Power
Lili's Pov
Minulat ko na ung mga mata ko at agad un tumama sa orasan sa table.
O.O
Late nakooooooooooooo!!
Agad akong tumayo at ginawa yung mga dapat gawin. Muntik ko pa ngang malimutan mag toothbrush eh.
Pagtapos ko maligo, agad akong nagbihis. Kaso di ko alam susuotin ko. Yung costume naba? Eh mukha akong tanga nun. Hays. Naguniform nlng ako at nilagay yung damit na susuotin ko sa presentation sa bag.
Kingina naman.
Si Cloud yung nagchoreo nung sayaw namin. At dahil daw ako yung nagiisang babae at dalawa silang lalaki, ako yung sa gitna. At syempre, si Cloud nadin yung pumili ng kanta namin. Actually maganda siya. Sobra, kaso ngayon ko lang un narinig.
"Anak! Asa labas na si Cloud! Bilisan mo jan!" Sigaw sakin ni mama mula sa baba.
Nagmadali na ako at lumabas na sa kwarto. Hinalikan ko si mama ng goodbye at umalis na din.
Pagpasok ko sa kotse, nakita kong nakatingin sakin si Cloud.
"Bat ganyan ka? Di ka man lang nag ayos?" Sabi niya.
Tinaasan ko siya ng kilay at tinignan ko siya ng mabuti.
Shemay, ayos na ayos nga sya.
"Eh.. hehe mamaya nalang! Kaya ko yan." Sabi ko.
Lumusot naman ung palusot ko at umalis na kami.
"Memorize mo na ba ung steps?" Sabi niya.
"Oo, ang sakit nga sa ulo eh, puro headbang. Bwisit ka." Sabi ko.
"Hahaha. Wag moko sisihin. Sisihin mo yung Youtube. Dun lang namn tayo kumuha eh, dinagdagan ko lang."
Hayss.
Dumating na kami at nagulat ako na sobrang daming tao sa daan.
"Bat ang daming tao?" Tanong ko.
"Aba ewan ko. Wala nga ako kahapon eh." Sagot namn niya.
Dumeretso na kami dun sa venue ng activity. Agad samin sumalubong si Reiki at Margaux na parang pupunta na silang langit. Grabi sa puti ang damit!
Anong sabon ang gamit niyo? Yan nadin gamitin ko. Baka naloloko ako ng mga patalastas ng laundry bleach eh.
"Lili, tara, ako na magaayos sayo." Prisinta ni Margaux
Dahil gahol na kami sa oras, pumayag nako.
Pumunta kami sa CR at pumasok ako dun sa isa sa cubicle para magbihis ng susuotin ko.
Para akong pokpok dito. Ang ikli.
Lumabas nako at niligpit ung uniform ko. Sayang ung uniform. Sa labahan ang bagsak mo mamaya kahit di ka nasuot. Sorry hehe
Nakita kong nakakalat ung mga make-up kit sa harap ng salamin at sinimulan na ni Margaux na drawingan ang mukha ko.
...
"Chenen!" Sabi niya sakin.
Minulat ko ung mata at namangha ako sa itsura ko.
"Wow ako ba to?"
Tumawa siya at hinatak nako palabas kasi malapit nadin magstart.
Di nagtagal at ung section na namin ang sunod. Di kami nainform na sabay sabay pala lahat to. Akala ko per room lang gagawin.
BINABASA MO ANG
Simula Pa Nung Una (On Going)
Teen FictionMinsan, kung ano pa yung bagay na gusto mo, yun pa yung hindi mo makuha. Pero yung mga bagay na hindi mo hinihiling, yun pa ang meron ka.
