Dugdug doremi
Lili's Pov
Ilang araw pa kami nagstay sa ospital at sa wakas. Nakalayas nadin ako dun. Ngayon, papasok na ulit ako. Wala pa akong sinabihan na ngayon ako lalabas ng ospital.
"Alis nako ma!" Sigaw ko kay mama.
"Sige ingat ka." Balik niyang sagot sakin.
Lumakad lang ako papasok. Oo maglalakad lang ako kaya inagahan ko ng konti yung alis ko sa bahay.
Habang naglalakad ako, may humintong sasakyan sa gilid ko.
Nung una, di ko lang pinansin pinagpatuloy yung paglakad ko.
Habang naglalakad ako, nararamdaman kong sumusunod yung sasakyan sakin.
Hinarap ko yung kotse, hinihintay na ibaba nung driver ung bintana para makita ko siya.
Di naman ako nabigo dahil binaba niya ung bintana nung tumapat na sakin ung kotse.
"Sakay na." Sabi ni Shawn.
"Teka, kotse mo to?" Taka kong tanong.
"Diba itim kulay nun?" Dagdag ko.
Tinignan lang niya ako kagaya ng lagi niyang ginagawa.
"Sasakay ka ba o Hindi?" Tanong niya.
Tinignan ko muna siya, inaalam kung isa nanaman ba to sa mga biro niya o ano. Sumakay nalang din ako.
"Sasakay din pala, patagal pa." Rinig kong sabi niya. Di ko nalang siya pinansin.
Tahimik lang kaming dalawa sa biyahe ng may mapansin ako.
"Shawn? San moko dadalin? Di naman dito papuntang school ah?" Sabi ko
"Shortcut." Sagot niyang di man lang tumingin sakin.
Ahh, shortcut. Shortcut pero papunta ng highway.
"Lakas din ng trip mo sa shortcut ha." Sabi ko.
*****
"SHAWN! SAN MO BA AKO TALAGA DADALIN? ANIM NA ORAS NAKO NAKASAKAY SA SASAKYAN MO? AKALA KO BA SHORTCUT?!" Sigaw ko sa kanya.
"Pwede ba manahimik ka diyan?" Mahinahon niyang sabi sakin pero halatang naiinis na siya sa ginagawa ko.
"PANO AKO TATAHIMIK? EH HINDI KO NGA ALAM KUNG SAN TAY--"
"SHUT THE FVCK UP!" Sigaw niya na nagpatahimik sakin.
Patay, feeling ko lalamunin nako ng buo nito.
Nanahimik nalang ako sa upuan ko at nagintay kung kelan niya ihihinto tong sasakyan niya.
Mayamaya, may nakita akong dagat sa bintana ko.
"Teka? Magsswimming tayo?" Sabi ko pero di niya ako pinansin.
Ang galeng talaga.
Pinarada niya yung sasakyan niya dun sa iba pang nakahilerang sasakyan.
"Baba." Utos niya sakin.
Sumunod naman ako, bumaba ndin siya nang mapatay na niya yung makina ng sasakyan.
Lumapit siya sakin at hinawakan niya yung kamay ko tapos naglakad kami papunta sa dagat
Magkahawak kami ng kamay.
DUGDUG DUGDUG
Binitawan niya ung kamay ko at umupo sa buhangin. Umupo nalang din ako sa tabi niya
![](https://img.wattpad.com/cover/146595475-288-k292826.jpg)
BINABASA MO ANG
Simula Pa Nung Una (On Going)
Teen FictionMinsan, kung ano pa yung bagay na gusto mo, yun pa yung hindi mo makuha. Pero yung mga bagay na hindi mo hinihiling, yun pa ang meron ka.