Date
Lili's Pov
OMG!!!
Ang tanga-tanga-tanga-tanga-tanga mo LILIIII!!
Bat mo ba sinabi yun???
Omg!!!
Sa tingin ko kasi, gusto na kita e
ARGHH BOBO KA!
Nakailang ikot nako dito sa kama ko, pero di parin ako makatulog.
Di kita gusto.
Nyeta.
***
Sumakay na ako sa sasakyan ni Cloud. Antok na antok pa talaga ako. Buset.
"May problema ba?" Tanong niya sakin.
Umiling nlng ako at ngumiti.
"Pwede mo ba akong samahan mamaya, may pupuntahan kasi ako eh." Sabi niya sakin.
"Sige." Sagot ko. Di naman masama kung sasama ako eh tsaka para makalimutan ko narin kahit sandali ung ano.
Pumasok na kami ng room, uupo na sana ako sa upuan ko ng makita ko si Shawn nakaupo na sa pwesto niya.
Ang aga naman nento.
Napatingin ako sa pwesto nila Reiki, andun na din si Margaux pero wala pa yung isa nilang katabi. Naisipan ko na dun muna ako sa pwestong yun.
"Bat dito ka pepwesto?" Tanong sakin ni Reiki.
"Eh, wala lang. Nakakasawa kasi sa pwesto ko eh.. hehe." Palusot ko.
Si Reiki ung nasa gitna namin. Si Margaux sa kanan ako sa kaliwa.
Nilabas ko muna yung notebook ko para magdrawing ng kahit ano, dahil wala akong magawa.
"Excuse me, upuan ko yan." Sabi sakin ng kung sino. Tumingala ako at nakita ko yung may ari ng upuan.
"Ahh, pwede dito muna ako?" Sabi ko at ngumiti. Sana tablan.
"Hindi." Sagot niya.
Nakakainis naman to.
"Sige na please." Sabi ko ulit sabay tingin sa kanya na may pagmamakaawa.
"Wag mong gawin yan, nakakadiri. Umalis kana jan uupo ako." Sabi niya ulit.
Badtrip naman to.
Wala akong nagawa kundi umupo ulit sa gitna ng dalawang asungot.
Tinuloy ko nlng ang pagdodrawing ko.
"Uy! Ano yang dinodrawing mo? Patingin!" Sabi ni Reiki sabay hablot sa papel na pinagdodrawingan ko.
"Uy! Ano ba! Ibalik mo nga sakin yan!" Sabi ko habang pilit na inaabot ung papel sa kamay niya.
"Wow, ang cute naman ng drawing mong squirrel, cartoon ba to?" Sabi niya.
Napatigil ako sa pag kuha ng papel.
"Squirrel?" Sabi ko.
"Oo, ang cute nga eh. May hawak pa siya na acorn" Sagot niya.
"Gago ka! Tao yan na may hawak na gitara!" Sabi ko sabay batok sa kanya.
"Talaga? Akala ko squirrel eh." Sabi niya habang hinihimas yung batok niya.
Di ko namalayang hinablot na din pala ni Cloud ung papel.
"Wow, ang cute naman ng daga." Sabi niya na may pakislap pa ang mga mata.
Binatukan ko namn siya.
"Wag niyo na nga pintasan." Sabi ko at binawi ung papel.
"Pero cute naman talaga ung daga e." Sagot niya.
Tinignan ko siya ng matalim
"Magsalita ka pa, pipingasin ko yang kilay mo."Nakita ko siyang nilagay ung daliri niya sa tapat ng labi niya at nag action na parang ziniper ung bibig.
Di nagtagal ay dumating na si Sir at nagsimula na ang boring na buhay.
Boring para sa mga istudyante na di nakikinig tulad mo.
Dumaan ang segundo, minuto, oras, araw, linggo, buwan, taon at sa wakas natapos na rin ang klase.
Inaayos ko na yung gamit ko, dahil nga may pupuntahan pa kami ni Cloud.
Sabay kami pumunta sa kotse niya at sumakay na.
"San tayo pupunta?" Tanong ko.
"Basta." Sabi niya ng nakangiti.
Nagsimula na siyang paandarin yung sasakyan. Tahimik lang kami buong byahe hanggang sa makarating kami sa isang park.
Bumaba na kami, hinawakan niya yung kamay ko at naglakad. Puro damo at puno lang nakikita ko. Naglakad pa kami hanggang sa makakita ako ng mesa at dalawang upuan.
Hinila niya yung upuan para paupuin ako. Umupo naman siya sa kabilang dulo.
"A-ano to?" Taka kong tanong.
"Date, ayaw mo ba?" Sabi niya.
Date?! Di pa ako nakakaranas makipagdate!
"Ah, di naman. May pagkain ba? Nagugutom kasi ako eh. Hehe."
Tumawa siya ng bahagya. Eh totoo naman eh, gutom na ako.
"Mamaya kakain din tayo. May gusto lang muna sana akong gawin."
Tumango naman ako, kumuha siya ng gitara at nagsimulang tumugtog.
"Sandali na lang
Maaari bang pagbigyan
Aalis na nga
Maaari bang hawakan ang
Iyong mga kamay
Sana ay maabot ng langit
Ang iyong mga ngiti
Sana ay masilip"Ngumiti siya sakin at tumama ung asul niyang mata sa mata ko.
"'Wag kang mag-alala
'Di ko ipipilit sa'yo
Kahit na lilipad
Ang isip ko'y torete sa'yo"Pag titignan mo si Cloud, oo gwapo pero akala ko ganun nlng yun. Pero di pala. Mabait, gentleman. Ano pa mahihiling mo diba? Wala na.
"Ilang gabi pa nga lang
Nang tayo'y pinagtagpo
Na parang may tumulak
Nanlalamig nanginginig na ako"Oo ilang linggo palang kami nagkakilala, pero anong nakita niya sakin at nagustuhan niya ako?
"Akala ko nung una
May bukas ang ganito
Mabuti pang umiwas
Pero salamat na rin at nagtagpoTorete, torete, torete ako
Torete, torete, torete sa'yo
Torete, torete, torete sa'yo'Wag kang mag-alala
'Di ko ipipilit sa'yo
Kahit na lilipad
Ang isip ko'y torete sa'yo
Torete sa'yo"Tumigil siya sa pagtugtog at tinabi ung gitara.
"Lili, alam kong konting panahon palang nang magkakilala tayo, pero di ko alam kung bat ikaw ung nagustuhan ko. Meron ka na wala sa ibang babae pero di ko alam kung ano un." Sabi niya.
Di ko alam kung anong irereact ko sa panahong ganto.
"Sana hayaan moko ipadama kung gano kita kagusto."
Nakatingin lang siya sa mga mata ko.
"Sa tingin ko nga eh Mahal na kita."
BINABASA MO ANG
Simula Pa Nung Una (On Going)
Ficção AdolescenteMinsan, kung ano pa yung bagay na gusto mo, yun pa yung hindi mo makuha. Pero yung mga bagay na hindi mo hinihiling, yun pa ang meron ka.