Ms. Shawn Mendes
Lili's Pov
Natapos na ung introduction, ung pag discuss ng rules and regulations ng school at iba pa. 2 oras din un. Kabagot.
Buti nalang, dumating na yung oras ng recess, ang pinakaiintay kong oras.
Sabay sabay kaming lumabas ng room nila Margaux at Reiki, bago pa naman kami makalabas, may humawak sa balikat ko. Tinignan ko kung sino yun, si Cloud.
"Hi Lili! Pwede ba ako sumabay sa inyo? Pleaseeeeee??" Sabi niya na may halong pagmamakaawa.
Dahil hindi pa naman kami masyadong close, nakakahiyang tumanggi kaya umoo ako.
Lumakad kami papuntang Canteen at AMPUTA ubos oras namin dito. Maglalakad lang papunta halos maubos na ung oras namin eh.
Humanap agad kami ng upuan, may nakita akong upuan na sakto sa aming apat kaya pumunta kami doon. Bago pa man kami makaupo, agad dumating si Fiona pati ung mga kasama niya. Humarang sila sa daan at biglang umupo.
"Sorry, nauna kami." Sabi niya na may halong pangungutya.
Abaa, gusto akong hamunin ng babaeng to ha.
"Tara na Lili, hanap na tayo ng iba." Sabi sakin ni Cloud. Tumango nalang ako.
Di pa man kami nakakalayo, sumigaw naman ng napakatinis si Fiona Maldita este Maldira.
"BABY CLOUD! DITO KA SA TABI KOOOO~"
Napangiwi si Cloud nang marinig niya ung 'baby'. Hahaha ang cute niya nakakatawa.
Di nlng niya pinansin at pinatulan dahil baka lumaki pa ang gulo. Naghanap nalang kami ng iba pang upuan na apatan.
Pag upo namin, galit galit muna dahil konting oras nalang mag ti-time na.
*kain, kain, kain, ka--*
"Hi Ms. Shawn Mendes."
*COUGHS*
PUTEK, GULATIN DAW BA KO?!
"Anak ng?!"
Tinignan ko agad kung sino ung gumulat sakin. Pag lingon ko...
Wait, ang lapit ng mukha niya..
Ang lapit..
Lapit..
"Anong kailangan mo?" Singit ni Reiki.
Lumayo sakin si Shawn at tinignan si Reiki.
"Ang liit mo naman, ilang taon kana ba?" Sabi nito kay Reiki.
"Matangkad ka lang!" Sabat nito kay Shawn.
Mukhang mag aaway pa yata tong mga to.
Habang nag babangayan sila sa gilid ko, pinagpatuloy ko nlng ung pagkain ko. Sarap sarap ng ulam ko eh. Sayang naman.
"Ms Shawn Mendes! Babae kaba? Ba't ganyan ka kumain? Parang baboy na hindi kumain ng pitong libong taon?"
*baboy na hindi kumain ng pitong libong taon?*
*baboy na hindi kumain ng pitong libong taon?*
Tama ba ang narinig ko?
*baboy na hindi kumain ng pitong libong taon?*
Okay tama na, nasasaktan nako.
Tumayo ako at hinarap ko siya.
Ang tangkad putek, hanggang balikat lang niya ako.
Huminga ako ng malalim at sinabing,
"Una sa lahat hindi Ms Shawn Mendes ang pangalan ko, Lili Reyes, pangalawa, HINDI AKO BABOY NA HINDI KUMAIN NG WALONG LIBONG TAON!!"
"Pitong libong taon lang bes, OA kana." Singit ni Margaux.
"WALA AKONG PAKE! MARAMING TAON PARIN UN!"
Tumayo na ako at mabilis umalis. Naglalakad nako papunta sa room namin na napakalayo mula dito ng biglang may humawak sa balikat ko. Paglingon ko, si Cloud lang pala.
"Bat ka nagwalk-out? Nagbibiro lang naman un si Shawn. 3 years ko na siya bestfriend kaya kilala ko na siya."
Paliwanag niya."Seryoso? Mag bestfriend kayo? Di halata ha. Mas mukha kang mabait para sakin." Sagot ko.
Ngumiti siya sakin ng malaki at bumalik na sa canteen. Ewan ko ha, bakit ganon ung naramdaman ko nung ngumiti siya sakin, sabay ng pagtingin ng blue na mata niya sakin.
Weird.
Nakabalik nako ng room at umupo sa upuan ko tabi ng dalawang mag bestfriend. Di rin naman nagtagal at dumating na sila Margaux at iba pa.
At mukhang pabida talaga ang lalaking nagngangalang Shawn Mendoza ha. Late nanaman.
Natapos ung subject teacher nang bigla nlng pumasok si Shawn ng para bang hindi sya late. Di nlng siya pinansin ng teacher. Ewan ba.
Umupo na siya sa tabi ko. Dahil sa tagal ng susunod naming teacher, idudukdok ko na sana ung ulo ko sa mesa para mag 'sleep' ng marinig kong nag hu-hum ang Pabida.
Parang familiar ata.
Hindi ko malaman ung title kasi hum lang naman. Nalaman ko nlng nung kinanta niya ung chorus.
"You watch me bleed until I can't breathe
I'm shaking falling onto my knees
And now that I'm without your kisses
I'll be needing stitches
I'm tripping over myself
Aching begging you to come help
And now that I'm without your kisses
I'll be needing stitches""Nananadya kaba?" Irita kong sabi sa kanya.
Tinignan lang niya ako at nagpatuloy sa pagkanta.
Ampangit ng boses niya. Hindi naman pangit pero, ewan. Nakakainis pag naririnig kong galing kanya.
Napansin ata ni Cloud ung ginagawa namin kaya sumama din sya.
Nakikanta din sya kay Pabida.
Pero infairness. Maganda boses ni Cloud. Mas maganda kay Shawn Pabida. Sana araw araw niya akong kakantahan hihi.
Feeling ko crush ko na tong Ulap na to. Kasi ang approachable niya eh. Parang Humble. Pero. Crush lang.
![](https://img.wattpad.com/cover/146595475-288-k292826.jpg)
BINABASA MO ANG
Simula Pa Nung Una (On Going)
Fiksi RemajaMinsan, kung ano pa yung bagay na gusto mo, yun pa yung hindi mo makuha. Pero yung mga bagay na hindi mo hinihiling, yun pa ang meron ka.