin ko naba kay Cloud? Ayoko na siya paasahin eh.

"Cloud pwede ba tayo mag usap mamaya after class?" Sabi ko.

"Sige." Sagot niya at pinaandar na yung motor niya

"Kapit ka sakin." Dagdag niya.

Kumapit naman ako sa balikat niya.

Nakarating na kami sa school ng mabilis pa sa inaasahan.

Pumunta na kami sa room. Umupo nako sa upuan ko at inintay na yung iba at si Sir

Di naman nagtagal at nakumpleto na kami at dunating na din si Sir na mukhang may iaanounce

"Class, pupunta tayong audio visual room. May meeting kasi lahat ng faculty staff. Yun ang inutos ng principal kaya pila na sa labas. Go." Sabi niya samin kaya lumabas na kami para pumila

Naglakad kami sa kabilang dulo ng mundo para makarating sa audio visual room. Parang canteen ah

Pumasok na kami dun. Infairness daig ang sinehan ha.

"Umupo kayo depende sa seating arrangement niyo sa room." Sabi ni sir kaya sumunod naman kami.

Umupo nako at nasa kanan ko na si Cloud at sa kaliwa si Shawn.

Umupo nako ng maayos para manood ng papanoorin namin

Pinatay na ung ilaw tas nagstart na ung palabas.

Water




Earth




Fire




Air




Seryoso? Avatar?

"Uy paborito ko yan." Sabi sakin ni Cloud habang kinakalabit ako.

Natawa naman ako dito sa reaction niya.

Kinalabit naman ako ni Shawn
Tinignan ko sya. Pagharap ko sa kanya naka nguso siya sakin. Nanghihingi ng kiss.

Tinignan ko siya ng 'nakakadiri ka' look. Tumawa naman tong baliw.

Natapos yung buong palabas kaya pumunta muna kami sa canteen. Kasama ko si Reiki. Si Cloud ewan ko kung san pumunta. Si Margaux naman, magkasama sila ni Reiki

"Waterbend! Ya!" Sigaw nitong ni Reiki habang tinitilamsikan ako ng tubig sa baso

"Isip bata?" Sabi ko.

Tinignan niya ako ng masama
"Balang araw mag kakapowers din ako!" Sabi niya

"HAHAHAHAHA" putek na batang to. Lakas ng trip

Maya maya. May nag text sakin.

From: SecretL (Shawn)
Ano masasabi mo sa palabas? Para tayong nag cinema date huh?

Aba. Nagtype ako ng irereply ko.


To: SecretL
Hangin. Parang Imposibleng pagibig.
Di nakikita pero nararamdaman. Kaya nga imposible eh

Tubig. Nararamdaman pero di mapanghawakan.

Lupa. Parang puso. Nararamdaman nakikita nahahawakan. Kaso Matigas.

Apoy. Maganda tignan kaso bawal hawakan.
#HanggangTinginKaNalang




Mayamaya, tumunog ang phone ko.

Tinignan ko yng text.
From: SecretL
At ako ang avatar.

-_- magsama kayo ni Reiki -_-

Bigla naman tumunog ulit ung phone ko. Pahabol lang?

From: SecretL
Ikaw yung apoy😚😢

Nginitian ko nlang yung phone ko at tinabi na.

Simula Pa Nung Una (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon